ANG ANIM (6) NAKAKAGULAT NA NAGAGAWA NG PAGKAIN NG TALABA SA ATING KALUSUGAN NA DAPAT NATING MALAMAN

SPONSORED LINKS
Kung nagsasawa na tayong kumain ng karne, ang isang alternatibo para dito ay ang pagkain ng mga seafood. May iba’t ibang uri ng isda na makakain natin, may mga alimango at hipon at kahit ang mga ito’y mahal kung bilhin ay masarap naman sa panlasa.



Ang isa sa popular na pagkaing-dagat na ito ay ang oyster o talaba. Ang matigas na baluti nito ang nagtatago sa kanyang laman na gustong-gusto ng mga tao. Ang talaba ay hindi lamang para sa ating panlasa at malaki rin ang magagawa nito para sa ating kalusugan. Alam mo ba na punong-puno ito ng zinc, mga bitamina at mga mineral? Ang talaba ay isang tunay na biyaya ng kalikasan para sa mga tao.

Ang zinc na taglay nito ay isang mabisang nutrient na nangangasiwa sa kalusugan ng iba’t ibang sistema sa katawan tulad ng central nervous system at ang immune system. Kung may kulang ang tao dito ay mapapansin mo kaagad na hindi mabuti ang kanilang pakiramdam dahil sa kinikilos nila. Ang talaba ay isang mabisang aphrodisiac o pampagana sa seks din para sa mga kalalakihan. Ito ay marahil sa zinc na sinamahan ng vitamin C na pinatataas ang libido ng isang lalake.

Totoo nga na marami ang maibibigay ng talaba sa ating kalusugan. Inilista namin sa baba ang anim (6) na magagawa ng pagkain na ito para sa ikabubuti ng ating katawan:

PARA MAIWASAN ANG ANEMIA

Ang mga babae ay nawawalan ng maraming dugo kung sila’y nireregla. Ito ang dahilan kung bakit karamihan sa mga nagkakaroon ng anemia ay ang mga kababaihan. Kung nais mong maiwasan ang karamdaman na ito ay maaari kang kumain ng talaba kung rereglahin ka na. Ang mga seafood tulad ng talaba ay mayaman sa iron at kung kulangin ka ng mineral na ito ay magkaka-anemia ka. Ang iron deficiency anemia at nagdudulot ng kawalan ng malay, pagkahilo at sobrang pagkapagod o panghihina at mas maganda kung maiiwasan natin ang kondisyon na ito.

MABUTI PARA SA PUSO


Hindi lahat ng fats o taba sa katawan ay nakasasama. May ilan dito na kinakailangan ng ating puso para maging malusog ito. Ito ay ang mga mga tinatawag na polyunsaturated fatty acids na matatagpuan sa mga talaba. Ang pagkaing-dagat rin na ito ay may amino acids lysine na nakapagpalakas ng produksyon ng carnitine. Dahil sa mga ito ay mabuting nakokontrol ang antas ng kolesterol sa katawan kaya mas maiiwasan ang mga iba’t ibang sakit na may kaugnayan sa puso.

PAMPATIBAY NG IMMUNITY

Ang isang na naman na napakagandang katangian ng zinc at isa itong antioxidant, isa itong pangunahing panlaban sa mga impeksyon at sakit sa ating katawan. Kasama ang PUFA o polyunsaturated fatty acids, ang zinc ay pinatitibay ang immune system para maprotektahan ang katawan mo sa mga pamamaga at ibang mga karaniwang karamdaman tulad ng ubo at sipon.

NAGBIBIGAY ITO NG VITAMIN B

Ang grupo ng bitamina na nabibilang sa B vitamins ay mahalaga sa maayos na pagtakbo ng ating utak at ng nervous sytem. Nagagawa ng katawan na gumawa ng enerhiya sa mga pagkain at ipunin ito sa katawan dahil sa vitamins B6 at B12. Walang duda sa kahalagahan ng B vitamins sa ating katawan at ang tanong lamang dito ay kung saan ito makukuha maliban sa mga supplements na nirereseta ng mga doktor. Ang sagot dito ay talaba. Ang pagkaing-dagat na ito ay puno ng vitamins B2 at B3 na makakatulong sa pagtaas ng kalidad ng karaniwan mong kinakain.

Lose that weight. Oyster is also very rich in protein. When consumed, a person may feel full in a faster rate, thus preventing excessive eating that can cause weight gain. Aside from that, protein rich foods also helps in the metabolism process and adds to muscle mass. That is why this is very helpful for people who wants to lose weight. Moreover, protein also handles tissue repair and creates enzymes that boost the production of hemoglobin and Red Blood Cells, which is the oxygen content of the blood.

C for Calcium. Among the many different nutritional content of oysters, Calcium is one of them. Calcium is very important for the a person as it keeps the bones and teeth strong and healthy. With little amount of calcium present in the body, deficiency may occur and so as the weakening of our bones and teeth where 99% of our body’s calcium are stored. Hence, do not compromise you health and have the right amount of calcium, eating oysters will help you do so.


PAMPAPAYAT

Ang talaba ay mayaman sa protina na kapag kinain ay mas madaling mabubusog ang isang tao kaya naiiwasan ang sobrang pagkain na siyang dahilan ng kanilang pagtaba. Ang mga pagkain na puno ng protina ay nakakatulong sa metabolic processes ng katawan at nagpapalaki din ng mga kalamnan. Ito ang dahilan kung bakit sobrang nakakatulong ito sa mga tao na gustong pumayat o bawasan ang kanilang timbang. Bukod dito, ang mga proteins din ay responsable sa paghilom ng balat at gumagawa ng enzymes na nagpapalakas sa produksyon ng hemoglobin at red blood cells na nagdadala ng oxygen sa dugo.

CALCIUM

Meron ding laman na calcium ang talaba na makukuha sa kanilang shell o kabibi. May mga pananaliksik na nakatuklas na ang oyster shell supplement ay mas mabisa para malunasan ang osteoporosis kesa sa paggamit ng calcium carbonate supplements. Kailangan mo lang (1) tablet ng oyster shell supplement at sapat na ito para sa araw na iyon.

ANO ANG TAMANG GAMITIN NA TALABA AT KUNG PAANO ITO KAININ

Una, puwede mo itong kainin ng hilaw lalo na kung sariwa at kagagaling lang nito sa dagat. Sa Chinese cuisine, meron silang dried oysters. Meron ding gumagawa ng smoked oysters sa kanilang bahay o bumibili lamang ng ganito sa mga tindahan. Pero ang mga nabibili na smoked oysters ay napag-alamang hindi mabuti para sa kalusugan dahil sa ginagamit na preservatives dito. Kaparehas din ito ng canned oysters na mataaas sa sodium content kaya wala pa ring tatalo sa health benefits ng raw oysters.

Kung kakain ka ng hilaw na talaba ay tiyakin mong malinis ito at ligtas kainin. Ito ay dahil sa polusyon sa tubig na siyang dahilan kung bakit nagiging kontaminado sila at hindi maiwasan ang shellfish poisoning. Maliban sa mga pollutants tulad ng lead, ang talaba din ay maaaring pagtahanan ng maraming uri ng bakterya na nakasasama sa kalusugan ng tao kapag kinain. Kung kinain mo ng hilaw ang talaba at nahilo ka bigla, nagkaroon ng diarrhea at stomach cramps ay maaaring may norovirus ang nakain mong talaba.

ITO ANG ILANG TIPS PARA MAIWASAN ANG MGA CONTAMINATED OYSTERS


Siguraduhin na lubos na sarado ang oyster shells sa pagbili mo dito. Iwasanng bumili ng nakabukas kahit kaunti lang.

Sa kabaligtaran, itapon ang mga hindi bumubukas ang shells kapag niluluto na ito.

Pakuluan ng hindi kukulang sa 5 minuto para masigurado na malinis ito at patay lahat ng bakterya na naninirahan dito.

Iwasan ang cross-contamination sa paghiwalay sa mga luto na talaba sa mga hilaw.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments