PITONG (7) DELIKADO NA SIDE EFFECTS NG BIRTH CONTROL NA MAAARING HINDI SINABI SA IYO NG DOKTOR

SPONSORED LINKS
Ang simula ng paggamit sa contraceptive pills ay maaaring makita sa taon na 1950. Sa paglipas ng panahon, maraming mga kababaihan ang nakinabang sa mga pills na ito hindi lamang sa birth control pero para sa ikalulunas ng hormonal imbalance katulad ng Polycystic Ovarian Syndrome.



Gayunman, natuklasan na ang mga pills na ito ay maaari ring magbigay ng mga negatibong epekto sa katawan na dapat malaman ng mga kababaihan. Ang hormonal contraceptive pills o injectables ay masama ang epekto sa katawan at maaaring maging dahilan ng pananakit ng ulo at minsan ay isang matinding depresyon at kamatayan. Kinompirma rin ng World Health Organiztion (WHO) na ang mga pills na ito ay carcinogenic o isang bagay na maaaring magdulot ng sakit na kanser.

Inilista ng Human Life International sa kanilang website ang lahat ng long-term at short-term na side effects ng patuloy na pagamit ng contraceptive pills at ito ang mga sumusunod:

Biglaang pagkabulag
Deep vein thrombosis
Atake sa puso
Kanser sa atay, cervix at suso
Ectopic pregnancy
Pulmonary embolism
Hypertension o high blood pressure
Pagkahilo
Vertigo
Kawalan ng malay
Pananakit ng tiyan
Paglobo ng tiyan
Problema sa gallbladder katulad ng gallstones
Pamamage ng pancreas
Nausea
Pagsusuka
Akumulasyon ng tubig
Phlebitis (pamumuo ng dugo sa mga ugat)
Insulin sensitivity
Mataas na antas ng potassium
Migraine
Depression
Pabago-bago na mood
Pananakit at pamamaga sa suso
Pagbabago sa mga araw na nireregla
PMS
Dysmenorrhea
Acne at pagpapantal
Paglagas ng buhok
Pagkapagod
Pagtaba

Ang lahat na naisulat na side effects sa taas ay nakalagay sa information pamphlets na makikita sa kahon ng pills. Pag-uusapan naman natin ngayon ang iba pang maaaring maging epekto nito sa kalusugan.

PINATATAAS NITO ANG TIYANSA NA MAGKAROON NG DEEP VEIN O BLOOD CLOTS


Sa lahat ng maaaring maging epekto ng paggamit ng pills ay ang pagkakaroon ng deep vein thrombosis na nakamamatay. Ayon sa pinakasikat na diyaryo sa Britain, ang Guardian, ang ilang produkto ng pills ay pinatataas ang tiyansa na magkaroon ng deep vein thrombosis ng limang beses!

MAGDUDULOT ITO NG PANGMATAGALAN NA HORMONE REGULATION PROBLEMS

Base sa The Journal of Sexual Medicine January 2006 issue, sinabi ng mga eksperto na ang mga babae na nagdesisyon na ihinto ang paggamit ng contraceptive pills ay nakaranas ng kakaiba at mababa na dami ng unbounbd testosterone. Ayon sa nagsulat ng impormasyon na ito, sinabi ni Dr. Irwin Goldstein na, “Ang pag-aaral na ito ay ang resulta ng pitong taon na observational research kung saan sinuri namin ng mabuti ang mga nakaugaliang gawin ng mga babae na may sexual dysfunction at gumamit ng oral contraceptive pero ang kanilang sexual at hormonal problems ay nagpatuloy kahit itinigil na nila ang paggamit sa mga birth control pills.”


TINATAASAN NITO ANG POSIBILIDAD NA MAGKAROON NG KANSER

Kahit pinapababa nito ang tiyansa na magkaroon ng ovarian at endometrial cancers, ang paggamit ng contraceptive pills ng mga babae na nasa edad kung saan sila maaaring mabuntis ay magiging mas mataas ang tiyansa na magkaroon ng breast cancer. Sinabi rin ng WHO na bukod sa kanser sa suso ay tinataasan din nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng cervical at liver cancer.

MAGDUDULOT ITO NG MALAKING PAGBABAGO AT KAWALAN SA KABUUANG KONDISYON NG KATAWAN


Isang pag-aaral na ginawa sa Kinsey Institute ang nakatuklas na 40% ng mga babae na nagsimulang gumamit ng pills ay nakaramdam ng malaking pagbabago sa kanilang katawan at ang ilan ay nakaranas ng pagbaba ng kagustuhan na makipagtalik. Sinabi ni Dr. Elizabeth Lee Vliet, isang health specialist sa mga kababaihan at nagsulat ng libro na “My Overies, Stupid” na ang ang mga pills ay malaki ang negatibong epekto sa mood ng mga babae dahil nagpapakawala ito ng high-progesterone formulations at ang maaaring kakailanganin na gumamit ng antidepressants para lang ito mabigyan ng panlunas. Sinabi din niya na bukod sa mood ay naapektuhan din nito ang hilig ng babae sa seks.

BAKA MAKAPANGAWASA NG MALING LALAKE ANG ISANG BABAE DAHIL DITO

Maaaring nakakatuwa itong basahin pero ayon sa pag-aaral na inilathala sa Proceedings of the Royal Society B August 2008, “kapag ang babae ay naka-amoy ng t-shirt na suot ng lalake pagkatapos nilang gumamit ng pills ay maaaring magkagusto sila sa mga lalake na ito kung magkaparehas sila ng genetic make-up o genetically similar sila.”

Sa madaling salita, ang mga babae na gumamit ng pills bago sila ikinasal ay baka hindi na magustuhan ang kanilang mga asawa pagkatapos nilang ihinto ang paggamit sa mga pills na ito para mabuntis. Isa sa mga mananaliksik at evolutionary psychologist na may pangalan na Craig Roberts ang nagpaliwanag na, “Hindi lamang genetic similarity sa mga kasintahan ang maaaring magdulot ng fertility problems pero sa kinalaunan ay ikasisira ng kanilang relasyon kapag tumigil na sa paggamit ng pills ang babae, dahil ang amoy o odor perception ay malaki ang ginagawa para mapanatili ang atraksyon sa pagitang ng mga nagmamahalan.”

NAKAKALASON ITO SA KALIKASAN


Ang female hormone na makikita sa contraceptive pills ay karaniwang nilalabas sa pamamagitan ng ihi na maaaring mapunta sa tubig kung saan naninirahan ang mga isda o iba pang marine creatures. Sinabi ng Washington Post noong 2009 sa kanilang balita na ang pinaghalo na hormone at hormone mimicking pollutants ay may negatibong epekto sa mga isda dahil karamihan sa mga lalake na isda ay may katangian din ng mga babaeng isda.

MAAARING MAGRESULTA ITO SA MAAGANG PAGPAPALAGLAG NG SANGGOL O IBA PANG KASO


Kahit ang pangunahing layunin ng contraceptive pills ay mapigilan na mabuntis ang isang babae, sa ibang pagkakataon ito ay maaaring maging dahilan ng abortion dahil sa pagpigil nito sa wastong paglaki ng sanggol sa loob ng sinapupunan ng babae. Pinipigilan din nito ng lubusan ang ovulation. Kapag nabigo ito sa totoong layunin nito, ito ay magreresulta sa pagpapalaglag sa isang unborn child.
SPONSORED LINKS

0 comments