8 NATURAL NA MGA PANLUNAS PARA MATANGGAL ANG MGA URIC ACID CRYSTALS SA MGA JOINTS O KASUKASUAN

SPONSORED LINKS
May mga pagkakataon na kung tayo ay naglalakad o umaakyat sa hagdanan ay bigla na lamang tayo na makakaramdam ng sakit sa kasukasuan at mahihirapan na tayo na galawin o pantayin ito dahil sa sobrang sakit.



Madalas itong mangyari sa mga matanda at natural lamang na hihina ang ating mga buto sa paglipas ng panahon. Pero sa kasalukuyan, ang karamdaman na ito ay nangyayari na sa mga mas bata marahil sa mahihina na immune system, klase ng mga kinakain at kanilang mga kinikilos o mga gawain sa araw-araw.

Ang kondisyon na ito ay tinatawag na gout. Medyo kaparehas ito ng arthritis o rayuma, at ang kaunting pagkakaiba lamang ay ang gout ay dulot ng purines at ang rayuma ay dahil sa pagtanda ng tao. Ang gout ay maaaring magdulot ng kasingtulad na sensasyon sa rayuma, makakaramdam ka ng sakit sa mga kasukasuan at mahihirapan kang maglakad o kumilos dahil dito. Ito ay dulot ng purines na kapag nasira ay bumubuo ng mga uric acid crytals. Ang mga crystals na ito ang naiipit sa magkadugtong na buto sa kasukasuan at nagdudulot ng matinding sakit sa bahaging ito.

Ang purine ay natural na matatagpuan sa katawan ng tao. Kinakailangan natin ito sa ilang proseso ng katawan kaya hindi naman ito lubos na nakakasama. Pero kung nasobrahan tayo ng purine sa katawan ay ito ang oras kung saan delikado na ito para sa atin dahil ito ang direktang dahilan ng pagbuo ng mga uric acid crystals, at kung mas marami ito ay mas marami rin na mabubuo na mga crystals sa ating mga kasukasuan. Ang purine ay tumataas ang bilang sa katawan at hindi alam ng karamihan ng tao pero dahil ito sa kanilang kinakain.

ANO NGA BA ANG MGA PAGKAIN NA NAGIGING SANHI NG PAGTAAS NG PURINE SA KATAWAN?
CAFFEINE AT ALCOHOL

Maliban sa pagiging masama para sa ating kalusugan, ang mga inumin na ito ay kaya rin na pataasin ang bilang ng purine sa ating katawan. Subukan mong uminom na lamang ng mga juice na gawa sa orange, kiwi at grape fruit kung ikaw ay inuuhaw o uminom ng maraming tubig. Ang proseso ng hydration ng katawan ang siyang nagtatanggal sa sobrang purine dito.

PROCESSED FOODS

Ang mga klase ng mga pagkain tulad nito lalo na ang mga may preservatives ay puno ng sodium at asin para hindi sila mabulok kaagad. Pero hindi lamang ang mga ito ang kayan nilang patagalin kung hindi pati na rin ang mga purines sa katawan mo. Ang sodium ay mataas ang taglay na purine at papalakasin din nito ang produksyon ng purine sa loob ng katawan mo. Nakakasama din ito sa ating mga kidneys dahil maaari itong maging sanhi ng pagbuo ng mga kidney stones na kayang barahin ang urinary tract. Kung may problema ka sa pag-ihi ay hindi rin matatanggal ng katawan mo ang excess purines dito.


Sa kabutihang palad, maraming paraan para maalis natin ang excess purine sa katawan. Ang una ay ang pag-inom ng maraming tubig. Mainam din kung malulusog at balanse ang kinakain mo. Kumain ng mga sariwang prutas at gulay araw-araw katulad ng watermelons at cucumbers. Subukan mong pigain ang katas ng isang sariwang kamatis dahil mabisa itong panlunas sa gout.

MGA RESIPE NA MAARING GAMITIN PARA SA GOUT

Para sa resipeng ito, gumamit ka ng tubig, sibuyas, cabbage at parsley. Sa isang kaldero ng kumukulong tubig, ilagay ang kalahating sibuyas, 50 grams ng cabbage at 3 strings ng parsley. Pakuluan ito ng mga 15 minuto at pabayaang lumamig bago salain. Para mapabuti ang lasa nito ay puwede mo itong ihalo sa isang baso ng lemon juice at inumin ito bago ka magtanghalian.

Maaari mo ring paghaluin ang 3 tablespoons ng rosemary oil at kaparehas na dami ng soybean oil at gamitin ito sa apektadong mga parte ng katawan.

Kung mahilig ka sa mga prutas at magagamit mo ang resipe na ito. Gumamit ka ng pineapple juice, 4 carrots, 1 mango at 30 grams ng strawberry. Ihalo silang lahat sa blender para makagawa ng isang smoothie na maaari mong inumin bawat umaga sa walang laman na tiyan. Maaari mo din itong inumin sa gabi kung malala na ang gout mo.

Meron din na isang resipe na gumagamit ng 30 grams ng cranberries at 1 liter ng tubig. Pakuluan ang tubig at ilagay ang strawberries dito. Pagkalipas ng 5 minuto ay salain ito at inumin ng 3 beses bawat araw para maibsan ang sakit na nararamdaman sa mga kasukasuan o joints.

Maaari ka ring gumamit ng 2 stalks o tangkay ng celery, 1 slice ng lemon, 1 cucumber at 1 teaspoon ng grated ginger root. Hiwain ang celery at cucumber sa maliliit na piraso at haluin ito ng mabuti gamit ang blender saka ilagay ang ibang mga sangkap. Makakagawa ka ng isang smoothie na puwede mong inumin sa umaga pagkagising bago ka kumain o uminom ng kahit na ano. Inumin ito araw-araw para sa pinakamainam na resulta.

Tandaan na ang gout ay nangyayari dahil sa mga kinakain natin. Bukod sa paggamit ng mga resipe na nabasa mo ay mag-ingat din sa kinakain mo dahil kung malusog at balanse ang kinakain mo ay maiiwasan mo ang sakit na ito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments