MGA KATOTOHANAN TUNGKOL SA HPV (HUMAN PAPILLOMA VIRUS) NA IMPESYON AT KUNG PAANO ITO MAKAKA-APEKTO SA ATIN

SPONSORED LINKS
Dahil sa pagtaas ng populasyon ng tao sa buong mundo, at ang free access sa mga sties na hindi dapat bisitahin at ang biglaang pagbago ng ugali ng bagong henerasyon, ang mga kabataan ay mas open na ngayon sa mga sekswal na mga bagay at marahil nasa panganib dahil dito.



Habang dumadami ang mga tao, ang mga apektado naman ng STD o sexually transmitted diseases ay tumataas din. Maraming uri ng sakit na makukuha ng isang tao dahil sa seks at ang HPV o Human Papilloma Virus ay isa dito.

ANO NGA BA ANG HPV?

Ang HPV ay matagal nang kilala bilang isa na sa pangkaraniwan na STI o sexually transmitted infection sa mga tao, Ito ay malaki ang pinagkaiba sa mga virus na nasa HIV at HSV o Herpes. May hindi kukulang sa 79 milyon na mga Amerikano at karamihan dito ay bata pa at nasa early 20’s na may HPV.

Maraming uri ng HPV, hindi kukulang sa 100 klase at 40 sa kanila ay mahahawa dahil sa seks at makaka-apekto rin ito sa ari mo, sa bibig at sa lalamunan mo. Ang ilang HPV ay nagdudulot ng maraming isyu sa kalusugan tulad ng genital warts at kahit kanser. Sa katotohanan, dalawang uri nito na 16 at 18 ay nagdudulot ng halos 70% ng cervical cancers at kahig mga precancerous cervical lesions. May kaugnayan din ang HPV sa cancer of the anus, vulva, vagina at kahit penis. Sa kabutihang palad, may mga vaccines na makakatulong para maiwasan ang sakit na ito.

Importante na matutunan ninyo lahat ang tungkol dito para makatulong sa inyo para maiwasan ang mga sakit na dulot nito.

Babala: Ang ilang sa imahe na mga ito ay masyadong graphic at hindi kaaya-ayang tingnan.

ITO AY KAKAIBANG URI NG SAKIT

Base sa mga ulat na inilabas ng Centers for Disease Control and Preparasyon o CDC, ang HPV ay nakaka-apekto sa 79 milyon na mga katao sa US lamang.

Ang HPV ay maaaring magresulta sa cervical cancer na isa sa pangalawa na most common type ng cancer sa buong mundo. Ito ay nagdulot ng 274,000 deaths at halos 529,000 na bagong kaso sa taon na 2008.

MAAARI ITONG MAKUHA KAHIT HINDI NAKIPAGTALIK

Puwede ka nitong mahawaan dahil sa vaginal, anal oral sex sa isang tao na meron nito. Ito ay madalas na kumakalat dahil sa vaginal o anal sex. Mahahawaan ka rin nito dahil sa paghalik dahil ang HPV ay nakaka-apekto sa bibig. Kumakalat ito sa ibat-ibang tao kahit walang kahit na anong sintomas ang tao na may sakit na ito.

Ang mga tao na aktibo sa seks ay mas malaki ang tsansa na magkaroon nito lalo na kung marami kang sexual partners. Ang mga sintomas nito ay kadalasang lumalabas lamang sa paglipas ng mga taon kaya mahirap malaman kung sino ang may sakit na ito.

MAY HPV VACCINE PARA DITO PERO WALA PA ITONG GAMOT

Sa kabutihang palad may vaccine nga para dito. Ang genital warts na dulot ng ganitong klase na impeksyon ay madali lamang magamot pero hindi nito pinapatay ang mga virus sa loob ng katawan.

Binawasan ng mga vaccines na ito ang posibilidad mong mahawaan ng ganitong sakit sa kahit anong edad.


KARAMIHAN NG MGA PASYENTE NA MAY HPV AY WALANG SINTOMAS AT IILAN LAMANG SA KANILA ANG MERON

Maraming tao ang hindi nagpapakita ng kahit anong sintomas ng sakit na ito at minsan ay nalalaman na lang nila dahil sa abnormal results galing sa kanilang Pap smear.

Gayunman, madalas din na hindi pinapansin ng mga tao ang mga sintomas nito o wala silang kaalam-alam tungkol dito. Ayon sa National Cancer Institute, kalahati sa mga babae na may genital warts ay walang alam na mayroon na pala silang HPV.

ANG ILANG DOKTOR AY MAY DUDA SA HPV TESTING

Maraming doktor sa ngayon ang nagdududa pa rin sa mga resulta ng HPV testing dahil hindi ito nagbibigay ng tiyak na resulta. Karamihan ng tao na nahawaan ng sakit na ito ay makararanas lamang ng sintomas paglipas ng mga dalawang taon. Kadalasan ang false positive na resulta ng HPV testing ay nagdudulot ng depresyon sa mga tao na wala naman palang sakit na ito.

ANG HPV TESTS AY MAGKAIBA SA LALAKE AT BABAE

Para sa mga babae, ang HPV ay puwedeng malaman kung may abnormal o kakaibang resulta sa kanilang Pap smear. Para sa mga lalake naman ay wala pang maasahan na HPV test para malaman kung may ganito sila na virus.

PREVENTION IS BETTER THAN CURE

Kung mas marami kang alam sa isang sakit ay mas maiiwasan mo ito at tulad din ito para sa kaso ng HPV.

MAGPABAKUNA

Ang HPV vaccine ay ligtas at epektibo. Ito ay para na rin maiwasan ang mga komplikasyon na dulot ng HPV tulad ng kanser at iba pang mga sakit kung naibigay ito sa recommended age groups. Ipinapayo ng CDC na bigyan ang 11-12 taon na mga bata ng hindi sosobra sa 2 does ng HPV vaccines para maprotektahan sila sa kanser na dulot ng virus na ito.Get screened for cervical cancer

Ang regular screening sa mga kababaihan na nasa pagitan ng edad na 21 hanggang 65 taon ay makakatulong para maiwasan ang cervical cancer.

KUNG AKTIBO ANG SEX LIFE MO

Gumamit ng latex condom sa pakikipagtalik lalo na kung iba-iba ang sexual partner mo. Hindi ito lubos na proteksyon pero makakatulong ito. Iwasan ang pakikipagtalik sa mga estranghero na nakilala mo lamang kung saan-saan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments