MAY MGA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI KA DAPAT UMINOM NG KAPE SA WALANG LAMAN NA TIYAN

SPONSORED LINKS
Iniisip mo siguro na kapag uminom ng kape pagkagising ay isang magandang ideya para maging aktibo ang iyong katawan. Pero magugulat ka kung malalaman mo na ito ay isang masamang gawain.



Alam mo ba kung bakit? Basahin sa baba ang mga sagot sa tanong na ito:

STOMACH ACID


Ang bituka mo ay may hydrochloric acid na nasa wastong antas lamang at tumutulong sa pagtunaw ng mga pagkain. Pero kung wala itong laman ay walang tutunawin ang asido na ito kaya naaalog lamang ito sa bituka at magdudulot ng iritasyon. Ang pag-inom ng kape sa walang laman na tiyan ay nakadaragdag sa problemang ito at maglalagay lamang ng karagdagang asido sa loob ng katawan mo. Ang sobrang dami nito ay makakasira sa tiyan at digestive tract mo na sa kinalaunan ay magreresulta sa heartburn, irritable bowel syndrome at stomach ulcers.

Ang Longevity Coffee ay isang natural at low-acid na uri ng kape na may kakayahan na bawasan ang dami ng asido sa tiyan. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na maaari mo na itong inumin kahit walang laman ang tiyan mo. Maraming epekto ang kape sa buong katawan mo, maging mabuti man ito o masama.

ANXIETY O SOBRANG PAG-AALALA


Kapag walang laman ang tiyan mo lalo na sa paggising mo ay mahina ang kakayahan ng utak mo na gumawa ng serotonin, it ay kilala bilang “happy calm hormone”. Kung kulang ka sa hormone na ito ay magdudulot ito ng sobrang pag-aalala at depresyon. Ang pag-inom ng kape sa walang laman na tiyan ay makakadagdag lamang sa kondisyon na ito dahil tinataasan nito ang antas ng cortisol at adrenaline ng katawan. Dahil dito ay makakaramdam ka ng matinding niyerbyos at panghihina.

DEPRESYON

Ayon kay Dr. Adam Simon ng PushDoctor.co.uk, ang pag-inom ng kape sa walang laman na tiyan ay pinapadalas ang pag-alis ng tubig sa katawan at maaaring magresulta sa dehydration. Kung ikaw ay dehydrated na at plano mo pang uminom ng kape ay siguradong mapapahamak ka.

LOSS OF APPETITE O KAWALAN NG GANA SA PAGKAIN


Kung matindi ang gana o kagustuhan mo na kumain at bigla kang uminom ng kape ay asahan mo na mawawala ang pakiramdam mo na ito. Epekto ito ng kape at isa sa mga dahilan kung bakit ginagamit ito ng mga gustong pumayat. Gayunman, kung gusto mong mabawasan ang pagkain mo ay huwag itong gamitin sa umaga dahil ang almusal sa isa sa pinakaimportanteng pagkain sa araw.

KAILAN KA DAPAT UMINOM NG KAPE?


Napag-alaman na ito ng mga nanaliksik at ang pinakamagandang oras para uminom ng kape ay sa pagitan ng 10 o’clock ng umaga at hapon. Tiyakin lamang na nakakain ka na ng almusal.
SPONSORED LINKS

0 comments