MABILIS NA PANLUNAS PARA SA UBO AT BRONCHITIS NA GAWA SA CABBAGE LEAVES AT HONEY

SPONSORED LINKS
Ang dry cough ay isang sobrang nakakairita na karamdaman, mahirap itong gamotin kahit gumamit na ng nireseta sa iyo ng doktor.



Ang bronchitis ay ang pamamaga ng lining sa bronchial tubes. Ang mga tubo na ito ang nagdadala ng hangin papunta at palabas ng baga. Ang mga tao na may bronchitis ay madala na may paulit-ulit na ubo na naglalabas ng makapal at iba ang kulay na sipon o uhog. Mararanasan din nila ang sobrang pagbabahing, pananakit ng dibdib at kakulangan ng hininga.

Ang bronchitis ay maaaring maging acute o chronic. Ang acute bronchites ay nangyayari dahil sa sipon o mga respiratory infection na maaaring bumuti ng sarili niya pagkalipas ng ilang araw na walang matagalan na epekto. Ang chronic bronchitis ay mas sersyoso at unti-unting nangyayari hanggang bigla na lang umatake. Maaari itong maulit ng ilang buwan o taon. Ang madalas na pamamaga ng lining sa bronchial tubes ay nagdudulot ng akumuasyon ng sobrang dami na malapot na sipon sa dinadaanan ng hangin. Hinaharangan nito ang pumapasok at lumalabas na hangin sa baga. Ang bara na ito ay maaaring lumala sa paglipas ng panahon, at magdudulot ng kahirapan sa paghinga at mas maraming mucus sa baga.

Maniwala ka man o hindi, may isang panlunas dito na gawa lamang sa dahon ng repolyo at pulot. Lubos ito na natural at napaka-epektibo para malabanan ang mga sakit na nabasa mo sa taas.

Ang maganda sa resipe na ito ay puwede itong gamitin ng kahit anong gulang na tao at epektibo para sa lahat ng bata, nakakatanda at kahit mga buntis na babae.

Mga sangkap:
Cabbage
Honey

Preparasyon:

Dahan-dahan mong tanggalin ang dahon sa repolyo. Ilagay ito sa kumukulo na tubig ng ilang minuto – hanggang uminit at lumambot ang mga ito.

Paggamit:

Magpahid ng kaunting honey sa isang bahagi ng dahon at ilagay ito, honey-side down sa dibdib ng pasyente.

Gumamit ng nylon para itali ang mga dahon at balutan ito ng tela o tuwalya. Dapat mo itong gawin bago matulog ang pasyente.

Kung matindi ang ubo, maaari kang gumamit ng dalawang sheets ng cabbage, isa sa dibdib at isa sa likod. Tanggalin ang mga ito sa sususnod na umaga.

Kapag natanggal mo na ang mga ito, hugasan ang balat para maalis ang mga tira-tira nito.

Kung nasa maagang yugto pa lang ang bronchitis, mas mabilis na bubuti ang kondisyon ng pasyente. Ang treatment na ito ay dapat gawin sa tagal ng 5-7 na gabi, at pagkalipas ng panahon na ito ay maaaring wala na ng lubusan ang ubo.

Ang dahilan kung bakit epektibo ito ay dahil sa aktibong mga sangkap na makikita sa repolyo at pulot, kasama ang init, ay mabilis nito na matatanggal ang ubo at pamamaga sa katawan.

Karagdagang impormasyon: Maaari mo rin na palitan ang honey ng castor oil habang ginagamit ang panlunas na ito.


CABBAGE AT HONEY REMEDY PARA SA MGA BATA

Maselan ang katawan ng mga bata pagdating sa mga medikasyon na galing sa pharmacy at maaaring magbigay pa ito ng mga hindi kanais-nais na epekto. Ang simple at natural na folk remedy na ito ay madaling aalisin ang pag-uubo sa kapag naagapan ang sakit na ito.

Gamitin lamang ang panlunas na ito bilang isang alternatibo na paraan para sa ubo ng bata. Mas mainam kung pupunta ka kaagad sa doktor para maiwasan ang paglala ng malulubhang mga sakit.

Maaari kang gumamit ng isang sheet ng honey sa likod o dibdib ng bata kung hindi sila allergic sa honey, at kailangan din na hindi sila apektado ng dry cough habang mababa pa ang temperatura ng kanilang katawan. Gawin mo ito sa gabi at marahan sa paglagay nito. Sa umaga, lalambot na ang ubo at mas mabuti nang nakakapasok at nakakalabas ang hangin sa katawan ng bata.

Ang cabbage leaf na may honey ay maaaring palitan ng cake kung sensitibo ang balat ng bata. Para magawa ito, gumawa ng mixture sa honey at cabbage. Gumamit ng 2 tablespoon ng honey sa bawat isang sheet. Ipatong ito sa isang napkin na gawa sa gauze na bumubuo ng maraming layers, takpan ng kaparehas na layer ng gauze at ilagay sa dibdib o likod na parang mustard plaster. Ang compress na ito ay dapat nakalagay ng isang oras bago tanggalin, linisin ang parte na ito gamit ang isang basa na tuwalya.

Maaari din itong magamit sa anyo ng decoction na maaaring ibigay na mainit sa bata sa dami na 1 tablespoon na may kasama na kalahati sa kutsara na pulot.

CABBAGE AT HONEY PARA SA MGA BUNTIS

Ang pag-uubo habang buntis ay masama ang epekto sa katawan ng babae, napupuwersa ng todo ang mga organs at abdominal wall dahil sa matinding pag-ubo at maaaring maka-apekto sa kalagayan ng sanggol o magdulot ng miscarriage. Delikado ito kapag ito ay dulot ng pamamaga sa lower at upper respiratory tract sa kahit ang yugto ng development nito. Kahit simple lamang ang mga sintomas ng isang acute respiratory infection o sipon ay pumunta kaagad sa doktor.

May mga panahon sa pagbubuntis kung kailan ang mga medikasyon ay maaaring maging contraindicated at hindi magiging posible ang paggamit sa mustard plasters, kaya bilang alternatibo maaaring gumamit ng dahon ng repolyo. Habang buntis ang babae, maaari itong ilagay sa suso bilang compress sa halip na mustard plaster.

Kung buntis ang babae, bago gumamit na kahit anong medikasyon o panlunas ay kumunsulta muna sa doktor.

Ang cabbage leaf ay maaaring magdulot minsan ng isang matinding allergic reaction kaya hindi dapat ito gamitin sa isang tao na may alerhiya sa mga ganitong bagay.

MGA LIMITASYON SA PAGGAMIT NG DAHON NG REPOLYO:

Huwag itong painitan ng masyado.
Huwag itong ilagay sa balat na may mga pantal o sugat.
Huwag itong ilagay sa mga bahagi na may enlarged lymph nodes.
SPONSORED LINKS

0 comments