6 BAGAY NA MAITUTULONG NG ONION O SIBUYAS PARA SA PAGHABA NG BUHOK NA DAPAT NATIN NA MALAMAN

SPONSORED LINKS
Ang katas ng sibuyas ay maraming kagamitan lalo na sa para malunasan ang maraming sakit partikular ang alopecia areata na isang auto-immune condition.



Kung nalagas ang buhok mo dahil sa isang bacterial o fungal infection, dahil sa free radical damage - ang sulfur compounds at quercetin na mga anti-oxidant sa sibuyas ay makakatulong sa iyo. Ang sulfur ay magpapatibay sa buhok. Ang sibuyas ay mainam na gamitin para matagal na mapanatiling maitim ang buhok mo.

Ang paghaba ng buhok ng tao ay nangyayari sa 3 phases: active, resting at shredding. Ang hair shaft ay mabilis na tumutubo sa first phase at magpapahinga ng kaunti pagkatapos. At sa tulong ng shredding ang buhok ay malalagas at kompleto na ang life cycle nito. Ito ay isang continuous process at mapapalitan lamang ng bagong hair strands ang mga nalagas na buhok.

Ang sibuyas ay maraming anti-inflammatory compounds na mabisa para labanan ang hair loss. Pero sa kaso ng hair loss dahil sa alopecia, ang mga nalalagas na buhok ay hindi napapalitan ng bago at dahil dito ay nakakalbo ang ibang tao o magkakaroon ng manipis na buhok, bald spots o exposed na scalp area. Ang paglagas ng buhok ay maaaring mangyari dahil sa heredity, stress, hormonal imbalance, anemia, vitamin deficiency at auto-immune condition tulad ng alopecia areata kung saan inaatake ng immune system ang hair follicles o kung saan tumutubo ang buhok mo.

Walang masyadong maitutulong ang medical sciene sa iyo tungkol dito dahil hindi pa alam ang eksaktong dahilan kung bakit ito nangyayari. Pero sa kabutihang palad ay makakatulong sa iyo ang isang simpleng sibuyas sa kondisyon na ito:

1. MABISA ITO PARA TUMUBO ULI ANG BUHOK SA MGA ALOPECIA AREATA PATIENTS

Sa paggamit ng onioin juice ng at least 2 beses sa isang araw sa loob ng 4-6 na linggo, halos 86.9% ng alopecia areata patients ay tinubuan ng mga bagong buhok.

Minasahe ito sa kanilang scalp at pagkatapos ng nasabing panahon ay tinubuan nga sila ng buhok. Napag-alaman din na mas mabisa ito sa mga lalakeng pasyente.

2. NILALABAN NITO ANG PAGLAGAS NG BUHOK DAHIL SA INFLAMMATION


Ang flavonoids ang nagbibigay sa sibuyas ng kanilang kakaibang kulay at ito ay may anti-inflammatory properties din. Ang pamamaga o inflammation sa katawan ay dahil sa cell damage na gawa ng free radicals. Ang flavonoids ay nilalaban ang mga free radicals sa katawan kaya mabisa itong gamitin para sa hair loss.

Ang quercetin na makikita rin sa sibuyas ay ginagamot ang alopecia areata at pinipigilan itong mangyari uli. Mas mataas itosa red onion na punong-puno ng bioflavonoids na malalakas ang anti-inflammatory properties.

3. MAY KAKAYAHAN ITONG LABANAN ANG HAIR LOSS DAHIL SA INFECTION

Ang hair loss ay maaaring resulta ng bacterial at fungal infection sa scalp. Ang katas ng sibuyas ay magagamit mo sa iyong scalp para malabanan ang kondisyon na ito at bukod dito ay matanggal din ang mga dandruff na gawa ng impeksyon na ito.


4. PINAPATIBAY NITO ANG BUHOK SA PMAMAGITAN NG KARAGDAGANG MGA HAIR PROTEINS

Ang sibuyas say may sulfur na nakagagawa ng keratin na isang importanteng building block ng buhok at para rin mapatibay ang mga ito.

Ang mataas na antas ng sulfur sa sibuyas ay makakatulong sa pagregenerate ng hair follicles at maaari ring maging sanhi ng pagtubo uli ng buhok. Ang keratin ay isang hair protein na gawa sa sulfur packed amino acids na tinatawag na cysteine. Ang cysteine molecules ay nakakonekta sa isat-isa sa pamamagitan ng mga matibay na disulfide bridges. Ito ang nagbibigay ng karagdagang tibay sa buhok. Ang magnesium, calcium at potassium sa makikita sa sibuyas ay makakatulong din sa maayos na sirkulayson ng dugo sa katawan at mabawasan ang pamamaga o inflammation.

Marami rin itong biotin o vitamin B7 na isang hair growth vitamin. Ang kakulangan sa vitamin na ito ay nagreresulta sa madali masirang mga buhok.

5. PINIPIGILAN NITO ANG PAGPUTI NG BUHOK


Alam mo ba ang pangunahing sangkap na mga hair bleaches sa salons? Ito ay ang hydrogen peroxide. Ang katawan mo ay abilidad na gumawa ng hydrogen peroxide gamit ang natural na paraan, pero kapag ito ay sobra na ay maiipon ito sa ugat ng buhok mo. Ito ang sinasabing dahilan kung bakit pumuputi at nasisira ang buhok.

Ang catalese, glutathione peroxidase at kahit ang superoxide dismutase ay mga enzyme na tumutlong sa pagdurog ng sobrang hydrogen peroxide sa katawan mo. Ang sibuyas ay may kakayahang paramihin ang tatlong ito para malabanan ng lubosan ang pagtaas ng hydrogen peroxide.

6. MAS LIGTAS ITONG GAMITIN KESA SA MGA ANTI-HAIR LOSS MEDICINES

Ang onion juice ay lubos na ligtas at epektibong gamitin kompara sa mga steroidal medicines na puwede kang bigyan ng pananakit sa katawan at pagbigat mo.

Wala ring side effect ang paggamit ng onion juice.
Kung may alerhiya ka sa sibuyas ay gumamit ka muna ng skin patch.

3 ONION RECIPES PARA SA HAIR CARE:

ONION AT HONEY HAIR PACK

Kudkurin ang 2 medium sized na sibuyas. Dagdagan ng 2 tablespoons ng honey. Haluin ito ng mabuti hanggang magmasa.

Gawin ito ng 2-3 beses sa isang linggo. Gumamit ng cotton ball para gamitin ito sa iyong scalp. Marahan itong ipahid at pabayaan ng ilang sandali bago hugasan ng tubig at shampoo.

ONION JUICE PARA SA DANDRUFF

I-steam mo ang isang piraso ng sibuyas sa 8 oz. ng tubig hanggang lumabot ang sibuyas. Pabayaan itong lumamig bago dagdagan ng rum. Ibalot ito sa plastic at pabayaan sa magdamag. Maaari mo itong gamitin ng 2-3 beses sa isang linggo.

Salain ang tubig at alisin ang sibuyas sa susunod na umaga. Gumamit ng kaunting tubig na ito para masahihin ang scalp at pabayaan ito ng 15 minuto bago hugasan ng tubig at mild shampoo.

ONION JUICE PARA SA HAIR RINSE

Humiwa ng 4-5 piraso ng sibuyas. Ilagat ito sa isang litrong tubig at pakuluan. Pabayaang lumamig ang tubig bago ito salain. Gamitin ito bilang hair wash pagkatapos magshampoo.

MGA TIPS:

Matapang ang amoy ng sibuyas kaya puwede kang gumamit ng paborito mong essential oil o peppermint oil para sa amoy at makakabuti rin ang mga ito sa pagtubo uli ng buhok.

Maaari mong itago ang onion juice sa isang lalagyan sa loob ng refrigerator ng 7 araw.

Aabot ng halos 3 buwan bago mo makita ang lubos na epekto nito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments