ITO ANG 8 PANGUNAHING DAHILAN KUNG BAKIT MO DAPAT KAININ ANG TALONG:

SPONSORED LINKS
Ang talong ay nakakapalusog na pagkain at mabisang gamitin para sa pagpapapayat. Marami itong laman na bitamina at mineral at may mga phytonutriens na may kakayahan na pasiglahin ang aktibidad ng antioxidants sa katawan.




NAKAKAPAGPALAKAS NG BRAIN CELLS


Ang talong ay may makintab na kulay-ubeng balat na may anthocyanin phytonutrient na kilala bilang nasunin. Ito ay isang mabisang antioxidant na may kakayahan na puksain ang mga aktibong free radicals na naiwan sa katawan na delikado para sa utak. Ang anthocyanin ay pinipigilan ang pamamaga sa utak para sa maayos na daloy ng dugo dito. Mabisa rin itong gamitin para sa mga age-related na mental disorders at para mapabuti ang memorya.

PARA MAPABUTI ANG KALUSUGAN NG PUSO


May isang grupo ang pinainom lamang ng eggplant juice at napag-alaman na may mabuti itong epekto sa kanila dahil nakabawas ito sa antas ng kolesterol sa kanilang mga artery walls at aorta. Ito ay iniisip nila na kagagawan ng nasulin at mga terpene phytonutrients na makikita sa katas ng talong.

MABISANG GAMITIN PARA PUMAYAT

Uminom ng hindi kukulang sa isang baso ng eggplant juice bawat pagkain para tiyakin na matunaw ng katawan lahat ng taba na kinain mo. Gumagana ito sa tulong ng saponin na makikita sa eggplant juice at pinipigilan nito ang katawan na magipon ng taba at pinapabuti rin nito ang kalagayan ng mga kidneys.

PARA MABAWASAN ANG BLOOD PRESSURE

Isang klinikal na pag-aaral ang ginawa na nagpakita ng kaugnayan ng anthocyanin na makikita sa talong sa pagpapababa ng blood pressure sa katawan. Ang pagsusuri ng mga phenolic compounds na ito ay ipinakita na ang gulay na ito ay mayaman sa chlorogenic acid, isa sa mga pinakamalakas na tagalinis ng free radicals na makikita sa isang halaman. Ang chlorogenic acid ay binabawasan ang low-density lipid (LDL) at gumagana rin bilang antimicrobial, antiviral at anticarcinogenic.



PINUPUKSA ANG MGA FREE RADICALS SA KATAWAN PARA MABAWASAN ANG PELIGO NG PAGKAKAROON NG KANSER


Ang talong ay mataas sa chlorogenic acid na napatunayan na isa sa pinakamabisang pagtanggal ng free radicals sa katawan. Ang anthocyanin at chlorogenic acids ay gumagana bilang antioxidants at anti-inflammatory na mga compounds. Pinipigilan ng mga ito na masira ang mga cells dahil sa free radicals at dahil dito ay maiiwasan ang paglaki ng mga tumor at ang pagkalat ng mga cancer cells.

MGA 35 CALORIES PER CUP LAMANG

Ang low calorie at high fiber content ng talong ay isa sa dahilan ng makitab at kulay-ubeng balat nito at isa sa mga pagkain na mabisang gamit para pumayat. Dahil mataas ito sa fiber ay mabubusog ka kaagad dito at papalakasin din nito ang kakayahan ng katawan mo na mag-ipon ng karagdagang tubig. Ang dietary fibers ay isang mahalagang aspeto ng pagpapayat at gumagana bilang “bulking agents” sa digestive system.

BINABAWASAN NITO ANG OXIDATIVE STRESS NA NAKAKATULONG PARA MABAWASAN ANG PANGANIB NA MAGKAROON NG KANSER

Ang polyphenols na makikita sa talong ay maaaring magamit na panlaban sa kanser. Ang mataas na antas ng bioflavonoids na makikita sa talong ay makakatulong para maiwasan ang pagkasira ng cell membranes sa katawan dahil sa free radicals at dahil dito ay binabawasan nito ang epekto ng oxidative cancer-causing stress.

MARAMI ANG PARAAN NA MAGAGAMIT PARA LUTUIN ITO

Magagamit ito para sa maraming klase ng pagluto at pagkain. Bukod dito ay madali lamang itong makikita at mabibili.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments