10 SENYALES NA HINDI MABUTI ANG SIRKULASYON NG DUGO SA MGA KALALAKIHAN

SPONSORED LINKS
Ito ang listahan ng sampung (10) senyales ng improper blood circulation:




1. WALANG PAKIRAMDAM SA KAMAY AT PAA


Ang kawalan ng pakiramdam sa ilang parte ng katawan, lalo na sa mga kamay at paa ay isang malaking indikasyon ng problema sa sirkulasyon ng dugo. Ito ay nangyayari dahil sa madalas pressure na nailalagay sa mga parte na ito, compression ng mga ugat, sobrang lamig at kakulangan ng magnesium at vitamin B12. Maaaring sintomas din ito ng diabetes , under-active thyroid at multiple sclerosis.

2. PAMAMAGA NG IBABANG PARTE NG KATAWAN

Kapat nakararanas ka ng pamamaga sa paa ng matagal ay baka ito sa hindi mabuting sirkulasyon ng dugo sa katawan. Dahil sa kakulangan ng dumadaloy na dugo, ang kidneys ay hindi nakakayang bigyan ng wastong tubig ang mga ugat.

3. MADALAS NA PANGHIHINA AT PAGKAPAGOD

Ang panghihina o pagkapagod ay nangyayari dahil sa sobrang trabaho o dahil sa iba’t ibang medikasyon na ginagamit sa katawan. Pero kung madalas itong mangyari ay baka dahil ito sa hindi mabuting sirkulasyon ng dugo. Ang hindi wastong daloy ng dugo sa katawan ay nakakasira sa normal na pagtakbo ng mga organs sa loob ng katawa, kahit ang ating mga kalamnan ay apektado dahil hindi ito nabibigyan ng wastong oxygen at mga kinakailangan nito na nutrients.

4. MALAMIG NA KAMAY AT PAA

Ang mabuting sirkulasyon ng dugo ay tumutulong para mapanatili ang tamang temperatura sa katawan. Kapag may problema dito ay maaapektuhan ang temperatura ng katawan kaya madalas na magiging malamig ang kamay at paa. Ito ay dahil hindi maabot ng dugo ang pinakamalayong parte ng katawan mo tulad na lamang ng mga daliri sa kamay at paa mo. Kung nangyari ito ay himasin lamang ang mga ito para mapabuti ang sirkulasyon dito.

5. VARICOSE VEINS


Ang varicose veins sa paa ay resulta ng hindi maayos na sirkulasyon ng dugo sa katawan. At dahil sa hindi wastong pagdaloy ng dugo ay nagkakaroon ng pressure sa mga ugat na magiging sanhi ng pagbaluktot at pamamaga nito na madaling makikita sa balat. Karaniwan itong lumalabas sa ibabag parte ng katawan at nagdudulot din ng pangangati, sakit, hindi mapakali, mabigat at mainit na pakiramdam sa paa. Marami din ang ayaw dito dahil ito ay hindi kaaya-ayang tingnan. Marami ang mga dahilan kung bakit ito nangyayari sa isang tao tulad ng sobrang taba, namana ito, pagbabago sa hormones, problema sa pagdumi, paggamit ng birth control pills at madalas at matagal na pagtayo araw-araw.


6. MAHINA NA IMMUNE SYSTEM AT MABAGAL NA PAGHILOM NG SUGAT

Ang hindi wastong sirkulasyon ng dugo ay nakakaapekto sa immune system dahil kung hindi nakapunta sa oras ang mga bitamina at minerals sa iba’t ibang parte ng katawan ay hindi nito malalabanan ang mga sakit at impeksyon.

7. ERECTILE DYSFUNCTION O HIRAP TIGASAN KAPAG NAKIKIPAGTALIK

Kapag hindi maayos ang sirkulasyon ng dugo sa reproductive organs o ari ay magdudulot ito ng erectile dysfunction sa mga kalalakihan. Ang kondisyon na ito ay may kaugnayan sa atherosclerosis. Dahil dito ay dapat magpasuri sa doktor ang mga apektado nito para makita kung may problema sila sa puso.

8. BIGLAANG PAGLAGAS NG BUHOK

Ang paglagas ng buhok ay isang malakas na indikasyon ng hindi wastong pagdaloy ng dugo sa katawan. Kapag ang anit sa ulo o scalp ay hindi nabigyan ng wastong nutrisyon sa tamang oras at dami, ang mga buhok dito ay matutuyo, ninipis at malalagas.

9. MASIKIP AT MABIGAT NA PAKIRAMDAM SA DIBDIB


Kapag hindi wasto ang daloy ng dugo sa puso ay maaapektuhan ang pagtakbo nito at magdudulot ng masikip at mabigat na pakiramdam sa parte na ito.

10. PAGBAGO NG KULAY NG BALAT O CYANOSIS


Ang cyanosis is isang discoloration ng balat dahil sa mababang antas ng oxygen sa dugo o dahil sa hindi wastong sirkulasyon nito sa katawan. Ang kulay ay maaaring magbago mula sa bright red hanggang sa maging maitim ito, sa mga balat sa paligid ng mata, labi at gums ay magbabago sa kulay na blue o asul. Kahit ang mga daliri sa kamay at paa ay magmumukhang may mga pantal.
SPONSORED LINKS

0 comments