BAKIT DAPAT MONG IWASAN ANG SOBRANG PAGKAKABABAD SA MOBILE PHONE MO BAGO KA MATULOG

SPONSORED LINKS
Maaaring hindi mo aminin pero baka isa ka sa maraming tao na mahilig tingnan muna ang kanilang mga social media accounts o mag-browse ng internet gamit ang kanilang mga mobile phones bago sila matulog. May mga pagkakataon na kinakailangan mo itong gawin dahil sa mga gagawin mo sa susunod na araw.



Gayunman, marami na ang mga pananaliksik na ginawa tungkol sa epekto ng mahabang paggamit ng mga mobile phones sa gabi. Ang isa sa mga pag-aaral na ito ay para sa kalusugan at ikabubuti ng mga tao, at napag-alaman dito ang mga negatibong epekto ng ganitong kaugalian sa ating katawan.

Ang radiation na nanggagaling sa mobile phones ay maraming maidudulot na masasamang epekto sa katawan ng tao. Tinatawag ito na blue light at labis itong nakasisira sa mga mata ng tao. Hindi lamang ito nakaka-apekto sa pisikal na aspeto ng katawan ng tao pero kasama rin dito ang kaisipan at emosyon.

ITO ANG ILANG SA MGA KARAMDAMAN NA MAAARING IDULOT NG PAGGAMIT NG SMART PHONES SA GABI:

MAY TUMATAAS ANG TIYANSA NA MAGKAROON NG KANSER


Ang nakakasilaw na ilaw sa madilim na paligid ay maaaring magdulot ng istorbo sa pagtulog at dahil dito ay tumataas ang tiyansa ng pagkakaroon ng kanser, lalo na ang breast at prostate cancer. Ang melatonin ay isang malakas na antioxidant na isang natural na panlaban ng katawan sa kanser pero kaya itong pigilan ng blue light. Kapag nangyari ito ay baka magresulta ito sa malaking problema para sa kalusugan.

NAKAKA-APEKTO ITO SA ORAS NG IYONG PAGTULOG


Ang blue light ay kayang sirain ang produksyon ng melatonin na nagkokontrol ng sleeping cycle ng katawan. Kung kulang sa tulog at pahinga ang katawan, ang sira na sleeping cycle ay magreresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang karamdaman at sakit na kasama ang mga sumusunod:

Pagtaba
Depresyon
Cardiovascular issues
Slow mental alertness
Magmumukha kang mas matanda

SISIRAIN NITO ANG MGA MATA MO

Ang pagkababad sa blue light sa gabi at makasisira sa retina at magududlot ng macular degeneration. Ito ay magreresulta sa unti-unting paglabo ng paningin at pagkakaroong ng mga kondisyon tulad ng katarata.

Hindi naman siguro masamang gamitin ang mobile phones mo sa gabi kung may emergency na nangyayari. Tandaan mo lang na bawasan ang oras ng paggamit dito bawat gabi. Isipin mo palagi ang masasamang epekto nito sa kalusugan mo kung madalas mo itong gamitin sa gabi, lalo na sa madilim na kuwarto kung saan ang natatanging ilaw na makikita dito ay ang galing sa mobile phone mo.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments