5 HINDI PANGKARANIWANG SINTOMAS NG COLON CANCER NA MARAMI SA ATIN ANG HINDI PINAPANSIN

SPONSORED LINKS
Ang mga ekspertong medikal ay nagsasabi na isa mga pinakadelikadong klase ng kanser sa mundo ay ang colon cancer pero hindi ito masyadong kilala kompara sa iba.



Sa taon ma 2016, may mga 140,000 na tao ang napag-alaman na may colon o rectal cancer.

Ang sintomas ng ganitong klase ng kanser ay karaniwang hindi pinapansin at maraming tao ang hindi nabibigyan ng tamang kagamutan sa tamang oras.

Sa artikulo na ito, mababasa mo ang ilang sa mga madalas na isinasawalang bahala na sintomas ng colocteral cancer, at kung papaano mo mapapababa ang tsansa mong magkaroon ng ganitong kondisyon.

CRAMPS

Ang abdominal cramps ay isa sa mga sintomas ng maraming sakit na wala naman na kaugnayan sa kanser at ito ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay hindi masyadong pinapansin. Kung masyado nang masakit ang nararamdaman mo dahil dito ay baka senyales ito ng colocteral cancer at kailangan mo na magpasuri kaagad sa isang espeyalista.

PAGKAPAGOD

Sa una ay maaaring wala lamang ito lalo na kung talagang sobra kang nagtratrabaho kulang sa tulog pero kung ito ay madalas mangyari kahit wala ka naman na masyadong ginagawa ay baka sintomas na ito ng colocteral cancer.

Sinasabi ng mga eksperto na amg pangunahing dahilan ng pagkapagod dahil sa kanser ay ang paggamit ng mga cancer cells sa enerhiya ng katawan. Maliban sa pagkapagod ang kanser na ito ay maaaring maging sanhi rin ng blood loss.

HINDI MAIPALIWANAG NA PAGPAYAT

Ang biglaan at hindi maipaliwanag na pagpayat ay isang matinding indikasyon ng maraming uri ng kanser. Ito ay madalas na nakakita bilang kawalan ng 5% na timbang ng katawan sa loob ng 6 buwan.


Isang halimbawa ay ang isang tao na may 150 pounds ay mawawalan ng 7 ½ pounds sa anim na buwan na ito kahit wala masyadong ginagawa.

Dahil naapektuhan ng cancer cells ang enerhiya sa katawan ay nasisira ang immune system dahil dito at hihina ang kakayahan ng katawan na labanan ang mga ibat-ibang uri ng sakit at pigilan ang pagkalat nito. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ang mga tao na may kondisyon na ito ay sobrang pumapayat.

Pagdating sa colon cancer, posibleng nababarahan ng malaking tumor ang colon na nakaka-apekto sa bowel movement na siyang magiging dahilang ng biglaan at sobrang pagpayat.

IRREGULAR BOWEL MOVEMENTS

Hindi masyadong pinapansin ng tao ang kanilang bowel movements. Ang oras at pagkamadalas nito ay isang indikasyon ng malusog na katawan at kung naiba ito ay maaaring isang sintomas ng colocteral cancer.

Ang colon polyps ay isang kakaunting dami ng cells na nagiging cancerous sa paglipas ng panahon at dahil dito ay naapektuhan ang bowel movements kung naging tumor na ang mga ito. Ang tumors na mga ito ay makaka-apekto kung paano gumada ang large intestines mo at magdudulot ng pagbabago sa stool mo.

PAANO MAPABABA ANG POSIBILIDAD NA MADAPUAN NG COLON CANCER


Ang ang pamilya mo ay may kasaysayan sa kanser o nakararanas ka ng inflammatory kondisyon sa bowels mo ay dapat mo nang gawin ang ilang bagay na ito:

Kumain ng prutas, gulay at grains. Ang mga ito ay fiber-rich foods na lilinisin ang toxic wastes sa intestines at mabuti para sa healthy bowel movements. Ang ilan sa mga pagkain na ito ay nakakabawas din sa pamamaga o inflammation.
Mag-ehersisyo ng madalas para sa wastong timbang at maalis ang sobrang toxins sa katawan. Mabuti rin ito para tamang pagtakbo ng bowels.
Huwag manigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapalala ng maraming klase ng kanser at kasama na dito ang colon at rectum cancer.
Pagmasdan ng maigi ang bigat ng katawan mo. Ang mataba at overweight na mga tao ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng colocteral cancer. At mas malaki rin ang posibilidad na mamatay dahil sa sakit na ito.
Iwasan din ang sobrang pag-inom ng alak.
SPONSORED LINKS

0 comments