ANG DELIKADONG AKTIBIDAD NA ITO BAWAT GABI AY MAAARING BIGYAN TAYO NG EYE CANCEROUS

SPONSORED LINKS
Ang ikadalawampo’t isang siglo ay nagbigay sa ating ng maraming mga panibagong teknolohiya katulad na lamang ng iba’t ibang electronics na nakatutulong sa araw-araw nating buhay. Mas madali nang mabuhay ngayon dahil sa mga kagamitan na ito na magagamit natin para sa iba’t ibang bagay.



Katulad na lang kung napapagod na tayong maglaba ay maaari lang tayo na gumamit ng isang washing machine para dito. Mas naging madali at mabilis naman ang transportasyon dahil sa mga bagong klase ng mga sasakyan katulad ng mga kotse at mga eroplano. Malayo na ang narating ng tao kung ikokompara ito sa sinaunang mga panahon kung saan ang bawat trabaho ay dapat gawin ng sarili nilang mga kamay.

Ang isa pang bagay na pinaunlad ng bagong teknolohiya ay ang komunikasyon. Sa sinaunang panahon, ang mga tribo at kaharian ay nagpapadala ng mga tao para maipadala ang kanilang mga mensahe. Kasunod nito ay dumating ang panahon ng pagpapadala at pagsulat ng mga liham. Mabisa itong paraan ng komunikasyon pero matagal pa rin na panahon ang hihintayin para makarating ito sa pinadalhang tao at para sa makatanggap ng sagot sa kanila. Pero salamat sa mga modern gadgets, posible nang makipag-usap sa isang tao sa kabilang parte ng mundo sa bilis ng kisap-mata. Ito ay dahil sa paggamit ng mga cellphones o mobile phones.

Ang cellular phones o cellphones kung pinaikli ay isa sa pinakasikat na modernong kagamitan sa panahong ito. Salamat sa cellphones, ang komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay ginawang mas mabilis at madali kahit pinaghihiwalay sila ng malayong distansya. Maaari kang makipag-usap sa mga minamahal mo kahit saan man sila at gamit ang video chat ay makikita mo rin sila habang kayo ay nag-uusap. Bukod dito, ang cellphones ay ginagamit din para makapanuod ng iba’t ibang mga videos na isang nakakaaliw na gawain at pangpalipas ng oras. Makakapaglaro din ng mga games ang mga bata gamit ang mga ito. Ito ang dahilan kung bakit naging popular ang cellphones sa mga tao at kung bakit masyado silang nagiging sugapa sa paggamit dito.

Ngayong mga panahon, madalas kang makakakita ng mga tao na nakikipagusap, nagtetext, nanunuod ng videos, nakikinig sa musika gamit ang kanilang cellphones o nakahawak lamang dito. Mahirap ka nang makakita ng mga tao na naglalakad lamang na walang hawak na cellphone o nagbabasa ng libro sa halip na nakatingin sa kanilang cellphones. Sa madaling salita, ang karamihang tao ngayon ay hindi makakapunta sa isang lugar na hindi dala ang kanilang mga cellphone. Masyado na silang umaasa dito para sa lahat ng bagay at ang iba ay nagkakaroon ng sariling mundo gamit ang kanilang mobile gadget. Hindi masama kung gumamit tayo ng mga bagong teknolohiya dahil pinapadali nito ang maraming gawain pero sobra na itong ginagamit ng tao at nawawalan na sila ng gana para sa ibang bagay. Ang iba ay wala ng interes para makipag-socialize o makipag-usap sa ibang tao dahil mas gusto nilang nakatingin sa kanilang cellphones.

Ang masama pa dito, ang teknolohiya ay kayang panghimasukan ang lahat ng aspeto ng buhay mo. Buong araw mo na itong gagamitin kahit sa gabi. Totoo na mas gusto na ngayon ng karamihang mga tao na mas gumastos ng oras na maglaro at manuod ng mga pelikula gamit ang kanilang cellphones kesa matulog ng maaga. Sa madilim na kuwarto ang tanging makikita mo ay ang ilaw na nanggagaling sa kanilang cellphone. Masyado na silang nababad sa gadget na ito at dito nanggagaling ang malaking problema.


