MAGLAGAY NG ILANG DAHON NITO SA BAWAT KANTO NG BAHAY MO AT WALA KA NANG MAKIKITA NA IPIS MAGPAKAILAN MAN

SPONSORED LINKS
Ang mga ipis ay nakakadiring mga insekto at nakakatakot din tingnan ang mga ito. Madalas sila sa basura at dumi pero pwede rin silang makita sa bahay mo.



Makikita sila sa halos lahat ng lugar sa mundo dahil masyadong mataas na ang kakayahan nilang mabuhay sa kahit anung sitwasyon. Isa sila sa pinakamatibay na nilikha sa planetang ito at kaya rin nila na mabuhay kahit nababad sa mataas na radiation. Kaya din nilang mabuhay ng walang pagkain ng sobra sa isang buwan. Sila ay omnivores na ibig sabihin ay kumakain parehas ng halaman o hayop. At sa mga kadahilanang ito kaya makikita natin sila kahit saan at kinakain ang ano mang makita nila.

Bukod sa pagkain sa basura, umiiwan din sila ng chemical traces sa kanilang dumi. Ito ang paraan nila para madaling makakita ng tubig o pagkain. Ito rin ang paraan nila para makipag-usap sa isat-isa.

Kung gusto mong alisin ang mga ipis sa iyong tahanan, maaaring gawin lamang ang paraan na ito na napaka-epektibo. Mabuting gawin mo ito lalo na kapag may bata o alaga ka sa bahay.

ANG PINAKAMABISANG COCKROACH REPELLANT – BAY LEAVES


Ang bay leaves ay isang natural na cockroach repellant. Hindi sila nito pinapatay pero mabisa ito para mapalayas sila dahil hindi kayang tiisin ng mga ipis ang amoy nito. Maglagay ng laurel leaves sa bawat kanto ng bahay.

Maglagay ng 10 bay leaves sa hardin o sa kusina at hindi mo na sila makikitang umaaligid dito. Mainam din itong gamitin sa lugar na pinagtataguan ng pagkain at kung saan palaging nanduon ang mga anak at alaga mo dahil ito ay natural at non-toxic.

Maaari kang gumamit ng fresh bay leaves o dry. Pero ang pinakamagandang gawin mo ay durugin ang dry leaves nito para makagawan ng powder. Sa ganitong paraan ay mas lalong tatapang ang kanilang amoy.
SPONSORED LINKS

0 comments