ANG MGA SANHI NG BREAST CANCER AT ANIM (6) PARAAN PARA MAIWASAN ITO

SPONSORED LINKS
Dapat matutunan ng mga kababaihan ang lahat tungkol sa breast cancer. Naging isa ito sa sa pangunahing dahilan ng pagkasawi sa mga babae noong nakaraan. 



Sa kabutihang palad, dahil sa maraming pag-aaral na ginawa dito ay nababawasan na ang mga babae na dinadapuan ng sakit na ito at namamatay dahil dito. Isang palaisipan ang sakit na kanser sa karamihan ng tao, pero sa kasalukuyan ay sinasabi ng siyensya na hindi na ito isang bagay na hindi maaaring mapigilan.

ITO ANG MGA SUSI PARA MABAWASAN ANG TSANSA NA MAGKAROON NG BREAST CANCER:
Regular na screening para makita ito ng maaga
Healthy diet
Kumain ng prutas at non-starchy cruciferous na gulay tulad ng broccoli at watercress
Gumamit ng natural at organic na skin care products
Dapat makakuha ang katawan mo ng sapat na vitamin D sa antas na 50-75
Iwasan ang paggamit ng underwire bras dahil baka maging balakid ito sa lymphatic drainage sa paligid ng suso
Bawasana ang pag-inom ng alak
Iwasan na mababad sa radaition
Panantilihin ang wastong bigat ng katawan
Maging maingat at ipabasa ito sa iba...

Kahit puwedeng magkaroon ng ganitong sakit ang mga kalalakihan ay halos puro mga babae ang nagkakaroon nito. Ayon sa pananaliksik, kahit tayo ay sobrang ingat sa ating kinakain, iniinum, palaging nag-eeherisiyo, iniiwasan ang mga bagay-bagay na may mga carcinogenic compounds ay lahat ng ating ginagawa ay maaaring ituring na dahilan ng pagbabago ng sa ating katawan na magiging sanhi ng kanser. Pero lahat ng sakit siyempre ay maiiwasan natin ng lubos kung tayo ay mabubuhay ng maayos at iiwas sa mga masasamang bisyo kahit pa man ang pinakamaliit na bagay na gagawin natin ay magiging mitsa ng paglabas ng sakit na kanser.

Ang pagkakaroon ng maraming kaalaman sa sakit na ito at pagsasagawa ng mga preventative measures ay ilan lamang sa magagawa mo para maiwasan ang sakit na ito. Ang buwan ng Oktobre ay isinaalang-alang para sakit na ito at ginawa na National Breast Cancer Awareness na buwan. May mga awareness talk na nagaganap sa panahon na ito at karamihan ay nagsusuot ng pink t-shirts. Bukod dito, marami sa tao na dumadalo dito ay nakararanas ng breast cancer. Ang kanilang pamilya, kaibigan at mga doktor ay lalakad sa tabi nila at magpapakita ng matinding suporta at pagmamahal sa panahon na ito. Kahin marami na ang pag-aaral na ginawa para malunasan ang sakit na ito, mas mabisa pa rin kung pagtutuunan natin ng pansin kung paano natin ito maiiwasan sa simula pa lang.

Ang mga posibleng dahinlan ng breast cancer


Maraming mga bagay ang puwedeng maging sanhi ng sakit na ito. Madalas ito ay dahil sa sobrang pagkababad sa mga nakasasamang kemikal o toxins sa paligid ng isang tao na kilala na nagpapabago sa anyo at ginagawa ng hormones.

Ang kinakain natin sa food chains na puno ng processed foods, mga kemikal, pesticide residue, additive at kahit genetic modification, mga kemikal sa skin care at cosmetic products ay itinuturing lahat na nakakasira sa kalusugan ng tao at maaaring carcinogenic. Ang matinding stress din ay nagbibigay ng negatibong epekto sa ating katawan.

Kahit ano sa mga bagay na ito ay maaaring maging mitsa ng kanser at iba pang mga sakit.


PAANO MO MAPROPROTEKTAHAN ANG SARILI MO SA BREAST CANCER:

1. PAGKAKAROON NG HEALTHY DIET


Ang mga panlaban sa kanser na mga pagkain ay karaniwang matatagpuan organic non-starchy cruciferous na gulay tulad ng arugula, watercress, broccoli, cabbage, cauliflower, brussels sprouts at radishes. Subukan mong isama ang mga ito sa mga niluluto o kinakain mo sa araw-araw.

2. PAGMASDAN ANG IYONG TIMBANG

Ang sobrang taba o pagiging obese ay maraming masamang epekto sa kalusugan ng tao, at kabilang na dito ang breast cancer. Mas nagiging delikado ito sa babae kung sa tataba sila ng sobra sa pagtanda lalo na pagkatapos ng menopause.

3. PALAGING MAGING AKTIBO SA PISIKAL NA ASPETO

Ang madalas na pag-eehersisyo o ang pagiging aktibo sa pisikal ng mga trabaho ay makakatulong para sa hugis ng katawan mo. Ayon sa Department of Health and Human Services, ang 75 minuto na matinding aerobic activity bawat linggo o 150 minuto bawat linggo ng moderate na aerobic activity at mga strength training ng 2 beses sa isang linggo ay makakatulong para matanggal lahat ng sobrang taba sa katawan mo.

4. MAGING MAINGAT SA MGA GINAGAMIT NA SKIN CARE PRODUCTS

Marami na ang gumagamit ng natural at organic skincare products dahil wala itong nakalalason n mga kemikal. Ligtas gamitin ang mga ito dahil gumagamit lamang sila ng mga natural na sangkap. Isang halimbawa ay ang paggawa ng sariling sabon sa bahay o paggamit ng extra-virgin coconut oil bilang natural moisturizer. Pero mag-ingat pa rin at huwag magpapadala kaagad sa mga nagbebenta ng mga natural at organic products. Manaliksik muna ng mabuti bago gumamit ng kahit anong bagay. Maaari mong tingnan ang website ng Environmental Working Group para makita ang listahan ng ligtas at totoong natural na mga produkto.

5. BAWASAN ANG INIINUM NA ALAK

Ang pag-inomng 2 alcoholic beverages per day ay nagpapataas sa tsansa na magkaroon ng breast cancer ang isang babae ng 21%. Isipin mo lang kung sobra pa dito ang ininum nya.

6. BIGYAN NG WASTONG ANTAS NG VITAMIN D ANG KATAWAN

Ang optimal level nito ay dapat sa pagitan ng 50-75. Kung kulang ay gumamit ng supplements na may vitamin D3. Ito ay dahil ang ilang klase ng bitamina ay nakapagpapalakas ng immune system para malabanan nito ang ibat-ibang uri ng sakit. Ipinakita din ng mga pananaliksik na ang mga babae na nabuhay sa sakit na ito ay may wastong dami ng vitamin D sa kanilang katawan.
SPONSORED LINKS

0 comments