MGA PARAAN PARA MAGAMIT ANG KALABASA PARA MALABANAN ANG KOLESTEROL, TABA AT TRIGLYCERIDES SA KATAWAN

SPONSORED LINKS
Ang ating mga kinakain ay malaki ang epekto sa ating kalusugan. Karamihan sa ating ay walang pakialam kung ano ang ating kainin basta masarap lamang ito.



Madalas tayo ay nauuto ng mga advertisement at commercials na makikita natin sa paligid at sa telebisyon kaya bumibili at kumakain tayo ng mga produkto na nakakasama pala sa ating katawan.

Marami sa tao ang kumakain ng mga pagkain na nakakasama sa kalusugan tulad ng processed meats, fast foods, synthetic sugars, adding at kahit mga fried at refined foods.

Ayon sa American Heart Association o AHA, ang cardiovascular disease ay isa sa pangunahing dahilan ng disease-related death sa mundo. Ang mataas na blood pressure at kolesterol sa katawan ay dalawa sa malaking dahilan kung bakit nagkakaroon ng sakit sa puso ang maraming tao. Ito ang resulta ng hindi balanseng pagkain at kakulangan sa ehersisyo at pisikal na aktibidad ng katawan ng tao.

Sa Amerika lamang may halos 85 milyon na katao ang nakararanas ng mataas na blood pressure sa 1 sa bawat 3 na katao na may edad na 20, ito ay ayon sa iniulat ng American Heart Association o AHA.

Ang mataas na blood pressure ay kilala rin bilang hypertension. Ang blood pressure ay ang taas ng pressure na nakalagay sa mga pader ng arteries kung saan dumadaloy ang dugo at kung masyado na itong mataas at hindi nabigyan ng lunas kaagad ay maaaring magresulta sa iba’t ibang mga karamdaman tulad ng heart failure, paglabo o kawalan ng paningin, stroke at mga sakit sa bato.

Sa kabutihang palad, may mabisang mga palunas para sa mataas na blood pressure pero nakadepende ito sa ilang bagay tulad ng gaano ito kalala, mga komplikasyon na maaaring magdulot ng stroke at iba pang sakit sa puso. Kung katamtaman lamang ang taas ng blood pressure at sinabi ng doktor na maaaring magkaroon ng cardiovascular na sakit ang katawan sa susunod na 10 taon ay maaaring magreseta ang doktor ng isang medikasyon na malaki ang magiging epekto sa buhay mo.

Ang malaking pagbabago sa kinaugalian mo sa buhay mo ay importante para maiwasan ang sakit na ito lalo na kung nakasasama ang mga ito sa katawan mo. Ang madalas na pag-eehersisyo ay malaki ang maitutulong para sa ikabubuti ng kalusugan mo.


Kung sobrang taba ka ay matindi ang importansiya ng pagbawas ng timbang dahil sa kinalaunan ay makakaapekto ang ito sa kondisyon ng iyong katawan. Ang pagbabago din sa kinakain ay malaki ang epekto kung gusto mong maiwasan ang mga karamdaman na dulot ng mataas na blood pressure at kolesterol sa katawan. Kumain ng malulusog at balanse ng pagkain at iwasan ang mga bisyo katulad ng alak at pag-inom ng caffeinated drinks.

Ang mataas na antas kolesterol naman ay nangyayari dahil sa mataas na bilang nito at lipids sa dugo. Magreresulta ito sa pagbuo ng plaque sa arteries at kapag tumigas ang mga ito ay magiging sanhi ng kakulangan ng daloy ng dugo papunta sa puso. Ito ang nagiging dahilan ng sakit sa dibdib at mga komplikasyon sa puso. Kinakailangan din ng ating katawan ang kolesterol pero kung nasobrahan ito ay masyadong delikado na para sa atin. Maaari din itong manahin pero kadalasan ay dahil ito sa ating mga kinakain at sa unhealthy lifestyle. Pero huwag kang sobrang mag-alala dahil malaki ang magagawa mo para maiwasan at mabigyang lunas ito. Wala itong ipinapakitang sintomas at ang natatanging paraan para makita kung mataas ang kolesterol sa katawan mo ay sa pamamagitan ng blood tests.

Kung gumagamit ka ng mga nabibiling mga pharmaceuticals products para sa mataas na kolesterol ay baka makasama rin ito dahil sa mga side effects. Ang mabisa mong gawin o gamitin ay ang mga natural na paraan para malabanan ang karamdaman na ito. Ang pag-eehersisyo ng madalas, pagkain ng tama at pagiging aktibo sa mga pisikal na gawain ang talagang magbibigay sa iyo ng pangmatagalang ginhawa.

MAAARI MO RIN NA GAMITIN ANG MABISA AT LUBOS NA NATUAL NA RESIPE NA ITO PARA ANG MGA KOMPLIKASYON NA DULOT NG MATAAS NA BLOOD PRESSURE, KOLESTEROL AT TABA SA KATAWAN:


PAANO ITO GAWIN?


Maraming tao na ang gumagamit nito at nagpatunay sa pagiging epektibo nito. Ang lahat ng sangkap nito ay natural at organic.

Bumili ka ng organic pumpkin na madaling makakita sa ilang groceries store at supermarkets.
Hugasan itong mabuti bago balatan at hiwain sa mga piraso.
Ilagay ito sa blender at lagyan ng kauting tubig bago haluin.

Inumin ang smoothie na ito bawat umaga sa walang laman na tiyan, mga 20 minuto pagkatapos magising sa 30 sunod-sunod na araw o isang buwan.
SPONSORED LINKS
Loading...

0 comments