Dahil ang ilang mga tao ay mas gusto na nakakababad sa kanilang cellphone kesa kumain, matulog o magpahinga ay napapabayaan na nila ang kanilang kalusugan. Lalo na kung wala silang tigil nang kagagamit dito at maaaring tumagal pa hanggang umaga. Marami ang maidudulot na karamdaman sa katawan dahil sa bagay na ito. Ang pananakit ng ulo, pagkapagod o sobrang panghihina ng katawan, insomnia at ang paghina ng immune system ay ilang lamang sa maaaring maging epekto ng sobrang paggamit ng cellphone. At kung palagi mong ginagamit ito sa gabi ay puwede kang dapuan ng pinakamalubhang sakit sa lahat, ang kanser.

Tama ang nabasa mo! Kanser. Ang isang tao na walang tigil sa katitingin sa kanilang cellphones sa gabi ay mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng eye cancer. Alam nating lahat na ang kanser ay ang malaking pagbabago sa cells kung saan ito ay gumagalaw ng abnormal at ang mga lumang cells ay hindi napapalitan ng bago kung kailan naipon ito ay maaaring makabuo ng kanser o ng isang cancerous tumor. Nakakatakot ang kanser dahil maaari itong mangyari sa kahit kanino. Kahit sino ay maaaring dapuan ng kanser at ang pagpapabaya sa iyong kalusugan lalo na sa iyong mga mata ay patataasin ang posibilidad na magkaroon ka ng eye cancer.

Ito ang naging karanasan ng isang 40 taon na lalake. Tulad ng maraming tao ngayong panahon, madalas niyang ginagamit ang kanyang cellphones ng at least 30 minuto bawat gabi bago siya matulog. Ginagamit niya ito para maglaro at mga iba pa at hindi dumadako sa isip niya na makasasama ito para sa kanya. Pero isang malaking pagkakamali ito at ito ang naging dahilan kung bakit siya binawian ng buhay. Nagsimula ito sa paglabo ng kanyang mga mata at iba pang kondisyon dito na hindi naman niya nararanasan dati. Pumunta siya sa doktor dahil inisip niya na epekto lamang ito ng kanyang pagtanda, pero dito niya nalaman na ang madalas na paggamit niya ng cellphone bawat gabi ay nagresulta sa pagkakaroon niya ng eye cancer. Ang malabo niyang paningin at iba pang mga kondisyon na may kinalaman sa mata ay parte lamang ng isang mas malaki at malubhang sakit.

Pero paano ito nangyari? Dahil ito sa blue light na ipinapakita ng ating cellphones sa dilim na nakasasama sa ating cells, lalo na sa mga cells sa retina ng ating mata. Kung nababad sa ilaw na ito ng matagal na panahon, ang retinal cells ay maaaring masira, na siyang dahilan ng paglabo ng paningin na magpapatuloy sa ibang kondisyon tulad ng kanser kung hindi ito naagapan. Huli na ang lahat para sa lalakeng ito dahil wala nang makakatulong sa kanya. Ang natatanging paraan para mabigyang lunas ang kanyang karamdaman ay sa pamamagitan ng operasyon para mapalitan ang kanyang retina pero imposible ito kahit sa mga doktor.

Ang mga cells sa kanyang retina ay hindi na maisasalba, at ang kanyang eye cancer ay hindi na mabibigyan ng lunas. Pero hindi pa huli ang lahat para sa iyo at maaari ka pang gumawa ng paraan para mabago o maiwasan ang mga masasamang kinaugilan mong gawin na nakasasama sa iyong kalusugan. Maaari mong babaan ang intensity o brightness ng cellphone screen mo kung ginagamit mo ito sa gabi kung hindi mo maiiwasan na gumamit nito at para na rin mabawasan ang pagkasira ng retinal cells mo. Huwag kalimutan ang sariling kapakanan dahil lamang sa isang cellphone.
SPONSORED LINKS

0 comments