MGA NATURAL NA PANLUNAS PARA SA VERTIGO

SPONSORED LINKS
Kung minsan ay nahihilo na lang tayo at sumasakit ang ating ulo. Para bang mabuti dati ang pakiramdam at sa pagtayo natin ay bigla na lang iikot ang mundo at minsan ay parang mapapa-upo o babagsak ka na lang dahil sa sobrang pagkahilo.



Naranasan mo na ba ang bilang pagbago ng pakiramdam mo tulad nito at pagkalipas ng ilang sandali ay babalik sa normal? Ito ay baka dahil sa Vertigo.

Sa artikulo na ito ay mababasa mo ang tungkol sa Vertigo o ang biglaang pagkahilo at pananakit ng ulo. Mababasa mo rin dito kung paano mo ito mabibigyan ng lunas.

Ang Vertigo o Benign Paroxysmal Positional Vertigo ay hindi isang sakit kundi isang uri ng pagkahilo dahil sa pagiging sensitibo ng isang tao sa paligid niya. Kahit hindi ito gaanong kadalas ay huwag mag-alala dahil hindi ito itinuturing na sakit kundi isang kondisyon kung saan ang palagid mo ay parang umiikot kaya nahihilo ang mga tao. Ito ay madalas na nangyayari sa mga tao na matagal na nakaupo at bigla na lang tatayo o sa may mga impeksyon sa tenga.

Pero kung madalas itong mangyari ay baka hudyat o sintomas na ito ng isang mas malalim na sakit kaya maaaring magpasuri kaagad sa doktor para malaman ang totoong dahilan nito.

Isang halimbawa ay kung ikaw ay nakararanas ng Vertigo dahil may problema ang middle ear mo ay pakiramdam mo ay para kang matutumba. Ang middle ear ay bahagi ng tenga na nasa likod ng eardrums na nangangasiwa sa pagbalanse ng katawan at kung naapektuhan ito ay nagreresulta sa ating pagkahilo at pag-ikot ng ating paligid. Makakaramdam din tayo ng pananakit ng ulo, sobrang pagpapawis ng malamig at pagsusuka kung nagkaroon ng problema sa parteng ito.

Madalas tayo ay isinasa-ilalim sa therapy kung pumuta tayo sa doktor dahil sa kondisyon na ito. Ito ay para mapabuti ang kondisyon ng tenga at tangalin ang mga nakaharang sa middle ear. Ang Epley Maneuver ay isa sa mga maaaring gawin na therapy sa loob ng kuwarto mo ng 15 minuto. Para gawin ito, tumingin sa direksyon ng tenga na apektado at dahan-dahang humiga. Paglipas ng 30 segundo ay lumingon sa kabila at matapos ang kalahating minuto ay yumuko. Dahan-dahan na naman na umupo na nanatili ang posisyon ng ulo.


May tinatawag din na ehersisyong Brandt-Daroof Therapeutic. Hindi isang pangkaraniwan na ehersisyo pero madali lamang itong gawin at tandaan dahil isa ito sa mga madalas na posisyon ng tao kapag sila ay natutulog. Tumagilid lamang sa direksyon kung saan ang apektadong tenga. Manatili sa posisyon na ito ng 30 minuto at siguraduhin mo na hindi ka matutulugan dahil may kasunod pa ito. Pagkalipas ng oras na ito ay tumagilid na naman sa kabilang direksyon at manatili na naman dito ng 30 minuto. Maaari na nang umupo pagkatapos nito at gawin ito uli ng isa pang beses.

Epektibo ang mga ehersisyo o therapies na ito at madali pang gawin. At bukod dito ay may mga pagkain din na magagamit mo para maiwasan ang pagkakaroon ng Vertigo:

Ito ay ang mga pagkatin na mayaman sa vitamin D. Kung ang vertigo ay nangyayari dahil sa problema sa middle, marahil ito ay dahil sa kakulangan sa vitamin D. Kumain ng mga pagkain tulad ng keso, egg yolk, orange juice at mga isda gaya ng tuna at mackerel dahil puno ito ng vitamin D.

Ang pag-inom ng maraming tubig ay makatutulong din para maiwasan at malunasan ang Vertigo. Uminom ng 8-10 baso ng tubig araw-araw para palagi kang hydrated. Kung kulang ang tubig sa katawan mo ay tataas ang body temperature nito at maaaring magdulot ng pagkahilo.

Sunod dito ay ang gingko biloba na kilala bilang isang mabisang pagkain na kayang puksain ang mga cancerous tumors at cells. Magagamit din ito para mapabuti ang daloy ng dugo sa katawan at maibsan ang pagkahilo na ating nararamdaman. Maging ang luya na isang sikat na sangkap ay magagamit din para sa Vertigo. Kung iinom tayo ng tsaa na gawa sa luya ay mabilis nitong tatanggalin ang pagkahilo at sakit sa ulo.

Ilang lamang ito sa magagawa mo para malunasan ang Vertigo. Pero mas mainam kung magpasuri muna sa doktor kung ano talaga ang dahilan ng ating pagkahilo lalo na kung madalas itong mangyari para mas maagapan kung meron man na sersyosong sakit na may kaugnayan dito.
SPONSORED LINKS

0 comments