HALOS ISANG PAMILYA ANG NASAWI DAHIL SA MGA NABUBULOK NA PATATAS SA KANILANG BAHAY

SPONSORED LINKS
Masarap ang patatas, ito ay maraming kagamitan sa kusina at pagluto. Pero maaari din itong makasama sa kalusugan.



Kapag may patatas ka sa bahay na matagal nang nakatago ay itapon na lamang ang mga ito.

Naging ulilang bata ang 8 taong gulang na Maria Chelysheva sa Russia noong 2014 dahil sa mga lumang patatas na nabulok sa bodega sa taas ng kanilang bahay. Pumunta ang kanilang tatay sa bodega para kumuha ng patatas pero hindi na ito bumalik. Sinundan ito ng nanay ni Maria para tingnan kung anong nangyari pero pati siya ay hindi rin nakabalik.

Ito rin ang nangyari sa kuya ni Maria at pagkatapos ay sa lola niya. Nagawa pang makahingi ng tulong sa kapitbahay ang lola ni Maria pero pagdating ng mga tao ay nakapasok na ang matanda sa bodega at hindi na nakalabas.

Ang mga patatas ay may glycoalkaloids, isang chemical compound na makikita rin sa mga nakakalason na nightshade na halaman. Ginagawa nito na toxic ang mga patatas sa tamang kondisyon, at hindi lamang ito nakakalason kapag kinain pero kahit nalanghap ang mga kemikal na nilalalabas nila sa hangin.

Ang concentation ng glycoalkaloids sa patatas ay tumataas habang mas lalo itong nabubulok at sa panahong ito sila lumalabas ng nakakalasong toxic gas. At dahil sa nakakalasong hangin na ito kaya napahamak ang pamilya ni Maria.

Munti na rin mamatay si Maria dahil pumunta rin sya sa bodega para hanapin ang pamilya nya pero sa kabutihang palad ay sobrang manipis na ang nakakalasong hangin dahil naiwan na nakabukas ang pinto sa bodega.

Nakakalungkot ang nangyari sa pamilya ni Maria pero sana ay maging babala ito sa panganib na dala ng ma nabubulok na patatas. Kapag meron ka ng mga nakaimbak na patatas sa bahay at nabubulok na, itapon na lamang ito para sa kaligtasan ng pamilya mo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments