ITO ANG MGA HEALTH BENEFITS NG DAHON NG SAGING NA DAPAT MALAMAN NG LAHAT NG TAO

SPONSORED LINKS
Alam na ng maraming tao ang magagawa para sa kanilang kalusugan kung kumain sila ng prutas ng saging. Pero sa ibang pag-aaral, ipinakita dito na ang mga dahon ng saging ay may laman din na mahahalagang mga nutrisyon na kailangan ng ating katawan.



NUTRIENTS

Bukod sa magagamit ito bilang food wrapper para sa pagluto, ang dahon ng saging ay marami ang laman na polyphenols katulad ng epigallocatechin gallate o kilala rin bilang EGCC na makikita sa mga green teas.

Ang polyphenols ay mga natural antioxidants na makikita sa maraming plant-based na pagkain. Ang epigallocatechin gallate ay nabibilang sa catechin family. Ito ay may 3 penol rings at malakas na antioxidant na katangian. Ang epigallocatechin gallate ay isang pangunahing aktibo na sangkap sa dahon ng saging at mga green tea leaves.

ECO-FRIENDLY


Maraming tao ang gumagamit ng plastic o styrofoam plates sa paghanda ng pagkain. Gayunman, maaaring magamit ang dahon ng saging dito at nakabubuti pa ito para sa kalikasan. Nabubulok ito kaagad kung ikokompara sa mga plastic na tatagal ng mga daan-daan na taon bago tuluyan na malusaw.

HYGIENIC


Hindi mo na kailangan na masyadong linisin ang dahon ng saging, ang gagawin mo lang ay hugasan ito ng kaunting tubig at magagamit mo na ito. Mas malinis itong gamitin kesa sa mga makikita mo sa ibang mga kainan kung saan ang mga plato na ginagamit nila ay hindi wastong nalilinis.

CHEMICAL-FREE

Dahil ang mga metal plates ay madalas hinuhugasan gamit ang tubig at sabon, maaaring may tira-tira pa rin ng mga kemikal ng sabon dito na makakaapekto sa pagkain mo. Hindi mo na kailangan ang sabon para sa dahon ng saging, ang kailangan mo lang ay hugasan ito ng kaunting tubig at ligtas mo na itong magagamit.

PRACTICAL


Ang dahon ng saging ay malaki kaya marami kang mailalagay na pagkain dito. Ang dahon na ito ay water based din dahil sa waxy coating nito kaya malalagyan mo ito ng gravy na hindi ito nababasa.

ITO ANG ILAN SA PAKINABANG NG DAHON NG SAGING PARA SA BALAT:

Ito ay magagamit para humilom ang maliliit na mga sugat sa balat at iba pang kondisyon dito katulad ng dandruff, eczema at sunburn. Gamitin ang katas ng dahon para sa mga sugat. Maaari mo rin na ibabad ang mga dahon sa malamig na tubig at ilagay ito sa balat para sa sunburn.

Ang dahon ng saging ay magagamit para sa kagat ng insekto, bubuyog at gagamba. Puwede rin itong gamitin para sa pagpapantal at iritasyon sa balat. Ito ay kilala rin bilang isang natural na eraser.

Ang dahon ng saging ay may allantoin na pinapabilis ang paghilom ng mga sugat, pinapatay ang mga bakterya at pinabubuti ang paglaki ng mga bagong skin cells.
SPONSORED LINKS

0 comments