ANG NAITUTULONG NG SAGING NA SABA NA DAPAT MALAMAN NG MARAMING TAO

SPONSORED LINKS
Ayon sa isang survey, ang saging ang pinakamadalas na kainin ng mga tao bawat taon kesa sa ibang sariwang mga prutas. Walang dapat ipagtaka dito dahil bukod sa madali lamang silang makita at makuha, madali din silang dalhin.



Bukod dito, masagana din ang saging para ating kalusugan. Lalo na ang cardava bananas o “Saba Banana” sa Pilipinas.

Madalas itong lutuin ng mga pinoy bago kainin pero ayon sa DMAM, maliit lamang ang nutrisyon na makukuha mo dito dahil nawala na halos lahat ng nutrisyon dito dahil niluto ito.

MARAMING PAKINABANG ANG SAGING NA ITO PARA SA ATING KALUSUGAN TULAD NG:

TUMUTULONG ITO PARA SA MAAYOS ANG CIRCULATORY SYSTEM

Ang prutas na ito ay mayaman sa potassium kaya mainam itong gamitin para makatulong sa circulatory system ng katawan at mabigyan ng wastong oxygen ang utak, para mapanatili ang wastong bilis ng tibok ng puso at ang tamang antas ng tubig sa katawan. Mabisa rin itong gamitin para makontrol ang blood pressure para maiwasan ang stroke.

MAGANDANG MAPAGKUKUNAN NG MGA BITAMINA, MINERAL AT ENERHIYA

Kung napapagod ka sa pangaraw-araw mong aktibidad ay kumain lamang ng 2 saging at manunumbalik na ang enerhiya mo. Dahil sa bisa nito ay maaari mo rin itong ipalit sa morning coffee mo.



ITIGIL ANG CONSTIPATION


Ang saging ay mayaman sa fiber kaya kung may problema ka sa pagdudumi ay makatutulong ito sa iyo at hindi pa magdudulot ng diarrhea.

PARA MABAWASAN O MATANGGAL ANG HANGOVER

Dahil sa matinding inuman sa nakaraang gabi ay maaaring sobrang lakas ng hangover mo sa sunod na umaga. Ang saging ay mapagkukunan ng maraming bitamina na makakatulong sa katawan at mabawasan ang epekto ng hangover.

TULUNGAN KANG ITIGIL ANG PANINIGARILYO

Hirap ka ba sa pagtigil sa bisyo na ito? Ang saging ay makakatulong dahil may taglay itong mga B vitamins at iba pang uri ng mineral na nakababawas sa epekto ng nicotine sa katawan. Ang mga B6 vitamins din ay nakakatulong para mabawasab ang mestrual pains at para makontrol ang temperatura ng mga buntis na babae.

GAWAN NG LUNAS ANG ULCER

Ang saging ay tumutulong na bawasan ang acidity sa bituka, para maibsan ang iritasyon na nararamdaman sa digestive system at para maging masigla ang lamang-loob sa pamamagitan ng pag-iwan ng protective coating sa inner walls nito. Kung nakararanas ka ng heartburn, ang saging ay makakain bilang natural na antacid para guminhawa ang pakiramdam mo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments