ANG MGA MAGAGANDANG DAHILAN KUNG BAKIT MO DAPAT SUBUKAN NA MATULOG NA NAKAHARAP SA KALIWANG BAHAGI NG KATAWAN

SPONSORED LINKS
Alam ng tao na mahalaga ang wastong tagal ng pagtulog para sa mental at pisikal na aspeto ng ating kalusugan pero ang posisyon ng pagtulog ay mayroong maitutulong din pala dito.




Ayon sa Ayurveda, isang uri ng kaisipan at paggamit sa medisina na mula sa India, ang pagtulog na nakaharap sa sa kaliwang bahagi ng katawan ay malaki ang nagagawa para mapabuti ang ating katawan at kalusugan. Maraming tao ang nagsasabi na maganda ito para sa digestion o pagtunaw ng pagkain ng tiyan, mas mahimbing na pagtulog, para sa likod, sa puso at sa iba’t iba pang mga parte ng katawan.

ITO ANG ANIM (6) NA POSIBLENG MAITULONG SA IYON NG PAGTULOG NA NAKAHARAP SA KALIWANG BAHAGI NG KATAWAN:


PINAPALAKAS NITO ANG LYMPHATIC SYSTEM


Ayon sa Ayurvedic medicine, ang makatulog sa ganitong posisyon ay mas napapadali ang pagsala ng lymph fluid at mga dumi sa pamamagitan ng lymph nodes at ang kaliwang bahagi ng katawan ay kilala na isang aktibong o dominante na lymhpatic side. Nakakatulong din ito sa pagproseso ng mga dumi na galing sa utak ayon sa pananaliksik ng mga taga-kanluran.

PINAPABUTI ANG DIGESTION

Pagdating sa pagtunaw ng pagkain, ang pagtulog na nakaharap sa kaliwang bahagi ng katawan ay mas mainam at rekomendado kesa sa kabila dahil sa gravity. Ito ay mas madali na dumaloy ang mga naproseso na mga pagkain sa large intestine pababa sa colon at makararanas ka ng bowel movement o kagustuhang magdumi pagdating ng umaga. Ang posisyon na ito ay para rin nakabitin ng maayos sa loob ang bituka at pancreas para sa maayos na produksyon ng pancreas enzymes at iba pang mga digestive related na mga proseso sa loob ng tiyan.

MABUTI ITO PARA SA PUSO

Ipinapayo ng mga doktor na matulog ang mga buntis na babae sa ganitong posisyon dahil mabuti ito para sa sikulasyon sa puso. Kahit hindi ka isang buntis na babae, ang matulog sa ganitong posisyon ay makakatulong na maibsan ang pressure na nakalagay sa puso dahil ang gravity ay tumutulong para magkaroon ng lymph drainage patungo sa aortic circulation palayo sa puso.


MABISA ITO PARA SA MGA BUNTIS NA BABAE

Mabuti ito para sa sirkulasyon ng dugo sa mga buntis na babae. Ito rin ay para maibsan ang pressure na nararamdaman sa likod, at para maiwasan na maipit ng uterus ang atay, tinataasan din nito ang daloy ng dugo papunta sa uteros, bato at kahit sa fetus. Dahil dito ay madalas itong pinapayo ng doktor sa mga nagbubuntis na matulog sa ganitong posisyon hindi lamang para sa kanilang kalusugan kung hindi para na rin sa kanilang magiging baby.

PARA MAIBSAN ANG HEARTBURN

Isang pag-aaral na inilathala ng The Journal of Clinical Gastroenterology ang nakatuklas na ang matulog sa ganitong posisyon ay nakakatulong para mabawasan ang mga sintomas ng acid reflux. Ito ay marahil sa posisyon ng bituka na nakalagay sa kaliwang bahagi ng katawan. Kabaligtaran ito ng mangyayari kapag natulog ka na nakaharap sa kanan at baka lumala pa ang mga sintomas ng kondisyon na ito. Mabilis lamang ang epekto nito, kung nahihirapan ka sa epekto ng heartburn pagkatapos kumain, subukan na humiga na nakaharap sa kaliwa ng mga 10 minuto.

PARA MABAWASAN ANG SAKIT SA LIKOD

Ang mga tao na nakararanas na chronic o paulit-ulit na pananakit ng likod ay matutulongan ng ganitong posisyon sa pagtulog dahil binabawasan nito ang pressure na nakalagay sa spine. Giginhawa ang pakiramdam nila dito at makakatulog sila ng mahimbing.

Tandaan: Dahil nakakakumbinsi ang mga ganitong mga katwiran sa pagtulog sa ganitong posisyon at dapat ninyong malaman na para sa mga tao na may sakit sa puso, sleep apnea, glaucoma at carpal tunnel syndrome ay hindi matutulongan nito. Kung hindi ka sigurado sa klase ng posisyon sa pagtulog, maaari kang bumisita sa isang espeyalista para magtanong.

PAANO GAWIN ANG PAGLIPAT

Kung handa ka nang gumamit ng ganitong posisyon sa pagtulog ay baka mahirapan ka sa una dahil hindi mo ito kinaugalian na gawin. May magagawa ka para mas mapadali ang pagbabago na ito. Isang halimbawa, ay ang paglagay ng unan sa likod para maiwasan ang paglihis ng katawan mo sa kanan habang ikaw ay natutulog. Maaari ka rin na lumipat sa kabilang parte ng kama para hindi maiba ang orientation o direksyon ng paligid mo sa pagtulog.

Importante rin na pumili ng nababagay na mattress na maganda para sa pagtulog na nakaharap sa kaliwa. Dahil ang posisyon na ito ay naglalagay ng karagdagang pressure sa balakang at balikat ay makakatulong dito ang malambot na kama. Maghanap din ng mattress na mabuti para natural alignment ng spine. Ito rin ay dapat comfortable o maginhawa para sa katawan. Ang kombinasyon ng magandang kama at isang mainam na posisyon sa pagtulog ay marami ang maibibigay na benepisyon sa ating kalusugan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments