MGA KONDISYON AT SAKIT NA KAYANG GAMUTIN GAMIT ANG KAMIAS LAMANG

SPONSORED LINKS
Maraming ibiniyaya sa atin ang kalikasan na magagamit natin sa kahit anong aspeto ng ating buhay. Ang mga naglalakihang mga puno para makagawa tao ng mga kasangkapan. Mga prutas at gulay na makakain natin para sa kanilang mga sustansya.



At bukod dito, ay may mga halaman din na puwedeng gamiting bilang panlunas sa ating mga sakit. Isa itong matinding biyaya dahil sadyang mahal na ang mga nabibiling gamot sa kasalukuyan.

Sa artikulo na ito ay mababasa mo ang isang prutas na kahit hindi masyadong kilala ng mga tao ay marami naman itong magagawa para sa kalusugan ng ating katawan at magagamit din bilang panlunas sa maraming sakit. Kung isa ka sa mga tao na hindi pamilyar sa prutas na ito ay suwerte ka dahil mababasa mo dito ang mga nakamamanghang kakahayan ng prutas na kung tawagin ay Kamias.

Ang siyentipikong pangalan ng kamias ay Averrhoa Bilimbi, ito ay isang puno na matatagpuan sa mga tropikal na bansa tulad ng Pilipinas. Maaaring kilala mo ito sa ibang pangalan dahil ito ay tinatawag din na “cucumber” o “sorrel tree” sa ibang mga lugar sa mundo. Ang prutas nito ay kulay berde na maasim ang lasa. Sadyang mataas ang acidity nito pero huwag kang mag-alala dahil marami itong kagamitan hindi lamang para sa pagkain. Nagbibigay ito ng vitamins at minerals, phosphorus, antioxidants, calcium at iron. At sa South East Asia, ito ay ginagamit bilang sikat na herbal remedy. Mabisa itong panlunas sa mga sakit tulad ng ubo, sakit sa balat, almoranas at marami pang iba.

Ang kamias ay mainam na gamitin para mabawasan ang sintomas ng lagnat at pamamaga sa katawan. Ito ay isang popular na alternatibong gamot para sa mga katutubong Pilipino.

Nilalabanan ng kamias ang maraming klase ng sakit sa katawan dahil mataas ito sa ascorbic acid – ito ay isang uri ng vitamin C na nagproprotekta sa katawan laban sa mga antibodies na isang pangunahing banta sa kalusugan ng tao.

Nagpapatibay din ito ng immune system ng katawan para malabanan ang mga free radicals na nagdudulot ng kanser.


Ang kamias ay marami ring taglay na compounds na mabuti para sa kalusugan tulad ng iron, antioxidant at phosphorus. Pero ang pinakamataas na laman ng kamias ay calcium na nagpapalakas sa buto sa katawan pati na rin sa mga ngipin. Ito ay lubos na magpapatibay sa ating buto lalo na kung may edad na tayo.

May laman din itong fiber na kahit maliit lamang ay sapat na para sa wastong proseso ng ng pagtunaw o digestion process ng katawan. Kaya mong maiwasan ang madalas na pananakit ng tiyan, constipation at mga sakit na may kaugnayan sa bituka sa pagkain lamang ng prutas na ito. Mabisa rin ito para sa gustong magbawas ng timbang dahil kaunti lamang ang laman nito na calories. Bukod sa pagiging masarap at maraming kagamitan sa pagkain ay hindi ka rin mag-alala sa pagtaas ng timbang mo.

Dahil sa laman nito na vitamin C ay kaya rin nitong malunasan ang Scurvy – ito ay isang matinding kakulangan sa vitamin C na sumikat dahil sa mga tao na naglalayag noong unang panahon sa mga malalaking barko na may layag. Maaari din itong gamitin para sa beri beri o ang kakulangan sa thiamine.

Maging ang dahon ng punong ito ay magagamit bilang panlunas sa mga sakit. Isa dito ang beke at mga iba’t ibang uri ng sakit sa balat. Magdikdik ng dahon ng kamias at ipahid ito balat na may kondisyon na ito. Puwede mo rin itong gamitin kapag may tigyawat ka sa mukha o kung ikaw ay may rayuma o pananakit ng kasukasuan.

Ang katas ng kamias ay may benepisyong medikal din. Maaari mong inumin ang katas ng bulaklak na ito para sa ubo. Ang katas ng dahon kung ikaw ay nilalagnat o nakararanas ng almoranas o hemorrhoids pati sa iritasyon at pananakit ng mata.

Sadyang napakarami ang pakinabang ng kamias at sana ay marami kang natutunan sa artikulo na ito lalo na kahalagahan ng kalikasan para sa ikabubuti ng kalusugan ng mga tao.
SPONSORED LINKS

0 comments