6 NATURAL NA PARAAN PARA MAPAPUTI ANG MAITIM NA BALAT SA PRIVATE AREAS MO!

SPONSORED LINKS
Pagdating sa pubic area natin, pribado ito at personal at syempre nakakahiya na ikwento sa ibang tao. Ang karaniwang problema dito ay ang maitim na balat at lalo na sa mga kababaihan ay marami ang gusto na magkaroon ng light at even skin tone pagdating dito. Maaari nga ba itong gawin ng natural at ligtas?



Ayon sa American Academy of Dermatology, may medical name ito, acanthosis nigricans (AN). Maliban sa paligid ng ari, maaari ring magkaroon ng maitim na balat sa leeg at kilikili. Ang discoloration na ito ay gumagawa ng makapal na balat na may magaspang na pakiramdam. Ang isang dermatologist ang makakapagsabi gamit ang isang physical exam at medical history kung sersyoso ang kondisyon na ito.

Maaari kang isilang na may AN, o magkaroon nito sa pamamagitan ng diabetes, obesity o glandular disorder. Natuklasan ng mga eksperto na ang ilang medikasyon tulad ng oral contraceptives ay maaari ring magdulot ng AN sa pribadong parte ng ating katawan. Walang dapat ikahiya dito dahil maraming tao ang naapektuhan nito pero nahihiya lamang magsabi.

Mababasa mo sa baba ang ilang natural skin care therapies para mapaputi ang maitim na balat sa paligid ng ari. Mainam na subukan ito kapag nakahiga para hindi matanggal ang gagamitin mong panlunas sa ari o pubic area.

LEMONS

Ang citric juice ay hindi lamang para sa summer blonde highlights dahil marami din itong pakinabang para sa kalusugan gawa na mataas ito sa vitamin C. Gumamit ng katas ng lemon at masahihin ito sa mga maitim na parte ng katawan. Pabayaan ito ng mga 10 minuto at pagkatapos ay maghugas ng mainit na tubig. Sa loob ng 1 o 2 buwan, mapapansin mo na ang mas pantay na skin tone. Huwag ahitan ang pubic area bago gamitin ang lemon juice dahil mahapdi ito.

SANDALWOOD AT ROSE WATER


Mabibili mo ito sa ilang health food stores. Ihalo ang isang kutsara ng sandalwood powder sa 10 patak ng rose water. Gamitin ito sa pubic area pagkatapos maligo at pabayaan ng 20 minuto at pagkatapos nito ay magbanlaw. Ang sandalwood powder ay ginamit na ng maraming henerasyon para mapaputi at mapakinis ang balat. Nakakaputi din ang rose water. Gamitin ang timpaladang ito ng 3 beses sa isang linggo.


ALOE VERA GEL

Kapag wala ka nito sa bahay ay bumili ng 100% pure aloe vera gel sa mga drugstore. Imasahe ang aloe vera sa pubic area at pabayaan ng 20 minuto at pagkatapos ay hugasan ng mainit na tubig. Pwede itong gamitin pagkatapos ng ligo. Ginagamit na ng maraming taon ang aloe vera para maalis ang discoloration sa balat.

PLAIN YOGURT

Imasahe ang yogurt sa mga maiitim na parte ng pubic skin at pabayaan ng 15 minuto. Banlawan ito ng mainit na tubig pagkatapos. Gawin ito araw-araw sa ilang linggo hanggang makakita ka ng resulta.

ORANGE JUICE AT TURMERIC

Ginagamit ito ng mga kababaihan sa India ang turmeric ng maraming taon para sa kakayahan nito na makapaputi ng balat. Ang mga oranges naman tulad ng lemon ay may natural bleaching agents. Nakakamantsa ng tela ang turmeric kaya ingatan na huwag itong mapunta sa mga paborito mong damit. Ihalo ang 2 tablespoons ng orange juice at kaunting turmeric. Gamitin ito sa pubic area arw-araw at pabayaan ng 20 minuto. Hugasan ito pagkatapos.

GRAM FLOUR

Ang Southeast Asian staple na ito ay gawa sa ground chickpeas at isang mabisang exfoliator at pampaputi ng balat. Gumawa ng makapal na paste sa paghalo dito ng kaunting tubig at gamitin ito sa pubic area. Pabayaang matuyo at banlawan ng tubig. Maaari mo itong gawin ng 3 beses sa isang linggo.

Kapag gumamit ka ng mga nabibiling produkto sa pubic area mo ay maaaring magdulot ng pangagati at pamumula ang mga kemikal na laman ng mga produktong ito. Kaya maaaring subukan na lamang ang mga natural na paraan dahil mas ligtas ito at kasing bisa pa ng mga nabibiling mga panlunas. Kailangan mo lang ng kaunting tiyaga sa paggamit ng mga ito.
SPONSORED LINKS

0 comments