ITO ANG ANIM (6) NA PAGKAIN NA NATURAL NA MAGPAPAGINHAWA SA SAKIT NA NARARAMDAMAN MO SA IYONG TUHOD

SPONSORED LINKS
Ang sakit sa tuhod o knee pain ay isang sagabal sa pangaraw-araw mong trabaho at maaaring magresulta ito sa iba’t ibang karamdaman tulad ng osteoarthritis. Mababawasan mo ang sakit na nararamdaman dito sa pamamagitan lamang ng pagbago sa kinakain mo.



Kumain ng mga mayayaman sa vitamins at antioxidants kagaya ng spinach, ginger, non-fat milk, isda at mga madahong gulay. Kung paulit-ulit na sumasakit ang tuhod mo o naging chronic na ito ay dapat kang mag-ingat palagi sa kinakain mo.

Ang pananakit ng tuhod ay maaaring resulta ng rayuma, bursitis, baker’s cyst at kahit dislocation ng buto. Ang pagkalala ng sakit ay maaaring mahina lamang o aabot sa punto na hindi ka na makakakilos. Habang ang medikasyon at ehersisyo na nakapokus sa tuhod ay makakatulong para maibsan ang sakit, ang pagbabago sa kinakain o diet mo ay ang pinakamabisang paraan para matanggal ito.

ITO ANG ILANG PAGKAIN NA MAAARING MAKABAWAS SA PANANAKIT NG TUHOD:

ISDA

Ang isda at langis na nakukuha dito ay may kakayahan na bawasan ang sakit sa tuhod at pagtigas nito na dulot ng rheumatoid arthritis, ito ay dahil sa kanilang taglay na vitamin D. Ang isday ay mayaman sa omega-3 fatty acids, na nakakapaginhawa ng pakiramdam at binabawasan ang pananakit ng mga kasukasuan sa pagbara ng mga kemikal na nagdudulot ng pamamaga sa osteoarthritis. Dahil ito ay isang chemical-free na pagkain, wala itong side-effects na hindi kagaya ng mga modernong klase ng medikasyon. Ang mga isda na may omega-3 fatty acids ay ang salmon, tuna, sardines, herring, cod at mackerel.

ORANGE

Ang mga orange ay kilalang mataas na mapagkukunan ng vitamin C, ito ay importante para sa magandang pagtakbo ng katawan, para mapatibay ang immune system at malabanan ang maraming uri ng karamdaman o sakit. Ang kakulangan sa vitamin C ay nagreresulta sa pagkakaroon ng osteoarthritis. Isang pag-aaral ang ginawa ng Arthritis Research and Therapy kung saan sinuri nila ang halos 293 malulusog na middle-aged na mga tao. Pagkalipas ng sampung (10) taon, ang MRI ng mga tuhod ng mga taong ito na kumain ng mas maliit na dami ng citrus na prutas ay nagpakita ng sintomas ng osteoarthritis.


MADAHONG MGA GULAY

Ang pagdagdag ng kaunting spinach sa pangaraw-araw mong kinakain ay makakatulong para mabawasan ang sakit na nararamdamon mo sa tuhod dahil sa osteoarthritis. Ang spinach ay may laman na lutein at zeaxanthin, parehas na antioxidant na kilalang pumipigil sa pananakit ng kasukasuan at rayuma. Maliban sa spinach, ang mga gulay tulad ng broccoli, kale, turnip, mustard greens at collards ay makakatulong para maibsan ang sakit sa tuhod.

ALMONDS


Ang almonds ay may taglay na vitamin E, isang essential nutrient na may malakas na antioxidant na katangian. Nagbibigay ito ng proteksyon sa buto sa tuhod at pinapatibay din ito. Isang pag-aaral ang ginawa sa mga pasyente na may osteoarthritis na nakaranas ng operasyon sa tuhod ang nakatuklas na mababa ang laman vitamin E ng kanilang mga buto, isang malaking indikasyon na hindi nila nakamit ang buong potensyal na binibigya ng bitamina na ito. Siguraduhin lamang na hindi ka allergic sa mani kung balak mong kumain ng almonds.

GINGER


Ang luya ay kilalang panlunas sa mga problema sa digestion pero nagagamit din ito para mabawasan ang sakit sa tuhod. Ang mga pagkain na may luya ay nakakabawas sa pamamaga at para maibsan ang matinding sakit na nadarama lalo na kung nakatayo o lumalakad.

NON-FAT MILK

Uminom palagi ng tubig para maibsan ang sakit sa tuhod. Mas mainam kung iinom ka ng non-fat milk dahil puno ito ng calcium na nagpapatibay sa buto ay inaayos din ang mga nasira na cartilage para mabawasan ang sakit na nararamdaman sa tuhod.

ANO ANG HINDI DAPAT KAININ

Kung babaguhin mo ang regular diet mo ay isama ang anim (6) na pagkain na ito. Iwasan ang mga pagkain na nagpapalala sa sakit at may mga refined carbohydrates. Magandang tanggalin mo sa kinakain mo ang pasta, baked goods at kahit white bread. Madalas na kainin ang mga pagkain na nabasa mo sa taas at sa maikling panahon lamang ay giginhawa na ang pakiramdam mo.
SPONSORED LINKS

0 comments