MAS MABUTI NA IWASAN ANG GINGER O LUYA KUNG MAYROON KA NG LIMANG (5) KONDISYON NA ITO

SPONSORED LINKS
Naging sikat ang ginger dahil sa maraming pakinabang nito sa kalusugan. Nakakapagpalakas ito ng immunity, tumutulong sa digestion at pinapanatili ang wastong antas ng blood pressure. Ang ginger ay madalas na ligtas gamitin ng mga tao na walang naidudulot na side effects.



Pero para sa ilang mga karamdaman at kondisyon ay maaaring makapagpalala ito. Kahit puno ito ng nutrisyon ay may ilang kondisyon na pangkalusugan ang magpapataw ng limitasyon o pagtigil sa pagkunsumo dito.

Ang ginger ay hindi makakabuti para sa iyo kung nakararanas ka ng isa o mas marami pa na mga kondisyon na mababasa mo sa baba.

1. KAPAG IKAW AY SOBRANG PAYAT
Ang ginger ay nakakatulong sa pagpapapayat sa mga tao na may diabetes, obesity at hypoglycemia. Isang pag-aaral ang nakatuklas na ang paggamit ng ginger extract ay sobrang binawasan ang timbang ng isang tao at antas ng lipids sa katawan niya.

Pinatataas din nito ang PH ng tiyan para maging mas aktibo ang digestive enzymes dahil sa high fiber content nito. Kapag mas mabuti ang pagproseso ng katawan sa malalaking parte ng kinain nito ay magreresulta ito sa pagbaba ng timbang.

Ang ginger ay magagamit din para mabawasan ang kagustuhan na kumain kaya nagdudulot ito ng karagdagang weight loss sa mga matataba na tao. Ito ang dahilan kung bakit hindi mo ito dapat gamitin kung ikaw ay sobrang payat na at maaaring magresulta ito sa poor muscle mass, paglagas ng maraming buhok, irregularities sa menstrual cycle at iba pa. Para makaiwas sa karagdagang komplikasyon, limitahan o iwasan ng lubusan na kumain ng luya.

2. PAGKAKAROON NG BLOOD DISORDER

Ang ginger ay nakakapagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo sa katawan. Mabubuksan nito ang makikipot na blood vessels para mas maraming dugo ang makadaan dito. Mabisa itong gamitin kung may sakit ka sa puso o sobrang taba. Pero masama ito para sa mga tao na may problema sa dugo.

Isang halimbawa ay ang hemophilia A, ito ay isang pambihira na sakit na nagdudulot ng mas matagal na pagdurugo sa isang tao. Maaari itong mangyari sa loob ng katawan ng tao, sa mga kasukasuan o kalamnan o sa labas galing sa sugat o hiwa sa balat. Sa mga kaso na ito, inirerekomenda na iwasan na lang ang luya dahil mas palalakasin nito ang pagdugo at baka mapahamak ka pa lalo.

Ang hemophilia ay isang rare genetic disorder kung saan ang walang pamumuo ng dugo o blood clot ang mangyayari o kung meron man ay maliit lang. Ang ibig sabihin nito ay kahit maliit lang ang sugat ay matinding pagdurugo na ang mararanasan dito.

3. PAGIGING BUNTIS


Ang pagiging buntis ay hindi isang kondisyon na pangkalusugan pero mariin na inirerekomenda na iwasan ang ginger kung may dinadala kang sanggol. Maaaring ligtas pa rin itong gamitin sa unang mga buwan ng iyong pagbubuntis. Baka makatulong pa ito sa pagkahilo at pagsusuka sa early pregnancy. Subalit sa mga huling buwan, dapat itong iwasan dahil baka maka-isturbo ito sa mineral absorption ng katawan katulad iron at iba pang mga kinakailangan na bitamina ng katawan.

Kahit magagamit ito sa pagkahilo sa mga buntis na babae ay dapat din na malaman ng tao ang masamang epekto nito. Ayon sa ilang mga eksperto, ang pagkunsumo sa luya ay patataasin ang tiyansa ng miscarriage. Hindi ito delikado sa dosis na mababa pa sa 1500mg bawat araw pero para makasigurado ay kailangan mong kunsultahin ang doktor mo.

Bukod dito, dahil ang ginger ay nakakapagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo, mas tataas din ang posibilidad ng bleeding. Kung gusto mong ipagpatuloy na gumamit ng luya sa mga kinakain o supplements mo ay dapat ka muna na magtanong sa doktor mo.



4. PAGGAMIT NG ILANG MGA MEDIKASYON


Ang mga tao na gumagamit ng medikasyon para sa high blood pressure o diabetes ay dapat mag-ingat sa paggamit ng ginger sa kanilang mga kinakain. Ang ginger ay masama ang magiging epekto sa kanilang katawan dahil sa blood thinning at lowering properties nito. Ang epekto ng ginger ay babawasan ang bisa ng mga medikasyon na ginagamit mo. Kapag sumabay ito sa paggamit ng medikasyon na nakapagpapababa ng blood pressure ay baka bumaba ito ng husto sa antas na hindi na makakabuti para sa katawan mo.

Hindi rin ito bagay para sa mga gumagamit ng anticoagulants, beta blockers at insulin drugs. Bago mo ito isama sa kinakain mo ay makipag-usap muna sa isang health professional tungkol sa iyong kondisyon.

5. PAGKAKAROON NG GALLSTONES

Ang gallstones ay mga bato sa gallbladder na nagdudulot ng pananakit sa abdomen at iba pang mga side effects. Kahit walang masyadong ebidensya para dito, mas mainam kung iiwasan mo ang paggamit ng luya kapag may gallstones ka. Kapag sobrang dami ng luya ang kinain mo ay patataasin nito ang produksyon ng bile. Magududlot ito ng karagdagang contractions sa gallbladder na magiging sanhi ng paglipat ng mga bato sa bile duct kung saan magdudulot ito ng mga malulubhang komplikasyon.

Kung may problema ka sa gallbladder mo ay makipag-usap muna sa doktor mo kung ligtas kumain ng luya.

Ang maliliit na dosis o dami ng ginger-up to 4 grams araw-araw-ay itinuturing na ligtas, ayon ito sa University of Texas Herbal Safety website. Huwag gumamit ng sobra kung hindi pumayag ang doktor mo.

ANG REKOMENDADONG DOSIS NG GINGER

Ang ang sobrang dami ng ginger? Ang ideyal na dosis para sa ginger ay nasa 250mg hanggang 1 gram, 3-4 beses bawat araw. Kapag nalampasa mo ito ay magreresulta ito sa mga hindi kanais-nais na epekto.

Kung ito ay ginger root, ito ang mga nararapat na dosis:

Para sa mga bata, na nasa pagitan ng edad na 2 at 6 taon, dapat hindi ito lumampas ng 2mg sa isang araw.
Para sa mga nakatatanda, dapat hindi ito lumampas ng 4 grams sa isang araw.
Para sa mga buntis, dapat hindi ito lumampas ng 1 gram sa isang araw.

Ang ang ginger ay isang nakakalusog na spice para mapabuti ang lasa ng mga niluluto mo. Gayunman, depende sa mga kondisyon na nararanasan mo, mas mainam na bawasan o iwasan mo ang paggamit dito ayon sa inirekomenda ng iyong doktor.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments