ANG PARAAN NG PAGGAMIT NG BAKING SODA NA ITO AY MAGPAPAGANDA AT MAGPAPABATA SA IYO NG 10 TAON SA ILANG MINUTO LAMANG!

SPONSORED LINKS
Isa sa mga mabisa at marami ang kagamitan na sangkap ay ang baking soda. Ang sangkap na ito ay magagamit kahit saan, panglinis o sa pangangalaga ng balat at panglunas sa mga sakit.



Ang pangunahing kagamitan ng baking soda ay ang pagpapaangat ng dough, pero magagamit din ito sa paglunas at pagpigil ng maraming sakit at pagpapaputi ng mga damit.

Bukod dito, ang baking soda ay epektibong gamitin sa pagalis ng masamang amoy at bilang carpet freshener. Isa rin itong all-surface cleaner. Ang kataka-takang sangkap na ito ay ginagamit din ng karamihan sa pagpapaganda.

1. LABAN SA ACNE

Malakas itong panlaban sa acne at pimples. Para magamit ang baking soda para dito, kailangan mo lang na maghanda ng isang paste gamit ang tubig at baking soda, pagkatapos gamitin ito sa acne para maalis ito.

2. PAGPAPAPUTI NG NGIPIN


Kapag tiningnan mo ang label ng mga whitening toothpaste, mababasa mo na me laman silang baking soda. Kapag hinalo mo ang baking soda sa hydrogen peroxide, magkakaroon ka ng mixture na mabisa sa pagpapaputi ng ngipin. Iwasan mo lang na gamitin ito ng madalas dahil baka masira ang iyong teeth enamel. Sapat na ang paggamit ng isang beses sa isang linggo para gumana ito.

3. GAWING PRESKO AT MABANGO ANG HININGA

Kung sakaling me kilala kang mayroong bad breath, marahil alam mong ang mga mint drops ay hindi halos gumagana para dito. Tinatago lang nito ang kondisyon na halitosis. Ang baking soda ay may kakayahang alisin ang bad breath ng mas epektibo at mas mabilis. Ilagay ang isang kutsara ng baking soda sa isang basong tubig at haloin ito hanggang matunaw ang baking soda. Pagkatapos nito ay imumog ang timplada para ma-disinfect ang lalamunan at oral cavity at maalis ang mga bacteria. Gawin ito araw-araw para mabisa.

4. PINAPALAMBOT ANG BALAT

Kapag tuyo palagi ang balat sa iyong kamay at paa, gumamit lamang ng pinaghalong baking soda, tubig at sabon at gamitin ito para masahihin ang iyong balat. Maghugas ng mainit na tubig pagkatapos. Ang balat mo manunumbalik ang nawalang tubig at mababawasan din nito ang amoy sa mga kamay pagkatapos mong maghanda ng mga pagkain.



5. GAWING MALUSOG AT MALINIS ANG BUHOK


Halos karamihan ng mabibiling shampoo at conditioner ay hindi gaanong mabisa kompara sa nakikita mo sa kanilang advertisement sa tv dahil karaniwan silang me kemikal na nakasasama sa scalp at sa buhok. Maaari mong gamitin ang baking soda para sa conditioner at panatilihin ang sigla at linis ng iyong buhok at scalp. Gamitin lamang ang paraang ito ng isang beses bawat isang buwan dahil mataas ito sa pH levels.

6. INAALIS ANG MASAMANG AMOY NG KATAWAN


Kung gusto mong masugpo ang mga bacteria at acid sa iyong katawan na sanhi ng mabahong amoy, punoin lamang ang bathtub ng tubig at dagdagan ng maliit na tasa ng baking soda at magbabad sa tubig na ito. Tutulongan ka nitong alisin ang masamang amoy sa katawan at gawan ng lunas ang oily skin. Gawin ito ng isa sa dalawang beses linggu-linggo para gawing makinis at malambot ang balat.

7. NILILINIS ANG KUKO


Para manumbalik ang sigla ng kuko, ihalo lamang ang baking soda sa tubig, sa ratio na 3:1 para magkaroon ng paste. Gamitin ito sa kuko mo at pagkatapos hugasan ang kamay para matanggal ang paste.

8. TINITIGIL ANG MAGPAWIS

Pwede mong gamitin ang baking soda para maghanda ng natural na DIY deodorant. Ang gagawin mo lang ay gamitin ang iyong paboritong essential oil at idagdag ang ilang patak nito sa apat na kutsarang baking soda. Kapag nakagawa ka na ng paste galing dito, gamitin ito sa iyong kilikili at papatayin nito ang mga bakteryang nagdudulot ng masamang amoy. Ang timpladang ito ay isang natural deodorant at malaki ang maitutulong nito para mapanitili ang preskong pakiramdam ng matagal. Bukod dito ay ligtas pa itong gamit-gamitin uli.

9. ISANG NATURAL NA EXFOLIATOR

Isa sa simple at mabisang paraan para mapanitili mong malinis at malusog ang iyong balat ay ang paggamit ng baking soda. Ang natural na ingredient na ito ay maaaring gamitin sa karaniwang facial routine mo araw-araw para maranasan mo ang kanyang pakinabang.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments