MAAARING MAKITA SA MUKHA MO KUNG MAY SAKIT ANG KATAWAN MO ANG KUNG ANO ANG MAGAGAWA MO PARA DITO

SPONSORED LINKS
Ang mundo ay puno ng iba’t ibang magkakaiba na tradisyon at kultura na may sari-sarili nilang paran para magawan ng lunas ang maraming klase ng karamdaman at sakit sa katawan. Ang ilan sa mga ito ay ginagawa pa rin hanggang ngayon, pero kasamaang palad ang karamihan dito ay nalilimutan na dahil sa paglabas ng mga panibagong mga medisina at kagamitan. Kahit ang siyensiya sa kasalukuyan ay walang tiwala sa karamihan sa makalumang mga paraan ng panggamot na mga ito ay hindi pa rin maipagkakaila na epektibo ang mga ito.



Ang isa sa nakamamanghang paraan na ito ay ginamit ng mga ancient Chinese healers sa panahon na walang mga komplikadong mga kagamitan at teknolohiya at dahil dito ay madali nilang nalalaman ang iba’t ibang karamdaman ng tao sa pamamagitan lamang ng pagsusuri sa mukha ng kanilang mga pasyente. Ayon sa kanila, ang mga problema sa balat katulad ng pamumula, pagkatuyo at kahit ang acne ay direktang nangyayari dahil sa mga problema na may kaugnayan sa organs sa loob ng katawan. May mga pagkakataon na muntik na itong lubos na makalimutan pero ang face mapping technique na ito ay naging sikat sa panahon niya bilang isa sa pinakamabisang paraan para malaman ang kondisyon ng kalusugan ng isang tao.

Ang face mapping ay isang paraan kung saan binabasa ang mga kondisyon sa mukha at kung saang parte ito nangyayari, lalo na pagdating sa acne para malaman kung ano ang karamdaman ng katawan. Ito ay isang ligtas at non-invasive na paraan na mabilis na makakakita ng mga kilalang mga sakit para maagapan ang mga ito at mabigyan ng lunas. Naisip ang paraan na ito dahil sa paniniwala na ang lahat ng orgas sa loob ng katawan ay konektado sa isa’t isa at ang mariing pagsusuri sa mukha ay makakatulong para malaman kung may sakit nga ang isang tao.

Maraming tao ang hindi alam ito pero ang mga bahagi ng katawan ay natural na konektado sa isa’t isa, at kung may problema ang isa ay maaaring maapektuhan din ng husto ang iba.

Sa makalumang medisina ng Chinese, ginagamit nila ang mukha bilang instrumento sa pagtukoy ng mga posibleng sakit sa katawan ng tao. Sa kabutihang palad, mababasa mo sa artikulo na ito kung papaano mo magagamit ang paraan na ito para malaman kung may sakit kang nararanasan sa katawan mo. Simple lamang ito at ang kailangan mo lang ay basahin ang impormasyon sa baba at gumamit ng salamin para pagmasdan ang muka ho.

ITO ANG GABAY PARA MAKITA ANG MGA HEALTH ISSUES GAMIT ANG FACE MAPPING TECHNIQUE:


ACNE SA PISNGI

Paninigarilyo
Madalas na paghawak sa mukha
Akumulasyon ng bakterya
Hindi mabuting sirkulasyon

ACNE SA T-ZONE

Akumulasyon ng bakterya
Sobrang sa iniinum na kape
Sobrang alak
Stress
Paninigarilyo

ACNE SA BABA, PANGA O NECKLINE

Sobrang intake ng starch
Sobrang pagkunsumo ng processed sugary
Candida infections
Hormonal Issues
Isyu sa bladder at small intestines, acne sa noo

Madalas ang breakouts ng acne ay nangyayari sa noo at maaaring konektado sa problema sa bladder at small intestines katulad ng water infections.


FACE MAPPING PARA MALAMAN ANG APEKTADONG ORGAN

Importante na malaman mo kung ano ang talagang dahilan ng acne mo at ang eksaktong lokasyon kung saan sila sa mukha ay magsasabi sa iyo kung ano ang mga organs na may problema para malaman mo ang sakit o karamdaman na nararanasan mo.

ATAY, ang bahagi sa pagitan ng mga kilay

Kung isa ka sa mga tao na mahilig kumain ng karne, ay may posibilidad na masyadong nahihirapan sa pagtunaw ng mga ito ang tiyan mo at dahil dito ay baka mangyari ang isang acne breakout. Para maresolbahan ang problemang ito ay kumain ng malulusog na nakapokus sa pagkain ng mga sariwa at hilaw na prutas kasama ang mga gulay. Iwasan na kumain ng mga processed foods at pag-inom ng alak. Lumabas ng bahay paminsan-minsan para makalanghap ng sariwang hangin ng ilang minuto.

KIDNEYS, Sa paligid ng mata at kilay

Ang pagkalat ng acne sa mga parteng ito ay baka dahil sa malnutrition at dehydration. May ilang pagkakataon din na dahil ito sa hindi maayos na sirkulasyon at mahina na puso. Nangyayari ito sa sobrang pagpapabaya sa kalusugan katulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo. Para mapigilan itong mangyari, uminom ng maraming tubig arwa-araw at iwasan ang caffeinated drinks at alak.

KIDNEYS AT BAGA, pisngi

Ang malaking parte ng mukha ay ang mga pisngi kaya kung may problema dito ay madaling makikita. Kung nagkaroon ng isyu dito ay maaaring may kaugnayan ito sa bato at baga. Madalas ang dahilan kung bakit ito nangyayari ay dahil sa poor dental hygiene. Para maiwasan ito, palaging magsipilyo at mag-floss ng ngipin. Iwasan din na kumain o uminom ng marami sa sugar.

BAGA
, itaas na bahagi ng pisngi

Karamihan sa mga tao na naninigarilyo o madalas nakababad sa polusyon sa hangin ay makararanas ng pagkalat ng acne sa itaas na bahagi ng kanilang pisngi. Dahil nangyayari ito dahil sa sobrang polusyon sa hangin, ang kailangan mo lang gawin ay iwasan na mapunta sa mga lugar na hindi malinis ang kapaligiran o hangin. Iwasan din ang paninigarilyo para mapabuti ang kalagayan ng iyong kalusugan.

TIYAN, sa bibig at sa baba

Ang acne breakout na makikita sa bibig at baba ay isang indikasyon na nakararanas ka ng problema sa tiyan mo. Kung isa ka sa mga tao nahihirapan sa digestion at mapansin mo ang paglabas ng mga acne sa nasabing parte ng mukha ay maaaring dahil ito sa sobrang kaiinom ng alak at madalas na pagkain ng mga fatty o sugary foods. Bago maging huli ang lahat, iwasang ang mga pagkain na ito at samahan ng fermented foods ang daily diet mo para magawan ng lunas ang isyung pangkalusugan na ito.

PUSO, paligid ng ilong

Kung biglang namula at namaga ang ilong mo, maaaring dahil ito sa mga health issues sa dibdib, partikular sa iyong puso. Ang ilong ay pinaniniwalaang direktang may kaugnayan sa puso kaya kung nagkaroon ka ng acne dito ay dapat iwasan mo na ang mga pagkain sa sobrang dami sa asin. Kumain ng malusog at mag-ehersisyo araw-araw.

HORMONES, sa leeg at panga

Ang hormones ay responsable sa pinakagrabe na acne breakouts. Ang acne na makikita sa mga parteng ito ay karaniwang resulta ng hormonal imbalance. Konektado ito sa paggamit ng ilang uri ng medikasyon o pill na nagdudulot ng ganitong uri ng kondisyon. Sensitibo ang bagay na ito kaya bumisita sa doktor para malaman mo kung babaguhin mo ang medikasyon na ginagamit mo. Para maitama ang hormones mo, ang kailangan mo lang gawin ay limitahan ang salt at caffeine intake mo. Kailangan mo rin na kumain ng malulusog na pagkain.

BLADDER AT SMALL INTESTINE, noo

Ang acne na makikita sa noo ay hindi kaaya-ayang tingnan. Kung meron ka nito ay nangangahulugan na kumakain ka ng sobra na processed at fatty foods o yung mga mababa ang laman na fiber. Bukod dito, ang sobrang pag-inom ng alak at pagkakaroon ng matinding stress ay maaaring maging dahilan din nito. Sa kinalaunan ito ay magreresulta sa poor digestion, toxic accumulation at dehydration. Para maresolbahan ang isyu na ito, uminom lamang ng hindi kukulang sa 10-12 baso ng tubig araw-araw at iwasan ang alak at processed foods.
SPONSORED LINKS

0 comments