MGA DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAKAROON NG SKIN FUNGUS AT KUNG PAANO ITO PIGILAN

SPONSORED LINKS
Ang mga doktor ay maraming gamot para sa skin fungus infections sa paa, kuko, ari, kamay at iba pang parte ng katawan. Pero kadalasan ay malaki ang posibilidad na bumalik ito kahit tila nagamot na gamit ang medikasyon.



Ito marahil ay dahil sa hindi magkaparehas ang antas ng kakayahan ng katawan na labanan ang mga sakit sa tao. Ang ilan ay madaling talaban ng allergies. Ang ilan ay palaging may sipon atu ubo. At ang ilan naman na tao ay madaling kapitan ng sakit tulad ng skin fungus infection.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon nito ang tao tulad ng paggamit ng damit at gamit ng iba na meron ng impeksyon.

ANG MGA TAO NA MATAAS ANG TSANSA NA MAGKAROON NG FUNGAL INFECTION AY:

Mga tao na sobra kung pawisan (ang fungus ay mahilig sa basa)
Mga tao na mahina ang immune system
Mga tao na nagtratrabaho malapit sa mga tao na mayroon nang impkesyon o madali madapuan nito.
Mga tao na matagal nang gumagamit ng antibiotics
Mga tao na madalang umihi

Kailangan ng fungus ang moisture para mabuhay. Maaari kang madapuan ng impeksyon na ito kapag nahawakan mo ang balat ng tao na mayroon nito kaya mag-ingat sa mga public places tulad ng swimming pools at locker rooms. Iwasang gamitin ang mga suklay at tuwalya na nasa mga lugar na ito.

Siguraduhing palaging malinis ang katawan at hindi masyadong pagpawisan buong araw. Dapat malinis din at tuyo ang mga panloob na damit, ang paa mo at ang parte ng balat mo sa baba ng suso.


Ang mahina na immune system ay isang dahilan para magkaroon ka ng fungal infection. Para mapalakas ito ay tiyakin na wasto ang iyong kinakain. Kumain ng maraming gulay at prutas. Ang fungus ay mahilig din sa asukal kaya bawasan ang pagkonsumo ng carbs at kumain ng mataas sa protein at healthy fats. Siguraduhin din na hydrated ka at magpahinga ng mabuti.

Madaling mailipat sa ibang tao ang fungal infection. Kapag meron ka na nito, tiyakin na hindi ito kumalat at huwag kamutin ang apektadong parte ng katawan. Magpunas palagi gamit ang isang malinis na tuwalya kapag sobrang pinapawisan.

Alamin ang lahat na sintomas ng ibat-ibang uri ng fungal infection. Ito ay naiiba sa mga parte na naapektuhan at iba-iba rin ang mga sintomas.

Ang isang halimbawa ay ang athlete’s foot na nakaka-apekto sa paa.

Ang jock itch naman ay ang pangangati sa paligid ng ari at madalas sa teen at matandang lalaki na mahilig sa sports at matagal na nasa locker rooms. Ito ay parang mga pulang kaliskis sa balat na masakit sa pakiramdam.

Ang ringworm infection ay isang small blemish na mapula. Mahapdi ito at mabilis matuklap. Nakikita ito sa mga parte ng katawan maliban sa anit sa ulo, paa at sa ari.

Hindi mapanganib sa buhay ang fungal infection at madali itong magamot gamit ang mga anti-fungal creams at powders na kahit walang reseta ng doktor. Gayunman, dapat mo pa ring humingi ng medical advise bago ka bumili at gumamit ng kahit ano para dito, lalo na kapag mahina ang immune system mo at meron kang diabetes. Ito ay karaniwang nangyayari sa parte ng balat na tumitiklop tulad ng kili-kili, daliri ng paa, mismong sa paa at sa paligid ng ari.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments