MGA NATURAL NA MAITUTULONG PARA SA KALUSUGAN NG TAO DAHIL SA PAG-INOM NG PAPAYA LEAVES JUICE

SPONSORED LINKS
Ang mga dahon ng papaya ay mabisang gamitin para sa ikagagamot ng maraming sakit tulad ng dengue at mabuti rin ito para sa buong kalusugan ng tao. Ayon sa mga pag-aaral, ang dahon ng papaya ay may laman na phytonutrients na pinapabuti ang daloy ng dugo at mayroon din itong antioxidant na katangian.



Ang epekto ng dahon ay dahil sa papain na makikita dito at mga alkaloids at ilang phenolic compounds. Alam mo ba na bilang pangunahing components ng papaya, ang papain at chymopapain ay mamakabuti para sa protein digestion sa katawan mo? Magagamit ito para sa digestive problems tulad ng paglobo ng tiyan o bloating. Bukod dito, ang alkaloid na carpaine ay may chemo-preventive na kakayahan at mainam para sa mga pasyente na may kanser.

ITO ANG MGA MAITUTULONG NG DAHON NG PAPAYA SA SA KALUSUGAN NG TAO:

PARA SA KARAGDAGAN ENERHIYA
Ang pagkunsumo sa katas na galing sa dahon ng papaya o papaya leaves juice ng madalas ay isang paraan para madagdagan ang enerhiya ng katawan at para rin mapigilan ang sobrang pagkapagod.

PARA SA PRODUKSYON NG BLOOD PLATELETS

Ang normal platelet count sa isang malusog na tao ay nasa 150,000 hanggang 450,000 platelets per microlitre ng dugo. Kapag ang bilang na ito ay mas mababasa 150,000 per microlitre, ito ay itinuturing na low platelet count. Ang pagpapanatili sa wastong dami ng blood platelet sa katawan ay mahalaga kung katatapos lamang makaranas ng sakit ang katawan. Ang papaya leaves juice ay may kakayahan na paganahin ang produksyon ng blood platelets para manatili kang masigla at walang sakit.

PINAPABABA ANG ANTAS NG BLOOD SUGAR

Ang phytonutrient compounds na makikita sa papaya leaves ay gumagana lahat bilang isang mabisang antioxidant at immune enhancing compounds sa dugo mismo. Ang katas na galing dito ay makakatulong para makontrol ang insulin sensitivity mo at ang antas ng blood sugar sa iyong katawan. Epektibo rin itong gamitin para sa mga may diabetes at fatty liver disease.


PARA MAIWASAN ANG MGA SAKIT

Ang papaya leaves ay may compound na kilala sa tawag na acetogenin na may kakayahan na pigilan ang mga sakit tulad ng dengue, malaria at kahit kanser. Pinapalakas nito ang immune system para malabanan ng husto ang mga bakterya at viruses na nakakapasok sa katawan.

SUPORTA PARA SA DIGESTIVE SYSTEM

Ang papaya leaves ay may mga laman na papain at chymopapain, at mga pro-tease at amylase enzymes na tumutulong sa digestive system na iproseso ang mga proteins, fats at carbs. Inirerekomenda ang pagkunsumo sa katas ng dahon ng papaya sa mga tao na may problema sa digestion dahil ibinabalik nito ang mabuting pagtakbo ng digestive tract.

Mapipigilan din nito ang pamamaga sa stomach lining at puksain ang mga bakterya tulad ng H. Pylori na isa sa mga pangunahing dahilan sa mga problema sa digestion.

PARA MABAWASAN ANG PAMAMAGA
Ang anti-inflammatory na katangian ng papaya leaves juice ay makakatulong para maibsan ang pamamaga sa katawan. Ito ay dahil sa mabisang cleansing effect nito sa ating atay. Nagagamit din ito na panlunas sa maraming chronic o paulit-ulit na mga sakit, lalo na sa atay, katulad ng jaundice, liver cirrhosis at liver cancer.

SUNDIN ANG MGA SIMPLE AT NAPAKADALING GAWIN NA RESIPE NA ITO GAMIT ANG PAPAYA:

PAPAYA LEAVES TEA RECIPE

Maglagay ng 10 medium-sized na papaya leaves sa 2 liters na tubig.

Pakuluan ang mga ito hanggang mawala ang kalahati sa tubig dahil sa evaporation. Pabayaan itong lumamig pagkatapos.

Salain ito at maaari mo itong inumin. Gamitin ito habang sariwa at puwede itong tumagal sa loob ng fridge ng hindi sosobra sa 5 araw.

HOME MADE PAPAYA LEAVES JUICE RECIPE

Maglagay ng isang kumpol ng papaya leaves sa blender at haluin itong mabuti.

Ilagay ang pinaghalong ito sa isang maliit na buti at itago sa fridge ng 5 araw.

Ihalo ito sa fruit juice para mapabuti ang lasa nito. Inumin ito ng maliliit lang dahil matapang at mapait ang lasa nito.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments