ITO ANG PITONG NAKAKAGULAT NA EPEKTO NG ALOE VERA JUICE SA ATING KALUSUGAN

SPONSORED LINKS
Ang aloe vera ay isang popular na halaman na matagal nang ginagamit ng tao sa iba’t ibang sibilisasyon mula pa noong unang panahon. Kilala ito sa mundo dahil sa marami nitong nagagawa para sa kalusugan at katawan ng mga tao. Nagsimula ito sa Africa at simula dito ay kumalat na ang kasikatan nito sa buong mundo.



Ito ay tinatawag din na Sabila at may siyentipikong pangalan na Aloe Vulgaris Lam o Aloe Perfoliate Linn. Ito ay matagal nang pinag-aaralan sa siyensya dahil sa kagamitan nito hindi lamang sa cosmetics pero bilang isang mabisang panlunas din. Inaprubahan din ito ng FDA o Food and Drug Association na pwedeng ikunsumo o kainin kahit ito ay isang halaman.

Kung gusto mo ng makinis na balat at wala kang pera para sa isang dermatologist maaari mong gamitin ang aloe vera para dito. Ipahid mo lang ang gel o katas nito sa balat mo para kuminis ang balat mo. Ito rin ang kagamitan nya nuong panahon ng Ancient Egypt at ginagamit ng mga sikat na Pharaoh tulad ni Cleopatra. Ito ay tinawag din na “Plant of Immortality” dahil bukod sa nagpapaganda ito ay nakapagpapagaling din ito ng maraming uri ng sakit kaya marami itong natulungan na mga tao sa panahon na iyon.

Maaari mo rin itong gamitin bilang shampoo para maayos ang paghaba ng buhok mo. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga kompanya na gumagawa ng shampoo dahil sa kilala na ang nagagawa ng aloe vera ay sadyang mabenta ito sa mga tao.

Puwede rin na inumin ang katas aloe vera para maiwasan natin pagkakaroon ng mga tigyawat para sa isang makinis at mala-artista na mukha. Hindi lamang ito sa mukha pero para na rin sa buong katawan. Ang aloe vera ay mayaman sa antioxidants na mabuti para sa kalidad ng ating balat at nagpapanatili ng sigla ng mga skin cells. Dahil dito ay maiiwasan natin ang dead skin, tuyo na balat o dry skin, mga linya o kulubot sa mukha na itinutiring na signs of aging o senyales ng pagtanda. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ito tinawag na “Halaman ng Immortalidad”.

Ito rin ay mabuti para sa ating atay at kung may problema ka dito ay uminom lamang ng katas ng aloe vera. Ito ay pababalikin ang dating kalusugan ng atay mo at babalansehin ang mga fluid levels sa buong katawan.


Bukod sa atay ay mabuti rin ito para sa ting digestive system dahil sa laxative properties nito na kailangan ng katawan para maayos na pagdaloy ng pagkain sa digestive tract. Maiiwasan din dahil dito ang constipation at bloating o paglaki ng tiyan. Ito ay karaniwang iniinum ng mga tao na may pananakit sa tiyan o ulcer at iba pang mga kondisyon na may kaugnayan sa tiyan ng tao.

Nililinis din ng aloe vera ang mga dumi at toxins sa katawan. Ito ay karaniwang trabaho ng ating mga bato o kidneys pero mas maigi nitong magagawa ang kanyang tungkulin kung sasamahan pa ito ng aloe vera. Ang aloe vera ay mayaman sa bitamina at amino acids na tumutulong sa mga bato para salain at tanggalin ang mga dumi sa katawan.

Mabisa rin ito sa gustong pumayat o sa mga tao na hirap sa pagda-diet. Ang aloe vera ay may laman na “aloin” na tumutulong para mabawasan ang timbang ng tao. Isama mo dito ang pagkain ng tama at pag-eehersisyo at sa madaling panahon lamang ay parang supermodel na ang hugis ng katawan mo.

Ang aloe vera ay nakakatulong din sa para maiwasan ang diabetes dahil binabalanse nito ang antas ng sugar sa katawan. Kung masyadong mataas ang glucose o blood sugar natin ay maaari tayong magkaroon ng diabetes. Ito ay tumataas dahil sa kinakain natin na sobra ang sukal at nahihirapan ang ating katawan na kontrolin ito dahil sa hindi sapat na produksyon ng insulin. Ang aloe vera ay may laman na magnesium, manganese, zinc at chromium na kayang pangasiwaan at balansahin ang antas ng glucose sa katawan dahil inaayos nito ang watong produksyon ng insulin.

Pati na rin ang cholesterol level ng ating katawan ay apektado ng paggamit ng aloe vera. Ang sobrang kolesterol sa katawan ay nakasasama dahil isa ito sa mga kayang bumara sa ating mga ugat na nagdudulot ng high blood pressure at ito ay baka magpatuloy sa atake sa puso o mga iba’t ibang sakit na may kaugnayan dito. Ito ay madaling malulunasan sa pag-inom ng katas ng aloe vera at sa araw-araw na paggamit dito ay epektibo para mabawasan ang tsansa na magkasakit sa puso.

Dapat nating pasalamantan na pinagkalooban tayo ng ganitong halaman ng kalikasan at hindi na tayo gagastos ng malaki para sa ating kalusugan maging para sa ikagaganda ng ating itsura. Hindi na dapat ipagtaka kung bakit ang aloe vera ay isa sa pinakasikat na halaman sa buong mundo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments