PAANO GAWAN NG LUNAS ANG BLOATED STOMACH O PAGLOBO NG TIYAN SA LOOB NG 60 SEGUDO GAMIT ANG ISANG WATER THERAPY

SPONSORED LINKS
Maraming tao ang masyadong nag-aalala kung ano ang kanilang mga itsura. Ginagawa nila ang lahat na paraan para maging maganda para sa ibang tao. Gayunman, kung malaki ang tiyan mo ay hindi ito kaaya-ayang tingnan lalo na sa mga kababaihan.



Siguro kung isa ka sa mayroon nito ay naghahanap ka ng mabisang solusyon para dito. Huwag kang mag-aalala dahil sa artikulo na ito ay malalaman mo ang isang nakamamanghang water therapy na labis na makatutulong sa problema mo.

Narinig mo na siguro na kailangan ng katawan ng tao ang hindi kukulang sa 8 baso ng tubig araw-araw para sa wastong hydration. Ang pag-inom ng tubig o ang mga pagkain na marami sa tubig o “watery” tulad ng mga lemon, greens at iba pang klase ng mga prutas at gulay ay malalaki ang maitutulong para sa kalusugan mo at kasama rin dito ang pagtanggal ng sobrang pagkapagod. Ang pinakamainam na gawin natin para sa ating tiyan ay bigyan ito ng tamang hydration para makatulong ito na bigyan ng maayos na balanse ng tubig ang buong katawan at protektahan ito laban sa water retention. Bukod dito, makatutulong din ito para mapigilan ang constipation na maaaring magdulot ng bloating o paglobo ng tiyan.

Ang walong (8) baso ng tubig araw-araw ay isa lamang gabay dahil ang tubig na kailangan ng katawan ay maaaring magkaiba sa bawat tao depende sa antas ng kanyang aktibidad. Ang 8 glasses a day ay isang magandang panimula. Tandaan na lahat na uri ng tubig, kahit yung mga water-loaded na mga pagkain ay mabibilang sa kabuuang water consumption mo.

Sa kabutihang palad, may mabisang soluyson na para sa mga tao na nahihirapan sa kanilang mga malalaki at bloated na tiyan. Ang Flat Belly Diet kung tawagin ay naisip ni Cynthia Sass, at ito ay ang paggamit ng popular na Sassy Water para sa pagpapapayat at ginagamit ang ordinaryong tubig para mabilis na mabawasan ang malaking tiyan. Kahit umiinom ka ng kinakailangan na 8 baso ng tubig bawat araw ay dapat mo pa rin na isipin ang tungkol sa proper electrolyte balance at water retention. Makakatulong ang water therapy na ito hindi lamang sa tiyan mo pero para rin sa buong katawan mo. Ang pangunahing mga sangkap nito ay ginger, cucumber, lemon at spearmint na 100% nakakapalusog para sa katawan.

Ang Flat Belly Diet ay tutulongan kang mawalan ng 2 pounds a week at paliitin ang tiyan mo by inches. Ang kailangan mo lang gawin kasabay nito ay ang pagkain ng whole, minimally processed na mga pagkain, lalo na ang mga puno ng monounsaturated fats.

ITO ANG MGA HEALTH BENEFITS KUNG UMINOM KA NG SASSY WATER:

Kung sapat ang antas ng tubig sa katawan mo ay mapipigilan mo ang paglobo ng tiyan mo at water retention. Kung hindi sapat na nabibigyan ng tubig ang katawan ay itatago nito ang natitirang mga tubig sa katawan para magamit niya ito at ito ay tinatawag na water retention.

Ayon sa mga nagsulat tungkol sa Flat Belly Diet, ang ginger sa Sassy Water ay may kakayahan na pakalmahin ang gastrointestinal tract. Ang ginger ay mabisang panlunas sa nausea o pagkahilo at mayroon din itong antioxidant at anti-inflammatory na mga katangian. Ginagamit na ito ng maraming siglo bilang flavoring at panlunas sa mga karamdaman at sakit tulad ng sipon, rayuma at high blood pressure o hypertension. Ang lemon naman ay nakatutulong para sa maayos na digestion at para mapigilan ang paglobo ng tiyan. Bukod dito, ang cucumber o pipino ay magbibigay ng mabuting panlasa sa tubig.


SASSY WATER BILANG DIET MOTIVATION

Ang mga nagsulat tungkol sa Flat Belly Diest ay nakaalam na ang unang ilang mga araw na simula ng isang diet, lalo na ang mga diet na strikto ay isang mahirap na gawain at karanasan. Pero kung nais mo talagang mabigyan ng lunas ang problema mo sa tiyan ay dapat maging dedikado ka at ang paggamit ng Sassy Water ay isang malaking tulong para magawa mo ito.

Para simulan ito, sumipsip ng tubig sa bawat pagsubo mo sa simula ng 4 day anti-bloating regimen na ito. Dapat tandaan mo ang importansiya ng ginagawa mo para hindi mo ito makalimutan na gawin. Kumain sa isang kanais-nais na lugar para maaliw ang isip mo para magawa mo ng maayos ang water therapy na ito.

ANO ANG NAGAGAWA NG SASSY WATER SA FLAT BELLY DIET?

Kung natapos mo na ang 4 day anti-bloating bloating startup, ang calorie consumption ay tataas ng hanggang 1,600 calories per day sa susunod na buwan. Dapat mong kainin ang mga may kakayahan na magbigay ng maayos na digestion katulad ng whole grains, lean proteins at fresh produce. Magpatuloy lamang sa paggamit ng monounsaturated fats sa mga kinakain mo. Ang pag-eehersisyo ng madalas ay makakatulong din para maging matagumpay ang diet na ginagawa mo.

ITO ANG KABUUANG RESIPE:
MGA SANGKAP:

2 liters na tubig
1 tablespoon ng freshly grated ginger
1 medium-sized peeled at thinly sliced na cucumber
1 medium-sized thinly sliced na lemon
12 small leaves ng spearmint

PREPARASYON:


Hugasan at linisin ang lemon bago ito hiwain sa mga piraso.

Ilagay ang tubig sa isang pitcher o malaking jug.

Ilagay dito ang mga sangkap na halaman. Takpan ang pitcher at itago ito sa pridyeder. Pabayaan sa magdamag para maghalo ng ito ng mabuti.

Inumin ang tubig sa susunod na araw sa apat (4) na magkakasunod na araw.

Maaari mo ring tingnan ang video sa baba para malaman mo ang bawat detalye ng preparasyon nito. Gawin ang mga ito para sa pinakamainam na resulta.
SPONSORED LINKS

0 comments