Inumin Para Sa May Mga Alta Presyon, Diabetes, Kolesterol At Marami Pang Iba

SPONSORED LINKS
Marami sa atin ang may mga problema sa alta presyon, diabetes, tumor, tuberkulosis, kolesterol at marami pang iba. Subukan nyo itong kombinasyon na ito na siguradong makakatulong sa inyo dahil ito ay purong natural at walang mga masamang side effects sa katawan.



Mga Kailangan:

Bawang
Honey
Luya
Luyang Dilaw

Paano Gagawin:

Pakuluan nyo ng sabay ang bawang, luya at luyang dilaw at pagkakulo palamigin ito at ilagay sa isang malinis na lagayan o baso at haluan ito ng honey at inumin. Mainam ito para sa maraming sakit at pwedeng pwede rin itong inumin ng mga taong walang karamdaman para makaiwas sa sakit.


Mga Benepisyo ng Bawang
Maraming hindi nakakabatid sa ibinibigay na benepisyo ng bawang sa kalusugan ng tao. May mga tao din na inaayawan ang bawang dahil sa hindi magandang amoy na idinudulot nito sa hininga. Anu-ano nga ba ang magandang idinudulot nito sa kalusugan ng tao. Narito ang ilan:

Kumain ng sariwang bawang – Kung nais mong makuha ang mataas na antas na benepisyo ng bawang, kainin ito agad habang sariwa pa, dahil ang “allicin” na taglay nito ay agad na nawawala sa oras na maibabad sa tubig ang bawang sa loob ng limang araw at kapag ito naman ay ibinabad mo sa oil ng kalahating oras ay halos mawawala na ang allicin nito.

Hiwain ang bawang
 – Mas makukuha mo ang sustansiya ng bawang kapag hiniwa mo ito mas lalabas ang katas nito at makakain mo ang allicin na taglay nito. Bukod sa paghihiwa ng bawang, maganda rin kung ito ay iyong dudurugin dahil mas makakalabas ang katas nito.

Ngunit, kagaya ng pangamba ng nakararami, talagang mabaho sa hininga ang bawang kaya matapos kumain nito, mas mabuti kung agad na magsisipilyo at magmumog ng mouth wash. Maaari din uminom ng gatas at ngumuya ng parsley. Kung nais naman na maalis ang amoy bawang sa iyong kamay, maglagay ng kalamansi, asin o baking soda at saka magbanlaw.

Benepisyo ng Luyang Dilaw

1. Nakakapagpataas ng lebel ng natural na antioxidants laban sa kanser tulad ng superoxide dismutase, glutathione, at catalase.

2. Nakapagpapababa ng presyon ng dugo at nagpapatatag ng cardiovascular system.

3. Nagpapababa ng pagkakataon magkaroon ng dementia, Alzheimer’s disease at Parkinson’s disease pati na ang ibang sakit na neurodegenerative.

4. Nagpapabilis ng paggaling ng mga sugat at paso sa balat dulot ng psoriasis, eczema, acne, hindi balanseng kulay ng balat, pamamaga sa gilid ng mata, bitak-bitak na sakong sa paa, at hindi makinis na balat.

5. Ginagamit ito sa paglilinis ng dugo at atay.

6. Nakakapagpabilis ng pagpapayat at pagbaba ng timbang.

7. Nakakatulong ito sa sinusitis o impeksyon ng sinus sa pamamagitan ng steam inhalation kasama ang pag-irrigate ng mga sinus.

8. Kapag hinalo sa cauliflower, mahusay ito sa pag-iwas sa prostate cancer at pagpigil sa pagsulong ng sakit na ito.

9. Natural na lunas sa kirot at pananakit.

10. Nakakatulong sa paggamot ng arthritis at rheumatoid arthritis.

11. Nagpapatigil ng paglaki at pagtubo ng mga ugat sa mga tumor.

Paalala:

Ang paggamit ng luyang dilaw ay hindi inererekomenda sa mga buntis dahil ito ay maaring magpasigla ng matres. Hindi rin ito inirirekomenda sa mga taong may bato o may sakit sa gallbladder .
Benepisyo ng Luyang Regular

Pero hindi lang muscle pain ang kayang remedyuhan ng luya sapagkat ayon sa mga siyentista ng University of Sidney Australia ay natuklasan nilang ito rin ay makatutulong sa mga pasyenteng may sakit na diabetes.

Tumutulong ang luya at mga nutrisyon nito sa pagpapabuti ng blood sugar level ng isang tao.

Ang katas ng luya ay mayroong gingerol na kayang magpataas sa glucose patungong muscle cells para sa insulin production.

Dahil sa tulong ng luya o ng ginger na mapabuti ang blood sugar level ng isang pasyenteng may diabetes ay naiiwasan ang paglaganap ng mga komplikasyon.

Benepisyo ng Honey

1. Mataas ang anti-oxidant nito. 
2. Mabisa itong pangontra sa impeksyon ng anumang sugat. 
3. Ito ay anti-biotic cream din. 
4. Pangontra rin sa alergy. 
5. Mabisa sa may karamdaman sa kidney. 
6. Ipinapayo ang pulot sa mga pasyenteng nagdadialisis. 
7. Maraming taglay ang pulot na vitamins, minerals at amino acids. 
8. Ito ay anti-bacterial at anti-fungal kaya naman marami ang bumibili ng pulot pero ipinapayo ng mga doctor na dapat na mag-ingat at baka naman pekeng pulot ang mabili.

By : Lita Jugo
SPONSORED LINKS

0 comments