4 MGA NATURAL NA PARAAN PARA MATANGGAL ANG TONSIL STONES KAHIT WALANG SURGERY O OPERASYON

SPONSORED LINKS
Ang tonsil stones ay makikita sa loob ng bunganga bilang tiny white particles sa kanilang tonsils. Maaari rin itong magdulot ng pakiramdam na parang tinusok ang lalamunan at may nakabara dito.



Ito ay sa bandang ilalim ng lalamunan kaya ang mga tao na meron nito ay karaniwang walang ideya na meron silang ganito na kondisyon.

Ang tonsil stones ay lumalabas kapag ang mucus, bacteria at kahit mga dead skin cells at leftover food particles ay nagsimulang maipon sa tonsil vaults.

Mapapansin sila bilang puti o dilaw na kulay at ang pagkayari nito ay medyo malambot. Nagdudulot ito ng mabahong hininga, kahirapan sa paglunok ng pagkain, iritasyon ng lalamunan at kahirapan sa paghinga.

ANONG URI NG TAO ANG MADALING DAPUAN NG TONSIL STONES?


Kung madalas mong maranasan ang pamamaga ng tonsil, ang ibig sabihin nito ay wala kang healthy oral hygiene o ang tonsil mo ay sadyang mas malaki kaya mas mataas ang posibilidad mong magkaroon ng tonsil stones.

Ang karaniwang panlunas para sa tonsil stones ay ang surgical removal ng tonsils o tonsillectomy. Pero hindi ito nangangahulugan na hindi na ito mangyayari uli.

At kung nawala ang tonsils mo ay mahihirapan mo nang iwasan ang pagpasok ng viruses at bacteria sa katawan mo.

MGA IBANG PARAAN NG PAGTANGGAL SA TONSIL STONES


Maliban sa operasyon, mayroon ding ibang epektibong paraan para matanggal ang tonsil stones. Ang ilang sa sangkap na ito ay makikita sa iyong tahanan. Ito ang ilan sa paraan na ito:



Q-TIPS


Marahang gamitin ang Q-Tip sa mga bahagi ng tonsil na apektado ng tonsil stones. Gawin ito sa harap ng isang salamin. Kapag nakagawa ka ng wastong pressure ay lalabas ang mga stones mula sa tonsil pockets.

Tiyakin na ang Q-Tip ay wasto ang laki para madali mong maabot ang likod ng lalamunan mo para matanggal ang tonsils stones.

SYRINGES NA MAY DENTAL IRRIGATION

Itutok ng direkta ang curved tip ng syringe sa mga pockets ng tonsils na may stones para mahigop palabas lahat ito. Mas makakatulong ito sa pagtanggal ng tonsil stones na nasa mas malalim at hindi madaling makita.

ORAL IRRIGATOR


Itutok ng diretso ang nozzle ng oral irrigator sa tonsil para matanggal ang mga ito. Siguraduhin huwag lakasan ang paggamit dito para hindi makasira sa tonsils mo.

Ilagay ang irrigator sa lowest setting. Ang water flosser na ito ay may water reservoir, motor at isang espesyal na water floss nozzle.

ORAL PROBIOTICS


Ito ay mabisa para mapuksa lahat ng bad bacteria sa bunganga na isang dahilan ng pagkakaroon ng tonsil stones. Imumog ng mabuti ang tubig na ito sa bunganga at malapit sa mga tonsil stones.

Ilihis pataas ang ulo para maabot ang tonsils bago mo idura ang solusyon na ito. Ang pagnguya sa mga chewing gums at ibang uri ng toothpaste ay makakatulong din sa pagtanggal ng mga tonsil stones.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments