PINAKAMABISANG INUMIN PARA MAPATIBAY ANG TUHOD, MAAYOS ANG PAGKASIRA NG MGA CARTILAGES AT LIGAMENTS

SPONSORED LINKS
Sa paglipas ng panahon at sa pagtanda na rin ng isang tao ay hindi maiiwasan ang paghina ng kanyang katawan. Unti-unti niyang mararamdaman ang panghihina, sakit sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ang pagkasira ng kanyang mga organs, ilang lamang ito sa epekto ng pagtanda ng isang tao pero ang prosesong ito ay napapabilis kung hindi sila aktibo sa mga pisikal na gawain, hindi nag-eehersisyo o kumakain ng mga wastong pagkain.



Para mapanatili ang lakas natin ay kailangan na palaging matibay ang ating mga kasukasuan at mga kalamnan. Ang pagkasira ng mga parte na ito ay direktang makakaapekto sa buhay mo. Kung hindi ka makakakilos ng maayos ay mababawasan ang mga bagay na magagawa mo at ito ay hindi lamang magiging problema mo kung hindi pati na rin ng pamilya mo.

Dahil dito, mababasa mo sa artikulo na ito ang isang inumin na kayang pabutihin at panatilihin ang maayos na kondisyon ng mga kasukasuan o joints, ligaments at cartilages mo. Hindi na magiging isyu ang edad kapag ginamit mo ang resipe na ito at kasama ang aktibo na buhay, pag-eehersisyo ng madalas at pagkain ng mga malulusog na pagkain ay siguradong magiging masaya at mahaba ang buhay mo.

PAANO ITO GAWIN?

Mga sangkap:


1 teaspoon ng natural honey
1 teaspoon ng cinnamon powder
1 cup na oatmeal
1 cup na organic orange juice
2 cups ng sliced pineapple
8 ounces na crushed sweet almonds
8 ounces na tubig

PREPARASYON AT PAGGAMIT:

Most of people love to eat what they really want. But a lot of people do not give enough attention on what are the effects of those foods on their entire health. Good joint health depends on proper nutrition because some foods contain certain properties that can actually help people in keeping it healthy as it should be. There are also foods that are not good for the health, particularly our knees.

Lutuin ang oatmeal ng mga 10 minuto bago ito palamigin at dagdagan ng ibang mga sangkap. Ihalo sila lahat sa blender hanggang maging likido ito at maaari mo na itong inumin.

Uminom ng hindi sosobra sa 2 baso nito sa isang araw, isa sa umaga pagkagising mo at walang laman ang tiyan at isa na naman sa gabi bago ka matulog. Gawin ito ng 15 sunod-sunod na araw at talagang magugulat ka sa resulta nito dahil ang mga panghihina at pananakit na nararamdaman mo sa mga kasukasuan at kalamnan ay maglalaho at hindi na babalik.

Ito rin ang ilang mga elemento o sangkap sa kinakain mo na nakakaapekto sa kondisyon ng kasukasuan at litid mo:

TUBIG

Ang mga kasukasuan ay nakababad sa synovial fluid, na bumabawas sa gasgas o friction na nangyayari kapag ang cartilage at mga tissue ay dumikit kapag kumikilos ang katawan. Ang pag-inom ng tubig ay makakabuti para sa synovial fluid para palaging may wastong lubrication ang mga buto at laman sa mga kasukasuan. Importante ang pag-inom ng tubig lalo na kapag nag-eehersisyo, siguraduhin na uminom ng tubig bago at pagkatapos gawin ito. Ang 2 liters na tubig na iniinom araw-araw ay sapat na para sa katawan.


MGA SIBUYAS

Ang allium vegetables katulad ng bawang, sibuyas at leaks ay mayaman sa laman na sulfur, isang uri ng mineral na kailangan para mabuo ang collagen at iba pang mga kinakailangan para mabuo ang mga buto at cartilages pati mga tendons at ligaments sa katawan. Kung hindi mo ito ginagamit sa mga niluluto at kinakain mo ay baka kulangin ka ng sulfur sa katawan mo at makakaapekto ito sa mga joints at muscles mo.

BLUEFISH

Ang bluefish katulad ng tuba, mackerel at sardinas pati na rin ang salmon ay punong-puno ng omega-3 fatty acids, meron itong malakas na anti-inflammatory na katangian para malabanan ang mga pamamaga sa katawan. Kahit wala itong antioxidant na epekto ay magagamit pa rin ito ng katawan sa mga pisikal na gawain dahil prinoprotektahan nito ang mga cell membranes sa pagkasira dahil sa oxidative process. Ang pagkain ng mga isda na ito ng at least twice a week ay matinding ipinagpapayo. Ang ibang mapagkukunan ng omega-3 fatty acids ay ang mga nuts at seeds lalo na ang flax seeds.

MGA PAGKAING MAYAMAN SA VITAMIN C

Maraming pagkain na mayaman sa vitamin C katulad ng strawberry, kiwi, orange, tomato, orange, raw peppers, broccoli, pati na rin ang parsley at mga katulad nito. Ang bitamina na ito kasa ang omega-3 fatty acids ay kayang pigilan ang mga pamamaga sa loob ng katawan. Nakakatulong din ito sa produksyon at pagpapanatili ng magandang kondisyon ng mga collagen at cartilages na parte ng mga kasukasuan o joints. Ang papaya at pineapple ay puno ng vitamin C at meron ding laman na papain at bromelain na mabisa para maiwasan o maibsan ang pamamaga sa katawan. Ang pagkain ng mga prutas at gulay ay dapat mong gawin araw-araw.

MGA KARNE

Dahil sa mataas na protein na laman nito ay nakapagbibigay ito ng mga amino acids na kinakailangan para masynthesize ang mga cartilages at para na rin maiwasan o mabawasan ang mga lession na nakakasira dito. Meron din itong mga mineral katulad ng iron at zinc para sa paghilom ng mga sugat. Dapat balanse ang pagkain mo at huwag sobra sa karne dahil makakasama ito sa katawan mo. Kumain ng 2-3 servings ng at least 100 grams ng karne bawat linggo para makuha ng katawan mo ang kinakailangan nito na protein. Maaari mo itong palitan ng mga pagkain na mayaman din sa proteins tulad ng nuts legumes at isda.

Importante ang bawat parte ng katawan para mabuhay tayo ng maayos. Ang pangangalaga sa ating mga kasukasuan at kalamnan ay isa lamang sa dapat nating gawin para mapanatili ang mabuting kalusugan ng katawan. Bukod dito, ang matibay na buto ay importante din kaya kumain ng mga mayayaman sa calcium, phosphorus at magnesium. Ang vitamin D ay may kakayahan din na maayos ang pagkasira ng mga calcium sa buto para lalo itong mapatibay.

Sana ay may natutunan kayo sa pagbasa sa artikulo na ito at kung maaari ay ipabasa ito sa iba. Maraming salamat!
SPONSORED LINKS

0 comments