LABING-ANIM (16) NA HABITS O NAKASANAYAN NA GAWIN NG MGA TAO NA NABUHAY NG 100 TAON NA DAPAT MONG MALAMAN

SPONSORED LINKS
Ang buhay natin ang pinakamahalaga sa lahat. Lahat ng tao ay may kagustuhan na mabuhay ng matagal. Araw-araw, sa bawat sandali, ay pinag-iingatan natin ang ating sarili, at bakit nga ba? Ito ay dahil gusto nating mabuhay sa mahabang panahon at maranasan ang bawat ligaya at biyaya ng buhay. Hindi lahat sa atin ay pinagpalad na mabuhay kaya ituring mo ang sarili mo na swerte at nakita mo ang kagandahan ng mundo.



Nais ng maraming tao ang mabuhay ng matagal. Ang kahabaan ng buhay ay isang pangarap na hindi naluluma. Ang mga tao na nabuhay ng isang daang taon ay simple, masayang kasama, madalas na mahilig sa gulay at mas gusto ang hilaw na pagkain at minsan lang o hindi kumakain ng karne.

Hindi madaling makakita ng mga tao na nabubuhay ng ganito katagal. Sino nga ba ang hindi gusto sa mas mahabang buhay? Mas magkakaroon ka ng tiyansa na gawin lahat ng gusto at pangarap mo. Makita ang bawat sulok ng mundo, makilala ang maraming tao at maranasan ang bawat pagbabago ng panahon at teknolohiya. Pero paano nga ba mabuhay ng mas matagal at ano ang mga paraan para mapanantili ang mabuting kalusugan ng katawan?

ITO ANG ILANG MGA KAUGALIAN NA MAKAKATULONG PARA MAPAHABA ANG BUHAY:

Maging positibo. Ito ay isang mainam na kaugalian na dapat mo laging isipin. Ang saya ay nagdadala ng positibong kaisipan. Iwasan na mabuhay sa isang nakakalungkot o negatibong lugar at mabuhay ng matagal! Ang matibay at positibong kaisipan at gawain ay makakatulong para sa ikahahaba ng buhay mo.

Uminom ng maraming tubig.
Ang pag-inom ng tubig ay makakatulong para maiwasan ang dehydration ng katawan. Mas babata kang tingnan dahil dito at magiging mas makintab at malusog ang iyong balat. Hindi lamang ito para sa ikagaganda ng balat mo pero nakatutulong din ito sa katawan at para sa wastong pagtakbo ng mga organs para malabanan ang kahit anong karamdaman o sakit.

Kumain ng malulusog na pagkain.
Ang malusog na pagkain ay mabisang gamitin para sa ikahahaba ng buhay. Ang mga gulay at prutas ay dapat palaging nasa hapag kainan mo at iwasan ang mga karne. Sanayin ang sarili ng kumain ng mga raw o hilaw na mga pagkain tulad ng mga prutas. Dahil dito, madali mong makakamit ang mahabang buhay! Ano ba kung masarap kung hindi naman ito nakakapagpalusog na katawan?

Maging palakaibigan. Ang pagiging malapit sa mga tao ay mahalaga din para sa mahabang buhay. Ang interaksyon ay isang paraan para matutunan ang maraming bagay, magkaroon ng relasyon at magawa ng mga bago at masasayang karanasan. Nagdudulot ito ng kasiyahan at ito ang susi ng mas mahabang buhay.

Maging aktibo sa mga pisikal na gawain. Ang edad ay isang numero lamang, huwag mong payagan na pigilan ka nito na gawin ang mga bagay na gusto mo. Ang pagiging aktibo sa pisikal na mga gawain tulad ng pag-eehirsisyo ay magpapatibay at magpapalakas ng katawan mo.

Lumabas palagi. Kinakailangan ang vitamin D ng iyong katawan. Ito ay nakakatulong para mapahaba ang buhay ng isang tao. Mabisa itong panlaban sa mga sakit at mabibigyan ka rin nito ng mas batang itsura.

Wag magpapatalo sa stress.
Sa buhay mo, makararanas ka ng pagtaas at pagbaba. Ang pangangasiwa sa antas ng stress sa katawan ay isang epektibong paraan para mapanantili ang kalusugan ng katawan. Maiiwasan mo ang unti-unting pagkasira ng katawan dahil sa kondisyon na ito.


Mabuhay ng may hangarin. Iwasan ang mabagot at subukan ang mga bagong paraan para maaliw ang sarili. Gawin mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo para makalimutan mo ang iyong edad. Ang pagsubok sa mga bagong aktibidad ay mainam na paraan para mas lumawak ang iyong karanasan para maging malusog at mahaba ang iyong buhay.

Huwag manigarilyo. Ang paninigarilyo ay iniuugnay sa mga sakit at maagang pagkamatay. Mawawala ang halow sampung (10) taon sa buhay mo kung naninigarilyo ka, at kapag tumigil ka nito ay maaaring mapahaba mo pa ang iyong buhay ng 3.6 na taon. Hindi pa huli ang lahat at tigilan na ang paninigarilyo ngayon na!

Palaging uminom ng kape o tsaa. Ang pag-inom sa mga ito ay nagpapaginhawa sa katawan. Ang maginhawa na pakiramdam ng katawan, isip at kaluluwa ay isang kaugalian para sa ikahahaba ng buhay.

Kumain ng mas maraming mani. Ang mga mani ay marami sa protina at bitamina na nagpapalusog ng katawan. Isang pag-aaral sa Harvard sang nagsabi na ang mga kumakain ng mani ay mas humahaba ang buhay. Nakakatulong din ito para maiwasan ang kanser at mga sakit sa puso at baga.

Matulog ng maayos. Wala pang ikokompara sa mahimbing na tulog. Nagpapaginhawa ito ng katawan at nakababawas ng stress. Ang isang tao ay kailangan ng 8 oras na tulog bawat gabi para sa ikalulusog ng katawan, pero kung kulang ka oras dito ay subukan mo ang meditation para mabigyan ng katahimikan ang isip mo. Sa pamamagitan nito ay mas magiging masaya ka at makakalimutan mo ang iyong pagtanda!

Huwag umupo ng buong araw. Hindi nangangahulugan na dahil tumatanda ka na ay palagi ka na lang sa loob ng bahay at nakaupo sa isang sulok. Kung nakaupo ka palagi ay bibigat ang pakiramdam mo kung tatayo ka na. Hindi naman manunumbalik ang dating sigla ng mga cells sa katawan mo kung palagi kang nakaupo kaya mas magiging matanda ang iyong itsura. Ang simpleng paglakad-lakad bawat umaga o hapon sa paligid mo ay madaling gawin.

Magkaroon ng sariling alagang hayop. Ang pagiging pet owner ay isang prebilihiyo. Ito ay kaparehas ng pagkakaroon ng anak, dahil dito ay hindi mo mapapansin ang iyong pagtanda.

Lumakbay. Pumunta sa mga lugar na matagal mo nang gustong puntahan pero wala kang oras. Dapat mong maranasan ang kagandahan ng kalikasan. Langhapin mo ang sariwang hangin ng lahat na pinupuntahan mo. Maglakbay nang maglakbay para mas maging aktibo at mahaba ang buhay mo.

Manatiling young at heart. Hindi ka binibigyang kahulugan ng edad mo kung hindi ng personalidad mo. Maging bata sa puso mo para makalimutan mo ang iyong edad. Gawin ang mga bagay na ginagawa mo habang bata ka pa at ibuhos mo ang lahat na kakayahan dito.
SPONSORED LINKS

0 comments