Paraan Kung Paano Gamitin Ang Oregano Para Sa Sipon, Ubo At Rayuma

SPONSORED LINKS
Ang oregano ay isang halamang gamot na maraming dahon at malambot ang mga sanga, mabango at matapang ang amoy. Ang mga dahon nito'y nasa 2-3 pulgada ang haba at may pagkahugis puso ang anyo.



Matagal na rin itong ginagamit hindi lamang bilang gamot kundi bilang pampalasa sa mga pagkain.

May mga pag-aaral narin na ginawa kung saan may mga katagiang nakita sa halamang ito na nagpapakitang may potensyal bilang isang halamang gamot.

Mga tradisyonal na gamit:

1. Nakapagbibigay ginhawa sa ubo, sipon, at lagnat lalo na sa mga sanggol
2. Nakapagbibigay ginhawa sa sore throat o pharyngitis
3. Gamot para sa mga pigsa at pananakit sa kalamnan
4. Iba pang mga tradisyonal na gamit ng oregano: Gamot sa UTI, at sakit ng tiyan

Paano gamitin:

1. Maaaring magpakulo ng isang tasa ng sariwang dahon sa tatlong tasa ng tubig, ilaga ito sa 10-15 minuto. Uminom ng isang tasa tatlong beses isang araw para sa ubo't at sipon

2. Para sa ubo at rayuma, maari ring gumamit ng mas matapang na preparasyon. Pigain ang mga dahon ng oregano at uminom ng isang kutsarita na katas nito, tatlong beses rin isang araw.

3. Para sa mga pigsa, sugat, o kagat ng insekto, dikdikin ang mga dahon at ipahid ito sa apektadong bahagi ng katawan, isang beses isang araw.

Babala at mga paalala

1.
Ang mga halamang gamot ay itinuturing na the home remedy o maaring ibigay na gamot sa mga kondisyon na hindi kinakailangang ipakonsulta sa doktor.

2. Kung ang mga sintomas na iyong nararamdaman ay matagal na o patuloy na lumalala, mabuting ipakonsulta sa mga doktor ang karamdaman.

3. Hindi dapat ihalili ang mga halamang gamot sa mga gamot na nireresita.

4. Huwag kalimutang sabihin sa doktor na umiinom ka ng anumnag halamang gamot.

5. Panghuli gaya ng kahit anong gamot maaring magkaroon ng side effects ang pag-inom nito bagamat itoy higit na mas madalang

via: kalusugan.ph
SPONSORED LINKS

0 comments