LABING-ISA (11) NA NATURAL HOME REMEDIES PARA MATANGGAL LAHAT NG BED BUGS

SPONSORED LINKS
Ang mga bed bugs ay mga parasitiko na nabibilang sa cimicid family. Ito ay mga maliliit, hugis-itlog at kayumanggi ang kulay ng mga insekto na ang natatanging kinakain ay dugo. Kahit maraming klase ng parasitiko na nabibilang sa cimicid family na nabubuhay sa dugo ng hayop, ang cimex lectularius, na isang karaniwang pangalan ng bedbug, ay ang pinakapopular dahil mas gusto nito ang dugo ng tao. Ang adult bug ay may manipis na katawan na parang buto ng mansanas at kapag nabusog ito ay lomolobo ang katawan nito na pula ang kulay. Ang mga bed bugs ay madalas na hindi napapansin ng mga tao na sinisipsipan nito ng dugo.



Kahit itinuturing na mas aktibo ang bed bugs sa gabi, hindi sila mga nocturnal na hayop. Ang babae na bed bug ay kayang magsilang sa isang daan na itlog sa buong buhay nito. Ang mga itlog na ito ay karaniwang kasinglaki ng alikabok at maaaring makapasok sa bahay kasama ang mga adults sa kasangkapan, damit at iba pa. Hindi sila nakalilipad. Gayunman, mabilis silang nakakakilos sa sahig, pader at kisame. May ilang karamdaman na maaaring idulot ng kagat ng bed bugs tulad ng skin rashes, allergic symptoms at kahit mga psychological problems. Ang bed bugs ay nagdadala ng mga nakahahawang mga sakit.

MARAMI NA BA ITO SA BAHAY MO?


Ang pinakamatinding indikasyon kung marami na ito sa bahay mo ay kung sobrang nangangati ang katawan mo pagkagising sa umaga. Ang mga makating bahagi ng balat na ito ay parang mapupulang bukol. Maaaring may kaunting mantsa rin ng dugo sa kama mo at unan at kakaibang amoy sa mga ito na malakas senyales na kumakalat na ang bed bugs sa bahay mo.

Dahil ang bed bugs ay maninipis ang katawan, mas madali para sa kanila ang tumago sa mga maliliit na butas sa kama, box springs, bed frames at kahit sa headboards. Hindi sila gumagawa ng pugad pero mahilig silang magkumpol-kumpol. Sa kinalaunan, kung sobra na silang marami sa isang kuwarto ay maaaring kumalat na rin sila sa iba pang konektadong mga kuwarto.

Kung sa hinala mo ay kumakalat na ang mga ito sa bahay mo. Alisin lahat ng bedding at dust covers, mga blankets at iba pang katulad ng mga ito. Suriin kung may mga bed bugs ang mga ito o mga dumi nila. Kailangan mo rin na tingnan kung mayroon din nito sa paligid ng kama mo tulad ng mga libro, telepono, radyo, sa karpet at kahit sa mga saksakan ng mga appliances.

ITO ANG MGA PARAAN PARA MAPUKSA ANG MGA BED BUGS SA BAHAY MO:

Kung sigurado mo na na may bed bug infestation sa bahay mo ay maiisip mo agad na humanap ng paraan para maalis ang mga ito. Hindi ito madali at kailangan mo ng mahabang pasyensya at matinding preparasyon para maging matagumpay dito.

Para masimulan mo ang pagtanggal nito sa bahay mo ay linisin mo ang mga lugar kung saan sila mahilig manirahan. Marami kang gagawin dahil dito tulad ng paglaba sa mga kumot, kurtina at damit gamit ang mainit na tubig habang sinisigurado din kung wala na talaga itong bed bugs pagkatapos. Sunod ay ang heavy-duty vacuuming at madalas mo dapat itong gagawin sa mga kasangkapan sa bahay. Pagkatapos nito ay ilipat ang laman ng vacuum cleaner bag at itapon ito sa basurahan sa labas ng bahay.

Ang isa pang paraan para mapuksa ang mga ito ay sa pamamagitan ng sobrang lamig. Maaari nilang matiis ang malamig na kuwarto sa buong taon pero kung sobrang baba na ang temperatura tulad ng 17°C sa tagal na 2 oras ay mamatay na sila dito.

Ang steam o pagpapausok ay mabisa din para maalis mo ang mga ito sa bahay mo. Ang steam ay may kakayahan na pumasok sa mga maliliit na butas at hiwa kaya wala na silang pagtataguan. Ang steam cleaning ay kinakailangan ng 140°F o 60°C para mapuksa sila pati ang mga itlog nito at wala pa itong masisira na kahit ano sa paligid.

Ito ang mga home remedies na magagamit mo para mapuksa ang mga bed bugs:

Maaari mong subukan ang ilang natural na insect repellant para matanggal ang mga ito sa bahay mo pati na rin ang kanilang mga itlog. Para dito, ang mga essential oils na galing sa halaman ay maaaring magamit bilang natural na pesticide. May market value ang mga produkto na ito na umaabot sa $700 million. Ang kabuuang produksyon ng mga oils na ito sa buong mundo ay umaabot ng halos 45,000 tonelada. Ang mga essential oils na ito ay nakakaapekto sa cell membranes ng mga insekto na nagdudulot ng cytotoxic effects. Ang katangian nilang ito ang ginagamit bilang panlaban sa kahit anong bug infestation sa bahay o sa tao. Bukod dito, ang mga essential oils ay natuklasang nakakalason sa mga insketo pero ligtas o hindi nakasasama sa tao.

ITO ANG ILAN SA MGA NATURAL NA ESSENTIAL OIL BASED NA MGA PESTICIDES:

TEA TREE OIL SPRAY

Ayon sa mga pag-aaral, ang tea tree oil ay isang epektibong pesticide. Ang essential oil ng tea tree ay sinisira ang permeability barrier ng cell membranes ng mga insketong ito na nagdudulot ng kawalan ng chemiosmosis control at kanilang pagkasawi. Ang membrane-damaging na laman ng tea tree oil ang dahilan kung bakit isa itong epektibong pesticide na panlaban sa mga bed bugs. Magagamit mo ito sa mga homemade spray para madaling maabot ang mga lugar na madalas nilang pagtaguan tulad ng mga biyak, awang at koneksyon sa mga kasangkapan.

Paano ito gamitin?


Para makagawa ng isang natural na pesticide gamit ang tea tree oil, ihalo ang 2 teaspoon nito sa halos 50ml na tubig. Ibuhos ito sa isang spray bottle at ihalo ng mabuti. Gamitin ito sa mga lugar kung saan alam mong madalas na pagtaguan ng mga insektong ito. Gawin mo ito araw-araw hanggang mawala na silang tuluyan. Kalugin mo ito ng mabuti bago gamitin.

LAVENDER OIL


Katulad ng tea tree oil, ang lavender essential oil ay magagamit din bilang natural na pesticide para sa mga bed bugs na ito. May kakayahan din itong sirain ang mga itlog ng mga insektong ito. Pati ang amoy nito ay kaya silang patayin. Gumagana ito bilang cytotoxic na delikado para sa kanila.

Paano ito gamitin?

Para makagawa ka ng spray gamit ito, ihalo ang hindi kukulang sa 10-15 patak ng lavender oil sa halos 50ml ng tubig. Ihalo ng mabuti bago ilipat sa isang spray bottle. Gamitin sa mga lugay kung madali mong makikita ang infestation. Maaari ka ring gumamit ng lavender soap o powder para sa spray. Ang isa pang paraan ay ang paglagay ng mga sariwang dahon ng lavender o bulaklak nito sa paligid ng mga infested areas para mapuksa ang mga bed bugs dito.

Ang kombinasyon ng lavender oil at peperment oil ay napag-alaman na mabisa din para sa ikapupuksa ng mga insekto na ito.

Paano ito gamitin?


Maglagay lamang ng 10-15 patak ng lavender essential oil at 10-15 patak ng peppermint oil sa isang spray bottle. Dagdagan ito ng tubig at kalugin ng mabuti bago gamitin sa mga apektadong lugar.


CITRONELLA SPRAY

Ang citronella o kilala rin bilang lemongrass ay isa ring klase ng essential oil na may kakayahang pigilan ang pagkalat ng bed bugs pati ng mga itlog nito. Pinatataas nito ang acidic condition sa loob ng katawan ng mga insektong ito. Katulad ng lavender, ang amoy ng citronella ay may kakayahan din na patayin ang mga insektong ito.

Paano ito gamitin?

Maglagay ng 10 patak ng citronella essential oil sa isang maliit na bowl na puno ng tubig bago ito ilipat sa isang spray bottle. Kalugin ng mabuti bago gamitin sa mga apektadong lugar.

EUCALYPTUS OIL SPRAY

Ang palaging berde at matitibay na puno ng eucalyptus ay makikita sa halos lahat ng lugar sa buong mundo. Ang essential oil ay na makikita sa dahon nito ay madalas ginagamit sa mga pagkain, sa mga gamot, pabango at iba pa. Ginagamit din ito bilang pesticide. Ang eucalyptus ay nagpapakita ng ovicidal activity, at kayang puksain ang mga bakterya, fungi, insekto, mga damo at mga nematodes at anay.

Paano ito gamitin?

Para makagawa ka ng sarili mong spray gamit ito, ihalo ang mga 30 patak ng eucalyptus oil sa 1 ounce na tubig at 1.5 ounces ng witch hazel o vodka. Paghaluin silang mabuti bago ilipat sa isang spray bottle. Gamitin ito sa mga apektadong lugar ng mga 2 oras.

ESSENTIAL OILS OF ORANGE
Ang orange oil ay gawa sa d-limonene na itinuturing na isang insecticide. Isa itong nerve toxin na kayang patayin ang mga insekto sa loob lang ng ilang minuto.

Paanot ito gamitin?

Gumawa ng spray gamit ito sa paghalo ng mabuti sa isang tasa ng compost tea sa 1 ounce ng blackstrap mollaes at 2 ounces ng orange essential oil sa 4 litrong tubig. Ilipat ito sa isang spray bottle bago gamitin sa mga apektadong lugar sa bahay.

NEEM OIL

Sa nakalipas na mga siglo, ang neem oil ay ginamit bilang panlunas at bilang isang insect repellant. Ang puno, dahon at buto nito ay ginagamit bilang panlunas sa mga karamdaman. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang neem oil, lalo na ang cold pressed neem oil ay mataas ang toxicity at anti-feedancy na makakapuksa sa maraming klase ng insekto.

Paano ito gamitin?


Para makagawa ng sarili mong spray gamit ito, ihalo lamang ang 1 ounce ng concentrated neem essential oil sa ¾ ounces ng tubig. Dagdagan ng ½ teaspoon na sabon para bumula ang solusyon. Ihalo silang mabuti. Gamitin ito bilang spray sa kama, kumot, pader at mga bitak na madalas pagtaguan ng mga bed bugs. Gawin ito uli ng 3 beses sa isang araw sa unang 3 araw bago gamitin na naman pagkatapos ng 18 na araw.

SWEET FLAG


Ang sweet flag ay kilala din bilang acorus calamus, isan itong kakaiba, semi-aquatic at perennial na halaman na makikita sa Eurasia at sa America. Pinahahalagahan ito dahil sa rhizome at fragrant oils nito na magagamit bilang medisina at insect repellant. Meron din itong antifungal at antibacterial na katangian na mabisang gamitin para mapuksa ang mga bed bugs.

Paano gamitin?

Para makagawa ng spray, pakuluan ang 100 grams ng sweet flags at mga 50 grams ng turmeric powder sa 1 litro na tubig. Pakuluan ito ng isang oras at itago ang solusyon na ito sa nakatakip na lalagyan sa loob ng 24 oras. Sa kasunod na araw, salain ito at palabnawin ang solusyon gamit ng 10 beses gamit ang tubig. Ilipat ito sa isang spray bottle at gamitin sa mga apektadong lugar.

BEAN LEAVES


Ipinakita ng mga pag-aaral na ang been leaves ay may microscopic na mga buhok na kung tawagin ay trichomes na makakapigil sa pagkilos at pagkalat ng mga insekto.

Paano ito gamitin?


Magkalat lamang ng dahon na ito sa buong bahay mo, lalo na sa mga apektadong lugar. Maaari mo rin itong ilagay sa ilalim ng mga kumot. Maghintay ng ilang araw bago alisin ang mga dahon o palitan ng mga sariwang dahon araw-araw. Dahil hindi na makagalaw ang mga ito kung napunta ito sa mga dahon ay kapag tinapon mo ang mga ito ay hindi na babalik ang mga insektong ito sa bahay mo.

THYME

Ang thyme oil o tinatawag din na thymol concentrate ay epektibong gamitin bilang bed bugs pesticide. Mabisa din ito para maalis lahat ng itlog ng mga inesktong ito pati mga itlog ng anay.

Paano ito gamitin?

Italoy ang isang thyme stick gamit ang isang tela na gawa sa cotton at sunugin ito sa apektadong lugar o kuwarto. Ang isa pang paraan na magagamit mo ay ang paglagay ng dahon ng thyme sa net bags at ilagay ito sa paligid ng mga apektadong lugar. Siguraduhin mo lang na palitan ng mga bagong dahon ang laman ng net bags bawat pangatlong araw. Ipagpatuloy mo ito ng isang buwan hanggang wala na lahat ang bed bugs.

CLOVE

Pinaniniwalaan na ang acidic pH ng cloves at ang matapang na amoy nito ay may kakayahan na patayin ang mga bed bugs.

Paano ito gamitin?


Ihalo ang 1 teaspoon ng clove essential oil sa 1 tasa ng tubig. Ilipat ito sa isang spray bottle at gamitin sa mga apektadong lugar.

DIATOMACEOUS EARTH


Ang diatomaceous earth o tinatawag din na DE ay isang non-toxic na insecticide na magagamit para sa proteksyon ng mga nakatagong produkto para makontrol ang pagkalat ng mga pesteng insekto sa bahay at hardin. Hindi ito nakasasama sa kalikasan at tao. Magagamit ito sa kahit saan lalo na sa mga bitak sa pader at iba pang mga lugar na mahirap abutin. Ang DE ay makukuha sa anyo na pinong crystalline powder. Hindi ito nakaiirita sa mata pero mabisa para mapuksa ang mga bed bugs.

Paano ito gamitin?

Wisikan ng DE ang kama, sahig, mga bitak at mga lugar kung saan naninirahan ang mga insektong ito. Pabayaan ito ng hindi kukulang sa 3 araw bago ito linisin gamit ang walis o vaccuum. Magagamit mo rin para sa mga insektong ito ang baking poweder at boric powder. Ang boric powder ay medyo toxic pero ang baking powder ay ligtas para sa tao.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments