ANO MASASABI NG BIRTH MONTH MO TUNGKOL SA IYO

SPONSORED LINKS
Maaari ba talagang may masabi sa personalidad mo kung buwan ka ipinanganak? Ang mga zodiac signs ay marami ang masasabi tungkol sa isang tao at parehas din ito ng buwan kung saan sila ipinanganak.



Ang buwan ng iyong kapanganakan ay malaki nag maitutulong para matuklasan mo ang iyong pagkatao, kaugalian at kung ano ang iniisip sa iyo ng ibang tao. Ito ay nagmula sa pananaliksik sa astrology at nakabase sa posisyon ng mga bituin sa buwan ng iyong kapanganakan.

ANO ANG MASASABI NG BIRTH MONTH TUNGKOL SA IYO:

JANUARY

Ang mga tao na ipinanganak sa buwan na ito ay malakas ang loob at hindi kaagad sumusuko. Hindi rin nila gusto na sinasabihan sila ng ibang tao kung ano ang gagawin. Mabuti silang gawin na lider dahil sa kanilang tibay ng loob at malakas na kagustuhan para magtagumpay. May natural din silang kakayahan para turuan ang ibat-ibang tao. May malakas silang work ethic at hindi nag-aalangan na sabihin ang kanilang iniisip.

FEBRUARY

Ang mga tao na ipinanganak sa February ay gustong makipagusap at hindi gusto ang mga tao na mababa ang pananaw o pag-iisip. Likas din silang malikhain at gustong magtrabaho sa mga panibago at kakaibang mga proyekto. Madalas silang maglakbay at bisitahin ang ibat-ibang lugar. Mas gusto nila sa paligid ng mga tao na open minded at malaki ang ambisyon. Tapat at totoo silang mga kaibigan.

MARCH

Kung ipinanganak ka sa March ay maaaring ikaw ay napakalikhain at mataas ang imahinasyon pero malakas ang inklinasyon mong maging introvert at tahimik. Mahilig ka sa art para ma-express mo ang sarili mo at mas masaya kapag tahimik at nag-iisa. Mabait ka sa ibang mga tao pero tinatago ang mga personal na bagay sa iyong buhay. Nabubuhay ka sa sarili mong mundo at gumagawa ng mga kakaibang bagay sa iyong isip.

APRIL

Ang taong ipinanganak sa April ay hindi gustong mautosan. Mas gusto nilang gawin ang sarili nilang gusto at pamunuan ang iba. Nais nilang pansinin sila palagi at mas masaya kapag nasa sentro sila ng public attention. Palagi silang naghahanap ng mga panibagong mga karanasan para sa adrenaline rush. Minsan ay kilala sila bilang magulo at nakakasakit ng damdamin. Wala silang problema na sabihin ang kanilang pakiramdam sa isang bagay o tao. Wala din silang pakialam sa kahit anong gawin nila at madalas silang kumikilos bago mag-isip. Nabubuhay sila sa kasalukuyan at pinapayaan na lamang ang tadhana kung saan sila dalhin nito.

MAY

Ang mga taong ipinanganak sa buwan na ito ay madali magbago ang isip. Kung may gusto sila kahapon ay baka iba na naman ito sa isang araw. Aktibo ang kanilang social life at hindi gusto ang mapag-isa. Mabisa nilang ipinapahiwatig ang kanilang nararamdaman at masayang pag-usapan ang kanilang buhay sa ibang tao. Madali silang mabagot kaya madalas silang naghahanap ng bago at kakaiba na kasiyahan.

JUNE

Kung sa June ka ipinanganak ay maaaring mahiyain ka at isang soft-spoken na tao pero ito ang mga katangian na hinangaan sa iyo ng mga tao. Napakasensitibo mo rin at masyadong maingat sa pakiramdam ng ibang tao. Malikhain ka rin at nagiisip para sa kinabukasan kung paano mo magagawa ang iyong mga iniisip na ideya. Hindi mo palaging sinasabi ang iyong totoong nararamdaman; may isang mundo na nabubuhay sa loob mo at gusto mo lang itong bigyan ng buhay.


JULY

Ang taong ipinanganak sa July ay kaparehas ng katangian ng mga ipinanganak sa June, pero mas nagkukusa sila at extroverted. Sa labas, maaaring malakas ang loob at masiyahin sila pero sa loob ay marami silang malalim na sikreto at itinatago nila ang kanilang sakit sa ibang tao. Gusto nilang ng magandang karanasan at mahilig pumunta sa ibat-ibang mga adventures. Maraming enerhiya ang taong ipinanganak sa July kaya gusto ng mga tao na makasama sila.

AUGUST

Ang mga tao na ipinanganak sa August ay mabisa sa mga trabaho na kailangan ng critical thinking at analysis. Ito ay dahil nakikita nila ang buhay bilang isang logical step-by-step process. Hindi nila gustong ipahiwatig ang kanilang nararamdaman kaya mahirap din makita ang kanilang totoong pagkatao. Natural silang mga lider at hindi takot na panindigan ang kanilang desisyon at kaisipan. Minsan bossy sila pero sa loob ay mayroon silang mabuting puso. Sobra silang mag-isip at maaaring makulong sa isang methodical na paraan ng buhay kung hindi sila nag-ingat.

SEPTEMBER

Kung ipinanganak ka sa September ay maaaring mataas ang inaasahan mo sa ibang tao kaya madalas kang masaktan dahil dito. Perfectionist ka at mataas ang prinsipsyo. Malikhain ka at mapagkumbaba at gusto mong tulungan ang iba kung kaya mo. Minsan din ay masyadong matigas ang iyong ulo.

OCTOBER

Ang ipinanganak sa October ay hindi gustong makipag-away at iniiwasan ito kung posible. Aktibo ang kanilang social life at minamahal ang kanilang kaibigan hanggang kamatayan. Gusto nila ng balance sa lahat ng kanilang ginagawa. Positibo rin ang kanilang pananaw sa buhay. Charming sila at talkative. Gusto rin nila palagi sa paligid ng tao.

NOVEMBER

Kung ipinanganak ka sa November ay marami kang sikretong itinatago at hindi gustong ipakita ang totoong nararamdaman mo sa ibang tao. Wala kang masyadong kinatatakutan at hindi takot na pumasok sa kahit anong sitwasyon kahit ano man ang mangyari. Walang makakapigil sa guso mong gawin. Matigas ang ulo mo at emosyonal pagdating sa pakikitungo sa buhay. Hindi mo rin gusto na sabihan ng ibang tao kung ano ang dapat gawin.

DECEMBER

Ang mga tao na ipinanganak sa December ay palaging on-the-go at hindi gusto na nakaupo lamang. Nakakasabagal din sa kanila minsan ang kanilang pride. Madali silang magalit sa ibang tao. Matatapang at mapagkumbaba ang mga tao na ipinanganak sa December. Nakakasiya din silang kasama.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments