MAYROON BA AKONG PROSTATE CANCER? MGA 12 NA MAAGANG MGA SINTOMAS NA HINDI DAPAT ISAWALANG BAHALA NG MGA KALALAKIHAN

SPONSORED LINKS
Ang mga sintomas para sa prostate cancer ay kadalasang mahirap makita sa early stages ng delikadong sakit na ito at sa kasamaang palad ay nagpapakita lamang ito kapag kumalat na ito sa ibang parte ng katawan.



Importanteng magpasuri bawat taon para malaman kung may mga sakit ka sa katawan. Maliban dito ay maaari mo ring suriin ang sarili mo.

ITO ANG LISTA NG 12 MAAGANG MGA SINTOMAS NG PROSTATE CANCER:

1. Madalas na naiihi lalo na sa gabi
2. Hirap sa pag-ihi lalo na kung nakatayo
3. Mahinang daloy ng ihi at pagbabago sa kulay nito. Maaari ka ring makaramdam ng kaunting kiliti pero ito ay posibleng indikasyon ng ibang sakit
4. Dugo sa sperm
5. Dugo sa ihi
6. Hindi kaaya-ayang pakiramdam sa simula ng pag-ihi at pakiramdam mo ay dapat mo itong pigilan dahil sa sakit
7. Impotence
8. Sakit sa balakang, hita o lower back.
9. Pananakit sa buto
10. Pananakit sa balakang
11. Problema sa ejaculation
12. Isang burning sensation kapag umiihi

Ang sintomas ng prostate cancer ay maaaring hindi direktang dahilan ng sakit mismo kung hindi dahil sa limitasyon ng pagtakbo ng prostrate. Ito ang pangunahing rason kung bakit ang prostate cancer growth ay direkta na nakaka-apekto sa pag-ihi ng mga kalalakihan.

Minsan ang mga sintomas na ito ay walang kaugnayan sa kanser. Isang halimbawa ay ang urinary tract infection o extended prostate ay maaaring magpakit ng mga kaparehas na sintomas kaya mahalagang magpasuri para malaman ang totoong dahilan nito.

Kung naranasan mo ang ilan sa mga sintomas na ito ay magpasuri kaagad sa isang doktor. Bukod dito ang mga sintomas na ito ay maaari ring magresulta sa kawalan ng pakiramdam at pananakit sa pelvis, ribs, lower back at thighs at sa ilang sitwayon ay pananakit ng buto.

Kung nasa late stages na ito ay makararanas na ang isang tao ng biglaang pagbaba ng timbang, pagkahilo, kawalan ng gana sa pagkain, pamamaga lalo na sa lower extremities at iba pa.
SPONSORED LINKS

0 comments