MGA KONDISYON NG KUKO NA MAY KAUGNAYAN SA MGA SERSYOSONG MGA SAKIT (AT KUNG ANO MAGAGAWA PARA DITO)

SPONSORED LINKS
Kung ang mata mo ang “window to the soul”, ang kuko naman ang para sa katawan. Ito ay maaaring maglabas ng mga indikasyon para sa nutrient deficiencies at mga problema sa kalusugan tulad ng anemia at thyroid disease.



“Ang kuko natin ang matinding napaparusahan kapag hindi natin pinangalagaan ng mabuti ang ating katawan.” sabi ni Lisa Petty, siya ay isang holistic nutritionist na galing sa Canada at nagsulat ng Living Beauty (Fitzhenry and Whiteside, 2005). “Kapag napunta ang nutrients sa ating katawan, ang balat, buhok at kuko ang nakakatanggap nito ng huli. Kaya mabisang indicator ng mga sakit ang ating kuko.”

Ang mga kuko ay gawa sa keratin protein. Ito ay nagproprotekta sa mga ultra-sensitive na balat sa dulo ng mga kuko sa ating kamay at paa. Ito ay tinatawag na nail bed. Ang kuko natin ay binubuo ng nail matrices. Ito ay koleksyon ng nerves, lymph vessels at blood vessels na protektado ng cuticles. Ang kuko ay lumalaki sa maraming hugis at ito base sa genetics ng isang tao. Ang mga malulusog na kuko ay may mga katangian tulad ng makinis, hindi agad nasisira o nababali at translucent (ang pink na kulay ay dahil sa network ng blood vessels sa ilalim ng nail plate). Kapag ang nail matrices ay hindi nakatanggap ng wastong nutrients ay masisira ito, magbabago ang kulay at papangit ang anyo.

Sa kabutihang palad, maaari mong mabigyan ng lunas ang karamihan na problema sa kuko sa pamamagitan ng dietary changes, vitamins, supplements at magandang pangangalaga.

PAANO MAPANGALAGAAN ANG KUKO AT MANATILING MALAKAS AT MALUSOG

Problema: Madali mabasag na kuko
Dahilan: Kakulangan ng moisture o kakulangan ng B vitamin biotin-rich

Solusyon: Gumamit ng 2,000 mcg ng biotin araw-araw. Ito ang sabi ni Richard Eisen, MD, isang dermatologist sa South Shore Skin Center sa Massachusetts. Maaari ka ring kumain ng matataas sa biotin tulad ng cauliflower, lentils at mani. Maaari mong i-moisturize ang kuko galing sa loob sa paggamit ng 1,000 mg ng fish oil araw-araw na may laman na eicosapentaenoic acid (EPA) at docosahexaenoic acid (DHA). I-hydrate ito sa labas sa paggamit ng 2 beses sa isang araw ng natural oil tulad ng almond at magsuot ng gloves kung naghuhugas ng mga pinggan.

Problema: Malambot o upward-curving na mga kuko
Dahilan: Iron deficiency

Solusyon:
Kung kulang ka sa iron, gumamit ng 325 mg ng iron sulfate 3 bese sa isang araw.

Problema:
Vertical ridges
Dahilan: Edad (para itong mga kulubot sa balat pero sa sitwayon na ito ay para sa mga kuko)

Solusyon: Para mapakinis ang kuko at mawala ang mga ridges ay gamitan ng ilang patak ng almond oil at chamois buffer ang kuko bilang nail polisher. Mawawala ito ng 3 to 4 swipes per nail per week, sabi ni Rachel Gower, founder ng The Upper Hand salons sa Houston. Iwasan ang mga pangkaraniwan na ridge fillers na gumagamit ng mga kemikal tulad ng nakalalasong polyester resin.


Problema: Horizontal ridges o dents
Dahilan: Trauma o physical injury sa kuko. Ito rin ay indikasyon ng ang mataas na lagnat, nutritional deficiencies, psoriasis o trauma dahil sa surgery ay naka-apekto na sa pagtubo ng kuko.

Solutions: Kumain ng wastong dami ng protein (ang rekomendadong dami sa araw-araw ay 55 grams). Ipinapayo ni Petty na gumamit ng 10,000 IU ng vitamin A araw-araw para i-metabolize ang protein sa kuko at kasama rin dito ang 3 mg ng choline-stablized ortholisilicic acid (dietary silicon) para mapatibay ang mga kuko.

Problema: Yellow nails
Dahilan: Kakulangan ng vitamin E o hindi makahinga ang kuko dahil palaging may polish.

Solusyon: Ipinapayo ni Eisen na gumagmit ng 400 IU ng vitamin E 2 beses sa isang araw. Ang almonds, hazelnuts, peanuts, sweet potatoes at wheat germ oil ay mayaman sa antioxidant.

Problema: Fungus
Dahilan: Yeast o bacteria na nabuhay dahil ang nail matrix at cuticle ay palaging mainit at basa. Ang fungal infections ay madaling kumalat lalo na sa mga kuko sa paa. Ang mga senyales ay ang pagiging yellow, greenish o marumi tingnan na mga kuko o pagkahiwalay ng kuko sa nail bed.

Solusyon: Ibabad ang kuko sa antibacterial pure tea tree oil sa loob ng 15 minuto bawat araw hanggang mawala ang mga fungus. Maaari ka ring gumamit ng 200 mg capsule ng antifungal herb myrrh 3 time a day, sabi ni Norma Pasekoff Weinberg, nagsulat ng Natural Hand Care (Storey Publishing, 1998). Ang mga nabibiling gamot tulad ng oral fungal medication ay hindi mabisa at maaaring magdulot ng sakit sa atay, sabi ni Elizabeth K. Hale, MD, clinical associate probably of dermatology sa New York University/

Problema: White spots
Dahilan: Nail trauma o zinc deficiency

Solusyon: Nirerekomenda ni Petty na gumamit ng 50 mg na zinc araw-araw. Maaari mo itong makuha sa red meat, sesame seeds, pumpkin seeds at peas. Maaari itong mawala sa patuloy na paghaba ng kuko.

KAILAN DAPAT MAG-ALALA

Ang mga susunod na isyu sa kuko ay may kaugnayan sa ilang sakit tulad ng kakulangan sa hininga o pagkapagod na maaring indikasyon ng mas sersyosong mga kondisyon.

Upward-curving nails: thyroid disease
Brittle nails: hyper- or hypothyroidism
Yellow nails: chronic bronchitis
Blue nail beds: circulation problems
Red nail beds: heart disease
White nail beds: liver disease
SPONSORED LINKS

0 comments