TIGILAN PAGGAMIT SA HAIR DYES BAGO MAGING HULI ANG LAHAT

SPONSORED LINKS
Maraming tao sa buong mundo ang gumagamit ng hair colors o hair dyes. Uso na ito lalo na sa mga teenagers. Napagalaman na sobra sa 33% ng mga kababaihan na nasa edad na 18 pataas at halos 10% ng mga kalalakihan na nasa 40 pataas ang gumagamit ng isang uri ng hair dye.



Dahil maraming tao ang gumagamit dito, maraming pananaliksik ang ginawa kung ang mga kemikal na laman nito ay may kaugnayan sa karagdagang panganib ng kanser sa tao.

Sa article na ito ay mababasa mo ang napag-alaman ng pag-aaral na ito para malaman mo kung makasasama nga ito para sa iyo.

Sobra sa 5000 na ibat-ibang kemikal ang ginagamit para magawa ang hair dyes at ilan dito ay kilala na bilang carcinogenic para sa mga hayop. At makaka-apekto din ito sa mga tao.

Ang ilang manufacturers ay binago na ang paraan ng paggawa dito para maalis ang ilan sa nakasasamang mga kemikal na ito pero hindi alam kung ilan pa ang natitira at ano dito ang talagang nakapagdudulot ng kanser at sakit sa mga tao.

Karamihan sa pag-aaral na ito ay para malaman kung tumaas nga ba ang posibilidad na magkaroon ng mga susunod na kanser na ito sa mga tao na gumagamit ng hair dyes.

BLADDER TUMOR

Ang mga pag-aaral ng ginawa sa mga tao na babad o palaging gumagamit ng hair dyes tulad ng beauticians at stylists ay nakaalam na mas mataas ang tsansa nilang magkaroon ng bladder tumor. Hindi ito matukoy kung tumaas para sa mga tao na nagpakulay lang ng kanilang buhok.

LEUKEMIA AT LYMPHOMA

Isang pag-aaral ang ginawa sa hair dyes sa mga 769 na katao na may acute leukemia at 623 na walang sakit na ito. Napag-alaman na ang tumaas ang panganib ng pagkakaroon ng acute leukemia sa mga gumagamit ng permanent at non-permanent hair dyes kompara sa hindi gumagamit nito.

SAKIT SA SUSO

Walang masyadong napag-alaman na kaugnayan ng paggamit ng hair dyes sa mga sakit na ito.

Gayunman, maraming uri na ng kanser ang napag-alaman na may kaugnayan sa paggamit ng hair dyes kaya walang masama kung mag-iingat ka sa paggamit dito.
SPONSORED LINKS

0 comments