KUMAIN NG GINGER ARAW-ARAW SA LOOB NG 1 BUWAN AT ITO ANG MANGYAYARI SA IYONG KATAWAN!

SPONSORED LINKS
Ang ginger o luya ay isang pangkaraniwang sangkap na Asian at Indian cuisine, pero alam mo bang matagal na itong ginagamit dahil sa kanyang kakayahang manggamot? Ito ay may mahaba nang kasaysayan pagdating sa pakinabang nito sa kalusugan ng tao at ginamit bilang panlunas sa maraming sakit tulad ng pagkahilo, digestive problems at mga kirot sa katawan.



Ang madalas na parte ng halaman na ito na ginagamit bilang gamot ay ang ugat nito o underground stem at tinatatawag na rhizome. Maaari itong kainin ng hilaw, powdered, dried spice o gamitin bilang oil o juice.

8 DAHILAN KUNG BAKIT DAPAT PALAGI MONG GINAGAMIT ANG GINGER SA KUSINA:

1. ITO AY PANLUNAS SA DIGESTIVE ISSUES

Ang phenolic compounds sa luya ay natuklasang nakakatulong maibsan ang sakit na nararamdaman sa gastrointestinal tract. Pinapalakas nito ang saliva at bile production at pinapabuti ang daloy ng pagkain at tubig sa gastrointestinal tract. Sa isang pagsusuri sa 24 malulusog na tao, ang pagkonsumo ng 1.2 grams ng ginger powder bago kumain ay pinapabilis ang pagtunaw ng pagkain at dahil dito ay binabawasan ang indigestion ng 50%.

2. REMEDYO SA PAGKAHILO

Ang paginom ng ginger tea o kahit ang pagkain ng raw ginger ay isang karaniwan at ligtas na home remedy para sa pagkahilo o nausea, lalo sa cancer treatment, pagbubuntis at morning sickness. Isang pag-aaral na ginawa sa 1,278 na buntis na mga kababaihan ay napag-alaman na ang pagkonsumo ng 1.1 – 1.5 ng ginger ay malaki ang naitulong sa paghina ng pagkahilo.

3. PAHUPAIN ANG SAKIT SA KATAWAN

Isang pag-aaral na ginawa sa University of Georgia ang nakatuklas na ang araw-araw na paggamit ng ginger ay nagawang pababain ang sakit sa kalamnan ng 25%. Mabisa rin ito para bawasan ang sakit na naramdaman habang nasa menstrual cycle. Napag-alaman din ng mga researchers na ang ginger ay epektibong gamitin para mabawasan ang patuloy na pananakit ng kalamnan sa araw-araw.

4. BAWASAN ANG PAMAMAGA

Ang Osteoarthritis ay isang karaniwang problema at dahil ito sa unti-unting pagkasira ng mga buto sa ating kasukasuan, at nagaging sanhi ng joint pains at stiffness. Sa ginawang pag-aaral sa 247 tao na merong osteoarthritis sa tuhod, ang gumamit ng ginger ay bumaba ang sakit at nabawasan din ang pangangailan nilang gumamit ng medikasyon.



5. BINABAWASAN ANG PANGANIB SA SAKIT SA PUSO


Sa isang pag-aaral ng ginawa kamakailan lang kasama ang 2 participants na mayroong type 2 diabetes, napag-alaman na ang paggamit ng 2 grams ng ginger powder araw-araw ay bumaba ang blood sugar at umabot sa 10% kabuuang pagbaba sa loob ng 12 linggo. Ang mataas na antas ng blood sugar sa katawan ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa puso ang tao.

6. BAWASAN ANG CHOLESTEROL SA KATAWAN

Isang pag-aaral na tumagal ng 45 araw kasama ang 85 tao na mataas ang cholesterol ay napag-alaman na ang paggamit ng 3 grams ng ginger powder araw-araw ay mabisa para mapababa ang antas ng cholesterol sa katawan. Dahil dito ay malaki ang maitutulong nito para mapigilan ang sakit sa puso.

7. ANG GINGER AY MAY ANTI-CANCER NA KATANGIAN

Ang 6-gingerol na laman ng ginger ay natuklasan na isang mabisang panlunas sa maraming klase ng kanser. Patuloy ang pananaliksik na ginagawa para dito pero isang pag-aaral ang nakadiskobre na ang paggamit ng 2 grams ng ginger extract araw-araw ay malaki ang ginawang pagpapababa sa pro-inflammatory signaling molecules sa colon.

8. NAKAKABUTI NG KAISIPAN

Ang oxadative stress at chronic inflammation ay dalawang dahilan kung bakit bumibilis ang aging process at maging susi para sa Alzheimer’s disease at iba pang age-related cognitive impairments. Ilang pag-aaral ang nagsasabing ang antioxidants at bioactive compounds sa ginger ay pinipigilan ang inflammatory responses sa utak. Sa isa ring pananaliksik na ginawa sa 60 middle-aged na kababaihan, ang paggamit ng ginger extract ay malaki ang naitulong sa pagbuti ng kanilang reaction time at working memory.
SPONSORED LINKS

0 comments