Ito Ang Mga Maagang Sintomas Ng Sakit Sa Bato

SPONSORED LINKS
Ang kidney ay isang napaka importanteng parte sa ating katawan at kalusugan dahil nililinis nito ang mga dumi at nilalabas nito ang mga sobrang tubig sa katawan. Ito ang mga iba't ibang sintomas na dapat nyong alamin kung may problema kayo sa inyong kidney o bato.




RAMDAM ANG SAKIT NG PANTOG, LIKOD AT TAGILIRAN. 

Nananakit ang pantog kapag umiihi. Tagos din sa likuran hanggang sa singit ang nararamdamang sakit kung may kidney stone sa dinaraanan ng ihi.

PAGKAKAROON NG URINARY TRACT INFECTION (UTI). 

Kapag ang impeksiyong ito ay kumalat sa kidney ay nagiging sanhi ng lagnat at pananakit ng likod.

DUGO SA IHI. 

Sintomas ito ng diperensiya ng kidney kaya’t kailangang magpasuri kaagad.

PAGKAKAROON NG MANAS. 

Trabaho ng ating bato o kidney na linisin ang mga basura at sobrang tubig sa ating katawan, pero kapag hindi na ito gumagana, magkakaroon ng manas sa kamay, paa at mukha.

PANGHIHINA AT PANLALAMBOT. 

Hormone na erythropoietin ang naipo-produce ng ating bato na tumutulong sa red blood cells na magdala ng oxygen at kapag ‘di na ito gumana, dahilan ito ng pagiging anemic dahil kulang ang na dadalang oxygen sa ati ng mga sellula at dahilan ng panghihina.

PAGKAHILO AT DI MAKAPAG-CONCENTRATE. 

Kapag anemic at may problema sa bato at kulang sa oxygen sa utak na dahilan ng pagkahilo at mahirap makapag-concentrate.

PALAGING GINIGINAW. 

Kahit na sa mainit na lugar ay giniginaw dahil anemic. Ang kidney infection ay sanhi ng pagkakaroon ng lagnat na dahilan para ginawin

MAY SKIN RASHES AT NANGANGATI. 

Sa pagkakaroon ng sakit sa bato ay naiipon ang mga dumi sa katawan na sanhi ng pangangati at skin rashes.

BAD BREATH AT MASAMA ANG PANLASA. 

Kapag may kidney failure tumataas ang lebel ng urea sa dugo o nagkakaroon ng uraemia.

PAGSUSUKA. 

Kapag naipon ang basura sa dugo dahil sa sakit sa bato, nagiging dahilan ng pagsusuka.
SPONSORED LINKS

0 comments