9 HABITS NA NAKASISIRA SA MGA KIDNEYS NG ISANG TAO

SPONSORED LINKS
Ang kidney ay napaka-importante na bahagi ng katawan at ito ang nangangasiwa sa pagsala ng mga dumi at sobrang tubig mula sa dugo papunta sa ihi mo. Kinokontrol din nito ang blood pressure at may kaugnayan sa kalusugan ng ating buto.



Sa kasamaang palad, ang sakit sa bato ay pangkaraniwan na lamang sa kasalukuyang panahon. Ito ay dahil sa long-term bad habits, poor lifestyle choices at ang paglala ng kondisyon o sakit sa bato.

Maaaring nasabi na ito sa iyo ng doktor mo, na kung mas marami kang masasamang mga bisyo ay mas marami rin ang magiging problema mo sa kalusugan. Ang mga tao na may diabetes ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng problema sa bato.

INIREREKOMENDA PALAGI NA MAGPASURI KAAGAD SA DOKTOR KUNG MAY NAPAPANSIN KA NA NA MGA SINTOMAS.

1. PANINIGARILYO


Ito ay maraming masamang epekto sa ating kalusugan. Nakaka-apekto ito sa blood pressure, tumataas ang heart rate at sumisikip din ang blood vessels sa iyong kidneys.

Nakasira din ito sa arteries – ang maaaring maging sanhi ng arteriosclerosis sa renal arteries.

Ang mga naninigarilyo ay mas mabilis na mawawalan ng kidney function kompara sa hindi naninigarilyo. Ang pagtigil sa bisyong ito ay mababawasan ang paglala ng kondisyon.

2. PAGPIGIL SA IHI

Ang pagpigil sa ihi o ang hindi pagihi ng wastong dami ay masama para sa bato. Ang kidneys ay nagsasala ng mga toxins mula sa dugo at nilalabas niya ito sa pamamagitan ng ihi.

Sa kinalaunan, maaaaring magkaroon ka ng kidney stones kung naipon ang mga waste salts sa kidney mo. Ang pagpigil ng matagal sa ihi ay naglalantad din sa katawan mo sa maraming klase na bakterya na nagiging sanhi ng mga sakit tulad ng UTI o bladder infection.

3. PAGKAIN NG SOBRANG JUNK FOOD

Ang pagkain ng sobra sa mga snacks tulad ng desserts, sodas, candies at chips ay hindi mabuti para sa bato.

Natuklasan ng mga pananaliksik na ang pagkunsumo ng sobrang fructose ay magreresulta sa pagtaas ng uric acid levels. Ito ang magiging sanhi ng cardiorenal disease.

Isang pag-aaral ang nagbabala na ang diet na puno ng junk food at processed food ay magdudulot ng matagalan na pagkasira sa bato at dahil dito ay magkaka-diabetes ka.

4. SOBRANG FAST FOODS


May ilang mga pagkain na masama para sa bato. Kung napapansin mo ang malaking pagbabago sa pagtakbo ng bato mo ay subukan na baguhin ang kinakain mo.

Ang mga pagkain na mayaman sa nutrients tulad ng magnesium at vitamin B6 ay mabuti para maiwasan ang pagbuo ng kidney stones.

Ang fast foods ay puno ng sodium na masama para sa katawan. Sa katotohanan, 80 percent ng sodium na kinukunsumo ng mga Amerikano ay galing sa mga food chains.



5. SOBRANG ASIN


Masama din sa bato kung maraming asin ang kinakain natin.
Ang mataas na antas ng sodium sa pagkain ay magiging dahilan ng pagbuo ng mga kidney stones.

Dahil dito ay masisira ang bato at mababawasan ang kakayahan nito na magtanggal ng sobrang tubig sa katawan na magreresulta sa mas mataas na blood pressure.

6. HINDI PAGTINGIN SA BLOOD PRESSURE MO


Ang madalas na pagkuha ng blood pressure mo ay magandang paraan para maiwasan ang mga problema sa bato.

Ang hypertension ay isang pangunahing dahilan ng pagkasira ng bato kaya mas mainam kung palaging nasa wastong antas ang blood pressure sa katawan mo.

Sinisira nito ang blood vessels at mga filters sa kidney at mahihirapan na ang katawan na alisin ang dumi sa loob nito.

7. HINDI PAG-EEHERSISYO


Ang pag-eehersisyo ay mabuti para sa kalusugan mo. Isang pag-aaral ang nagsabi na ang pagbawas ng timbang ay mabuti para sa renal function ng matatabang mga tao.

Makakatulong ito para mapanitli ang magandang hugis ng katawan at para rin maiwasan ang mga kondisyon tulad ng diabetes, sakit sa puso at sakit sa bato.

May kakayahan din ito na mabawasan ang peligro dahil sa cardiovascular issues na isang pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga pasyente na may CKD.

8. SOBRANG PAG-INOM NG ALAK


Kung marami kang naiinom na alak ay mas napupwersa ang mga bato mo sa pagsala ng mga toxins sa katawan.

At kung ang sinasala ng bato mula sa dugo ay alcohol ay makakasira ito sa wastong tungkulin nito at hihina ang kakayahan nito na salain ang dugo mo.

Ang alcohol drinks ay mabilis na binabawasan ang tubig sa katawan na siyang magdudulot ng dehydration.

9. HINDI PAG-INOM NG WASTONG DAMI NG TUBIG

Ang pag-inom sa wastong dami ng tubig ay ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang sakit sa bato. Kinakailangan ng bato ang madalas na daloy ng tubig sa katawan.

Uminom ng 8-10 baso ng tubig araw-araw para hindi masira ang bato o dapuan ito ng sakit.

Inaasahan namin na nakatulong sa inyo ang artikulo na ito at bibigyan mo ng tamang pangangalaga ang mga bato mo at iwasan na rin mga masasamang mga bisyo na makasisira dito. Walang ring mawawala sa iyo kung magpasuri ka sa doktor kung may nararamdaman kang masama.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments