LABINLIMANG (15) PARAAN PARA MAGAMIT ANG BAKING SODA NA DAPAT MALAMAN NG LAHAT NG KABABAIHAN

SPONSORED LINKS
Ang mga kababaihan ay kilalang maselan at maarte pagdating sa kanilang mukha, balat, itsura at lalo na sa personal na kalusugan. Kahit marami sa kanila ang alam na ang tunay na kagandahan ay nasa puso ay inaayos pa rin nila ang kanilang sarili para maging mas presentable sa mga tao.



Takot silang mapansin dahil sa kanilang pisikal na anyo at madalas itago ang sarili kung may problema sila dito. Dahil dito, palagi silang naghahanap ng mga solusyon sa mga nabibiling beauty at skin products na mas lalong nakasasama dahil sa laman nitong mga kemikal. Sa kabuthinang palad, ang baking soda o kilala rin bilang sodium bicarbonate ay natuklasan na may kakayahan na hindi lamang para mapabuti ang kalusugan ng isang tao ngunit magagamit rin para sa mapaganda ang kanilang mga itsura.

Maraming tao na ang nagpapatunay ng pagkabisa ng baking soda simula pa noong panahon ng sinaunang Egypt. Ang bilang ng nakamamanghang pakinabang nito ay umabot na sa 300 na paraan, na ginamit na ng karamihang maybahay sa matagal na panahon. Sa tulong ng artikulong ito, matututunan mo ang labinlimang (15) sikat na kagamitan ng baking soda.

Ang baking soda ay sobrang mura at madaling makita sa kahit saang supermarket o drug stores na malapit sa paligid mo. Iilan lamang ang bahay na wala nito. Maraming tao ang nagtatanong kung ang baking soda ay ginagamit lamang sa baking, pero sa katotohanan, ang multipurpose at murang sangkap na ito ay hindi lamang ginagamit para maisan ang sintomas ng heartburn o makagawa ng pies ngunit ginagamit din ito bilang panlunas sa maraming uri ng sakit o karamdaman kahit sa pagbawas ng timbang o pagpapapayat.

Ginagamit din itong panlinis sa loob ng bahay lalo na sa mga kasangkapan. Nakakatulong din ito para mapalayas ang mga hindi kaaya-ayang mga insekto na umaaligid sa buong tahanan. Iwasan ang paggamit sa mga nabibiling mga cleaners dahil punong-puno ang mga ito ng mga delikado at nakasasamang mga kemikal na magdudulot ng sakit at magdaragdag pa ng polusyon sa loob ng bahay. Maaari ka nang mabuhay ng tahimik at walang inaalala dahil nakamamanghang produktong ito, ang baking soda.

Bago maging huli ang lahat, umpisahan na ang paggamit sa baking soda sa lahat ng dako ng bahay mo para na rin sa personal na kalusugan mo. Magagamit mo rin itong pampalit sa ilang mga beauty at cosmetic products. Isang halimbawa ay ang paggamit ng baking soda para sa balat, buhok at para sa mga tao na nahihirapan tanggalin ang mga stretch marks at dilaw na kulay ng ngipin.

ITO ANG ILANG PAKINABANG PARA SA KALUSUGAN NA MAAARI MONG MAKUHA SA PAGGAMIT NG BAKING SODA:

1. Natural Deodorant


Marami na ang nagpadala sa paggamit ng mga nabibiling mga deodorants na may mga kemikal na nakasasama sa kalusugan at balat at bibigyan lamang ang isang tao ng mga hindi kanais-nais na mga epekto. Para mas ligtas, subukan mong gumamit ng baking soda.

2. Insect Bites


Ang kagat ng mga insekto ay masakit at makati kaya sobrang nakaka-irita para sa isang tao. Para maibsan ang nararamdaman na iritasyon at sakit dahil dito, lagyan ng kaunting paste na gawa sa pinaghalong baking soda at tubig ang mga apektadong bahagi ng katawan. Mapapansin mo na ang pangangati ay unti-unting nawawala rin.

3. Heartburn

Ang baking soda ay isa sa pinakanatural at epektibong paraan para maibsan ang nararamdaman dahil sa heartburn pagktapos ng isang malaking pagkain.

4. Scrub

Nakakagulat pero maraming tao ang hindi alam pero ang baking soda ay magagamit din para sa balat bilang isang all natural body scrub. May kakayahan itong tanggalin ang mga patay na layers ng balat na magbibigay ng masigla, makintab at makinis na balat. Magagamit din ito para sa wrinkles, blackheads at kahit acne at tarnished skin.

5. Hair


Kung ginamit ang baking soda bilang shampoo sa buhok, magbibigay ito ng makintab, matibay at parang inayos sa salon na buhok. Mas mapapabilis din nito ang paghaba ng buhok kompara sa paggamit ng ordinaryong shampoo.


6. Stretch Marks

Ang baking soda ay magagamit din para sa balat lalo na sa mga bahagi na may stretch marks na mahilig itago ng mga tao. Mababawasan nito ang stretch marks at sa kinalaunan ay tuluyan itong maglalaho.

7. Bad Breath

Mabisa ng gamitin ang baking soda para mabawasan ang mga sintomas na may kaugnayan sa bad breath. Mabibigyan ka nito ng sariwa at preskong hininga. Nilalabanan din nito ang mga bakterya na makikita sa loob ng iyong bunganga.

8. Rough Skin


Ang magaspang na balat o anit ay isang pangkaraniwang problema ng mga kababaiha. Sa kabutihang palad, magagamit ang baking soda para dito para mabawasan ang sobrang gaspang ng balat sa pamamagitan ng isang scrub na gawa sa baking soda. Maaari mo ring subukan ang pagsuot ng medyas na may laman na baking soda para tuluyang mawala ang hindi kaaya-ayang kondisyon na ito.

9. Stains

Ang mga mahihirap tanggalin na mantsa ay simple lamang para sa baking soda.

10. Smell of the Fridge


Ang mabahong amoy ng pridyeder o fridge ay hindi mabuti sa pang-amoy at ang masama pa ay ito ang lugay kung saan nilalagay natin ang ating pagkain. Para mawala ang masamang amoy ay maglagay lamang ng bowl na puno ng baking soda sa loob ng fridge.

11. Jewelry

Gusto mo bang manumbalik ang dating kinang ng mga alahas mo? Huwag kang mag-alala dahil maaasahan mo ang baking soda para dito. Ilagay lamang ang alahas sa pinaghalong baking soda at tubig para maging mas makintab at magmukhang bago ang mga ito.

12. Abscesses


Magagamit ang baking soda para mabawasan ang pamamaga at sakit na nararamdaman dahil sa abscesses kaya giginhawa ang pakiramdam mo.

13. Sunburn
Ang sakit at iritayson na dulot ng sunburn ay kayang maibsan sa tulong ng paglagay ng baking soda sa mga apektadong balat sa buong magdamag.

14. Peas at Beans Softener


Para maging malambot ang mga gulay mo sa pagluto ay ilagay lamang ito sa isang pan na may laman na pinaghalong tubig at baking soda. Ang mga peas at beas ay mabilis na lalambot dahil dito.

15. Teeth Whitener


Dagdagan lamang ng kaunting baking soda ang toothpaste at gamitin ito para sipilyuhin ang ngipin para mabilis na paputiin ang mga ito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments