PAGALINGIN ANG BAGA, UBO, ASTHMA, BRONCHITIS, EMPHYSEMA, RAYUMA, IMPEKSYON…

SPONSORED LINKS
Ang oregano ay isang mahalagang sangkap at isa ring medicinal herb na ginagamit ng napakaraming taon at marami ang pakinabang nito para sa kalusugan.



Dahil sa malakas nitong antioxidants, antibacterial, anticancer at anti-inflammatory properties ay sadyang mabuti ito para sa ating katawan.

Ito ay mayaman sa vitamins A, C, E at K, fiber, calcium, niacin, manganese, folate, magnesium, iron, carotenoids lutein, zeaxanthin at cryptoxanthin.

Ang kakayahan ng antioxidant na katangian nito ay natuklasang mabisa sa pagpigil ng maraming sakit. Sa katotohanan, isa sya sa may pinakamataas na antioxidant activity rating at mabilis nitong pinupuksa ang free radicals sa katawan.

PAANO ITO GAMITIN PARA SA KALUSUGAN?


Ang oregano ay pwedeng gamitin sa maraming paraan para makuha ang silbi nito sa ating kalusugan. Maaari mong gamiting ang fresh o dried oregano leaves, sa oil form nito o gamitin bilang tablets o isang supplement.

Ang karaniwang paggamit ng tao dito ay bilang tea. Ang tea na ito ay gawa sa fresh o dried oregano. Mga 1 to 2 teaspoons (5-10 grams) ay dapat ibabad sa isang tasang puno ng mainit na tubig sa tagal ng 5 minuto. Ang inirerekomendang beses ng paginom sa araw-araw nito ay tatlong beses.

Buko dito, ang oregano oil ay pwede rin magamit na panggamot para sa microbial infections tulad ng athlete’s foot o ibat-ibang uri ng fungal infections. Ang oil na ito ay dapat palabnawin o diluted ng 50% or more at gamitin ito ng 2 beses araw-araw.


MGA SAKIT NA KAYANG LUNASAN NG OREGANO:

Ubo at sipon
Hika
Rayuma
Digestive disorder
Pananakit ng kalamnan
Acne
Dandruff
Bronchitis
Sakit sa ngipin
Bloating o pamamaga
Pananakit ng ulo
Sakit sa puso
Heartburn o acid reflux
Alerdye
Mga bulate sa lamang-loob
Sakit sa tenga
Pagkapagod
Mapaalis ang mga insekto
Impeksyon sa daanan ng ihi o urinary tract
Menstrual cramps
Kanser

PAANO GUMAWA NG OREGATO TEA?


MGA SANGKAP:

4-6 tablespoons ng dried oregano leaves
2-3 cups ng water
1 slice ng organic lemon para pataasin ang antas ng bioavailability (maaaring idagdag)
Organic raw honey para sa lasa (kung gusto mo)

DIREKSYON:

Punuin ang isang small pot ng tubig at pakuluan sa stove. Patayin ang apoy kapag kumulo na ito. Ilagay ang oregano leaves at pabayaan itong nakababad ng 5 minuto at lumamig. 

Salain ang mga dahon at lagyan ng honey para mapaganda ang lasa kung gusto mo. Inumin ito sa buong araw para makuha mo lahat ng mabuting epekto nito sa kalusugan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments