ANG MGA HEALTH BENEFITS NG RADISHES O LABANOS PARA MALINIS O PADALISAYIN ANG IYONG DUGO AT KIDNEYS

SPONSORED LINKS
Matagal nang kilala ang mga health benefits ng labanos. Ito ay ginagamit bilang pagkain o medisina simula pa ng panahon bago mabuo ang Roman Empire. Ito ay isang root vegetable na madalas inaani sa Europe at China.



Miyembro ito ng Brassicaceae family na kasama ang kale, broccoli at cabbage. Ang mga ito ay pangkaraniwan na gulay na kinakain sa buong mundo dahil mabibilis itong lumaki. Kapag itinanim ang mga buto nito ay uusbong kaagad ito sa loob ng tatlong (3) araw.

Madalas na isawalang bahala ang radishes o mga labanos sa mga local produce aisle at hindi mo dapat itong gawin! Ang mga ito ay sobrang baba sa calories, naturally fat-free at mababa rin sa glycemic load.

ANG MABUBUTING LAMAN NG LABANOS


Fiber
Vitamin C
Folate
Potassium
Magnesium
Copper
Calcium
Manganese
B vitamins

Hindi ka magkakamali kung isasama mo ito sa iyong nutritional plan! Ang thin-sliced na mga radishes ay isang mainam na snack na hindi kaagad nabubulok. Ang isang tasa nito ay may 19 calories lamang! Mainam din itong ilagay sa mga salad, sopas o stews o ihalo ang shredded radishes sa potato o macaroni salads.

RADISHES: BIG HEALTH BENEFITS SA ISANG MALIIT NA BAGAY

NILALABANAN ANG KANSER

Ang mga mananaliksik sa Jawaharlal Nehru Technological University sa India ay natuklasang nagbibigay ng apoptosis ang labanos – ang ibig sabihin nito ay pumapatay ito ng mga cancer cells. Ang mga compounds na kung tawagin ay isothiocyanates at anthocyanins ay makikita sa maraming bilang sa labanos at ipinakitang epektibo para malabanan ang kanser sa ilang mga pag-aaral. Ang mga pag-aaral na ito inilathala sa medical journal ng Plant Foods for Human Nutrition noong 2010. Ang fiber content ng labanos ay epektibo rin para mapigilan at labanan ang colocteral cancer.

PARA SA RESPIRASYON

Kung palagi kang inaatake ng chronic bronchitis, sinus infection at astma - ang labanos ay gagana bilang natural na decongestant.


PARA SA MALUSOG NA PUSO

Ang mga fiber, bitamina at mineral sa radishes ay mabisa para sa malusog na puso. Ipinakita rin na pinapababa nila ang kolesterol, kinokontrol ang diabetes at pinangangasiwaan ang sapat na antas ng blood pressure at blood sugar sa katawan.

DIGESTION AT DETOXIFICATION


Ang kidney at gallbladder mo ay nakadepende sa bile para sa mabuting paggana ng mga ito at napag-alaman na mabisang kainin ang labanos para sa maayos na produksyon ng bile sa tiyan. Ang sulfuric properties ng labanos ay makakatulong para sa maayos na produksyon ng bilirubin at alisin ang sobra nito sa dugo. Kung nasobrahan ang compound na ito ay maaaring magresulta sa jaundice. Ang fiber content din nito ay magagamit para sa pagtanggal ng toxins sa katawan at mapigilan ang constipation.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ang black radish para malaman kung may kakayahan itong pataasin ang oxygen sa dugo at protektahan ang red blood cells sa pagkasira.

WEIGHT LOSS O PAGPAPAPAYAT

Madaling nakakapabusog ang water at fiber content ng labanos at ang mababa nitong calories ay siyang dahilan kung bakit itinuturing itong isa sa “best diet” foods. Maraming nutrisyon ang makikita sa gulay na ito kaya huwag kang mag-alala kung nagbabawas ka ng kinakain na fats, sugar at carbs. Maaari itong kainin ng hilaw o niluto at magbibigay ng masarap na lasa sa maraming mga pagkain.

PARA MALINIS ANG KIDNEY


Ang labanos ay isa sa pinakamainam na gamitin para mapigilan ang urinary tract infections (UTI). Ang pag-inom sa juice na may kasamang radish ay babawasan ang burning sensation na nararanasan kung mayroong UTI at para rin sa mabilis na ikalulunas nito.

Kung hindi mo pa ito nasusubukan ay kung maaari ay isama mo na ang labanos sa bawat pagkain mo! Ang mga health benefits nito ay napatunayan na ng maraming tao galing sa iba’t ibang bansa. Maliit lamang ito pero napakabisa naman!
SPONSORED LINKS

0 comments