LINISIN ANG MGA BATO (KIDNEYS) HABANG MAAGA PA!

SPONSORED LINKS
Ang kidney ay isa sa mga mahahalagang parte ng katawan. Ito ang naglilinis ng ating dugo at nag-aalis ng mga nakasasamang toxins sa katawan.



Gayunman, dahil sa kasalakuyang uri ng pamumuhay ng tao, marami sa atin ang mahilig sa mga pagkain at inuming hindi mabuti sa ating kalusugan at dahil sa sobra-sobrang toxins na binibigay nito sa katawan ay nagdudulot ito ng pagkasira ng ating kidneys at mga sakit dito tulad kidney stones. Kaya mahalagang palagi nating linisin o i-detoxify ang ating katawan para magaan lang ang trabaho ng ating katawan sa pangangalaga sa ating kalusugan.

Sa kabutihang palad. Maraming halaman o herbs ang makakatulong sa atin para maiwasan natin ang sakit sa bato.

Ang isang halimbawa nito ay ang parsley na marami ang pakinabang sa kalusugan ng tao. At sa baba ay mababasa mo ang isang resipe na gawa sa parsley leaves para tuluyang pigilan ang anumang kidney diseases.

PAANO ITO GAWIN?

MGA SANGKAP:


6 cups na filtered water
Organic parsley leaves
Lemon juice
2 teaspoons ng honey

PREPARASYON:

Hugasan ng mabuti ang parsley leaves at tadtarin ito. Kumuha ng isang medium-size pot at lagyan ng tubig. Pakuluan ito at ilagay ang parsley na hindi inaalis sa apoy ang pot. Babaan ang init ng apoy at pagkalipas ng 10 minuto ay salain ang tubig at palamigin ito. Pagkatapos ay idagdag ang honey at lemon juice sa tubig at pwede mo na itong inumin.

Tandaan na ito ay para sa prevention lamang. Kapag meron ka ng sakit sa bato, dapat kausapin mo muna ang doktor bago gamitin ang resipeng ito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments