ANG MGA SUSUNOD NA GULAY AY MADALI LAMANG PALAKIHIN ITO SA TAHANAN MO MISMO AT KUNG PAPAANO ITO GAWIN:

SPONSORED LINKS
1. ASPARAGUS

Ang manipis at magandang gulay na ito ay popular at isa sa mga gustong makuha ng mga tao pagdating ng tagsibol. Maaari itong dumami ng hanggang 25 taon. Ang mga uto nito ay kailangan ng ilang taon para tumanda pero kung gusto mo itong mapabilis ay gamitin mo ang korona nito. Tiyakin na hindi ito sobrang mababad sa tubig dahil mabubulok kaagad ito.



2. BAWANG

Maaari mong magamit ang garlic cloves para umusbong uli ito at kahit maliit lang na cloves ay makakagawa ka na ng sampu nito uli. Maaari mo itong isama sa mga pagkain tulad ng salads, pasta at iba pang mga pagkain dahil sa katamtaman nitong lasa. Itago ang isang clove nito, huwag balatan at hintayin na umusbong. Kapag nangyari na ito ay ilagay ito sa isang tasa ng tubig at ilagay sa may bintana o sa labas. Itanim ito uli kung ang taas nito ay ilang inches na. Gumamit ng malaking paso at isang fertile na lupa para makita mo kaagad na lumabas ang dahon nito pagkalipas lamang ng ilang araw. Kunin ang bawang dito kung ang dahon ay kayumanggi na ang kulay at nalalagas na.

3. CARROTS

Gamitin ang taas na bahagi ng carrots para itanim ito. Ilagay ito sa isang plato na may tubig at ilagay sa may bintana o maliwanag na kuwarto. Maaaring maging mapait ang lasa nito pero maaari mo itong mapatamis uli sa tulong ng suka at bawang na maaaring isama sa mga salads.

4. BOK CHOY

Ilagay ang dulo ng ugat ng Chinese cabbage sa tubig at ilagay ito sa maliwanag na kuwarto at pabayaan ng ilang linggo. Pagkalipas nito ay ilipat ito sa isang paso na may matabang lupa. Tutubo muli ito ng bagong ulo ng listugas. Itanim ito ng paulit-ulit para sa walang tigil na supply ng bok choy linggo-linggo.

5. ROMAINE LETTUCE

Maaari mong palakihin uli ang bagong letsugas gamit ang ibabang parte ng ulo nito. Ibabad lamang ito sa half inch na tubig at uusbong kaagad ang ilang dahot at ugat dito. Ilipat ito sa hardin mo o sa isang paso na may matabang lupa. Ang dahon nito ay maaaring lumaki ng dalawang beses sa normal na laki nito. Ang kaparehas na paraan ay magagamit para sa mga repolyo o cabbages.

6. SCALLIONS

Ang ugat ng scallions ay magagamit para palakihin uli ito na maaaring anihin sa kinalaunan. Maglagay lamang ng 1 inch ng scallion na nakakabit sa ugat nito sa isang tasa ng tubig at ilagay ito sa isang maliwanag na kuwarto. Ang mga bagong scallions ay mabilis na tutubo at maaari mo itong anihin kung ito ay nasa habang 4-6 inches na.


7. CELERY

Ang kintsay o celery ay isang halamang lantian na nabibilang sa Apiaceae family at itinatanim bilang gulay kahit noong makalumang panahon pa. Gamitin ang ibabang parte nito para palakihin uli ito. Putulin ang ibabang dulo nito at ilagay ito sa maliit na mangkok sa ilalim ng araw at makakakita ka na kaagad ng dahon dito sa paglipas na maikling panahon lamang. Pagkatapos ng 3 araw, itanim ito uli sa isang nakakatabang lupa at sa isang lugar na may wastong sinag ng araw.

8. CILANTRO
Ilagay ang ugat ng cilantro sa isang baso ng tubig at tutubo uli ang gulay na ito. Kapag humaba na ang mga ito ay ilagay sa isang paso na may nakakatabang lupa at ilagay sa isang maliwanag na kuwarto. Uusbong ito pagkalipas ng ilang buwan. Matagal ang hihintayin mo bago mo ito maani pero hindi masasayang ang oras mo dito.

9. BASIL

Kakailanganin mo ng basil clippings na may tangkay na may 3-4 inches at ilagay ito sa isang baso ng tubig. Ang baso na ito ay dapat nakalahad sa direktang sinag ng araw para lumaki ang mga halaman at hindi mamatay. Kung naging 2 inches na ang haba nito ay ilagay ito sa isang paso na may lupa. Diligan ito madalas para hindi ito lumiit.

10. GLOBE ARTICHOKE
Ang mga artichokes ay maani kung uusbong na ang kanilang mga kulay-ubeng mga bulaklak. Para palakihin ang halaman na ito, gumamit ka ng basa at may tamang irigasyon na lupa at maaraw na klima. Magtanim ng mga 24 hanggang 36 ng artichokes na 36 inches ang pagitan ay nakababad sa direktang sinag ng araw. Ang lupa na tinaniman nito ay dapat ginamitan na ng 2 inches na fertiler bago dito ilagay ang mga artichokes. Gumamit ng high-nitrogen fertiler sa lupa bawat buwan. Maaani ito tuwing tagsibol at sa taglagas sa pangalawang usbong nito. Anihin ang mga bulaklak nito habang hindi pa ito bumubukas at siguraduhin na ang tangkay nito ay hindi pa lubos na humahaba.

Kung nagpasya ka na tumanin ng sarili mong mga halaman at gulay sa bahay ay malaki ang maitutulong nito sa pamilya mo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments