ANG MGA NAKAKAGULAT NA BENEPISYO NG PINAGHALO NA HONEY AT BAWANG PARA SA ATING KALUSUGAN

SPONSORED LINKS
Alam natin na kahit nag-iisa ay mabisa na ang bawang at pulot dahil bawat isa sa kanila ay marami ang nagagawa na mabuti para sa ating kalusugan. Pero kung pinaghalo pa ang mga ito ay mas makakatulong pa ito para mapatibay lalo ang ating immune system. Sa artikulo na ito ay mababasa mo kung bakit mo dapat sila gamitin.



Ang honey o pulot ay maraming kagamitan para sa medisina. Simula pa noong nailikha ang Ayurveda, kilala na ito na ginagamit na panlunas para sa maraming sakit. At ang maganda pa dito ay madali itong mahahanap sa karamihan na grocery stores.

Ang bawang ay isa na naman na madali makita at marami rin ang taglay na pakinabang para sa ating kalusugan. Matapang ang amoy at lasa nito. Nakakatulong ito para maging aktibo ang ating salivary glands at digestive enzymes.

ANO ANG MGA BENEPISYO NG PAGGAMIT NG BAWANG

Hindi ito alam ng marami pero ang bawang ay malaki ang nagagawa para sa cardiovascular health ng isang tao. May kakayahan din ito na pangalagaan ang blood circulation. Nakakatulong din ito laban sa plaque buildup, blood clotting, high blood lipid levels at nakakabawas din ng taas ng blood pressure.

Napatunayan din na may kakayahan ito na mabawasan ang posibildad na magkaroon ng osteoarthritis ang isang tao at kasama na rin dito ang ibat-ibang kondisyon sa katawan na may kaugnayan sa pamamaga. Nakakapagpatibay din ito ng immunity dahil sa anti-viral, anti-fungal, anti-bacterial at anti-parasitic na mga properties nito. Ito ay isang magical na sangkap na may taglay na anti-cancerous elements na nilababanan ang maraming uri ng kanser tulad ng cancer of the brain, breast, lung, pancreas, etc.

ANG PAGKAIN NG HILAW NA BAWANG

Kung hindi mo pa nasusubukan ang mag-ihaw ng bawang sa barbecue o dahil sa Korean barbecue, ay malaki ang kakulangan sa karanasan mo. Nakakagana ito na kumain at mabuti para sa kalusugan mo. Subalit kung niluto ito ay mababawasan ang bisa nito at mas mabuti kung kakainin mo ito ng hilaw. Maaari mong tadtarin, dikdikin o pisain ang garlic cloves. Pabayaan ito ng 5-10 minuto sa room temperature bago ito kainin. Marami ang nagsasabi na mas maganda kung ngunguyain mo ito. Gayunman, kung hindi mo matiis ang matapang na lasa nito ay puwede mo itong haluan ng honey. Ang isang halimbawa ng paggamit nito ay ang paglagay ng maliliit na piraso nito sa isang baso ng tubig para mas madali itong maikunsumo ng katawan.


INSTRUKSIYON KUNG PAANO GUMAWA NG HONEY-GARLIC MIXTURES

MGA SANGKAP:

1 head na organic garlic
Unpasteurized liquid honey
3 hanggang 6 needles na fresh rosemary (kung nais mo)
1 sprig na fresh thyme (kung nais mo)

INSTRUKSIYON:

Balatan ang bawat clove ng bawang. Marahan itong pisain gamit ang likod ng kutsilyo, mas madali mong matatanggal ang paper shell dahil dito.

Ilagay ang nabalatan na garlic cloves sa isang jar kasama ang mga herbs kung gusto mong maging bahagi ito ng timplada. Lagyan ng wastong dami ng honey hanggang lumubog ang mga garlic cloves. Mag-iwan ng 3 inches na space sa bandang taas ng jar para sa fermentation ng garlic at honey.

Takpan ang jar at pabayaan ito sa cupboard ng 3-5 araw. Lagyan din ng plato ang ilalim ng jar kung sakali ito ay umapaw. Makakatulong ito sa paghalo ng bawang sa pulot at mas tatamis ang lasa nito kung ito ay iinumin na.

Maghintay ng 3-5 araw bago ito itago sa refrigerator para mapanatili ito na sariwa.

Mas mainam kung gagamit ka ng 1-2 honey-infused garlic cloves araw-araw para mapanitiling malakas ang immune system mo.

TANDAAN:

Baliktarin ang jar ng kahit isang beses sa isang araw para lumubog at mababad lalo ang mga garlic cloves.

Kung gumamit ka ng lid na iniikot para magsara, buksan ito ng kahit isang beses sa isang araw para mabawasan ang akumulasyon ng carbon dioxide dahil sa fermentation process at baka maipon ang pressure at sumabog ang jar.

Marami nga siguro na ibang paraan para gamitin ang bawang pero ito ang pinakamainam para sa panlasa mo.
SPONSORED LINKS

0 comments