PITONG (7) NAKAMAMANGHANG PAKINABANG NG DAHON NG MANGGA PARA SA MGA PANGKARANIWANG MGA KARAMDAMAN

SPONSORED LINKS
Ang mangga ay isang malaki at makatas na prutas, ang hugis nito ay parang itlog o oval. Isa itong tropiko na prutas at may mahigpit na dilaw at pulang balat at matigas na buto sa loob nito.



Ang prutas na ito ay makikita sa ilang mga bansa pero mas native ito sa India. Perpekto itong gamitin para sa mga desserts, pero sino ang nag-aakala na ang masarap na prutas na ito ay magiging isang super food? Ito ay puno ng vitamin A at C, at mga mineral katulad ng copper, potassium at magnesium.

Hindi lamang nutrisyon ang maibibigay nito subalit marami rin itong mga health benefits. Magagamit ito bilang mabisang herbal medicine para sa maraming karamdaman. Mataas ang puno nito at ang dahon nito ay may pula at berdeng kulay at sa paglipas ng panahon ay nagiging dark green.

Ang mga dahon nito ay kilala na marami ang laman na vitamin A, B at C at puno rin flavonoids, antioxidants at phenols. Dahil sa mga nabasa mo, isipin mo lang mga mabubuting bagay na maaaring ibigay nito sa kalusugan mo. Maaari din silang pakuluan sa tubig o ikunsumo sa powdered form.

Sa karamihang bansa sa South East Asia , ang dahon nito ay niluluto at kinakain. Gayunman, mag-ingat lamang kung gagamitin ang mga ito bilang panlunas. Ang antioxidant at antimicrobial na katangian nito ay epektibong makakatulong para gamutin ang maraming uri ng karamdaman. Ito ang listahan ng mga health benefits na maaaring makuha mo galing sa dahon ng mangga.

PARA SA SOBRANG PAG-AALALA O ANXIETY

Ang dahon ng mangga ay napatunayang epektibo para sa mga taong nakararanas ng sobrang pag-aalala. Para mapaginhawa ang pakiramdam ng katawan at isip, maglagay lamang ng ilang piraso ng dahon ng mangga sa pangligo mo na maligamgam o mainit na tubig. Ito pala ay nilalagay din ng mga tao sa India sa kanilang pintuan para mapigilan ang stress at anxiety.

PARA SA PANANAKIT NG TENGA

Ang ear ache o pananakit ng tenga ay sobrang sakit at nakaiirita. Mapipigilan ka nito na gawin ang pang-araw-araw mong gawain dahil sa sakit na naidudulot nito. Sa kabutihang palad, magagamit mo ang isang natural na home remedy na gamit ang dahon ng mangga para dito. Pigain lamang at painitan ang katas ng dahon ng mangga sa isang kutsara at ilagay ito sa apektadong tenga tulad ng paggamit sa ear drops. Dahil dito ay mababawasan ang sakit na nararamdaman mo.


PARA SA DIABETES

Naging sikat ang dahon ng mangga dahil kaya nitong kontrolin ang diabetes. Ang dahon ng mangga ay may tannins at anthocyanins, na nakakatulong para gamutin ang diabetes. Para sa epektibong ikalulunas nito, pakuluan ang ilang piraso ng dahon ng mangga sa isang pan na puno ng tubig. Kapag ang tubig ay nangangalahati na dahil sa init ay alisin sa apoy at pabayaang lumamig. Pagkalipas ng ilang sandali o sa kasunod na umaga ay salain at inumin ang mango leaf tea na ginawa mo.

Maibabalik nito sa normal na antas ang insulin sa katawan. Gumagana ito bilang antidiabetic at anti-hyperlipidemia na nakakapigil din sa hypoglycemia. Ayon sa ilang mga propesyonal, ginamit na ito ng mga doktor sa Europa bilang panggamot sa diabetes at mga vacular na problema na may kaugnayan sa karamdaman na ito. Pinababagal nito ang paglala ng diabetes at pinahihilom ang mga blood vessels sa paligid at sa loob ng pancreas na palaging nasisira dahil sa diabetes.

PARA SA KAHIRAPAN SA PAGHINGA

Makakatulong ang dahon ng mangga sa iba’t ibang respiratory problems. Makakatulong ito ng sobra sa mga nakararanas ng sipon, bronchitis at astma dahil nagagamot din nito kahit ang lagnat at kawalan ng boses. Pakuluan lamang ang ilang piraso ng dahon ng mangga sa tubig at lagyan ito ng kaunting honey para tumamis ang lasa. Inumin ito pagkatapos.

PARA PIGILAN ANG DYSENTERY

Ang dahon ng mangga ay makatutulong sa paggamot ng dysentery at diarrhea. Durugin lamang ang ilang piraso ng tuyo na mga dahon ng mangga at ihalo ito sa tubig. Inumin ito ng hindi kukulang sa 2-3 beses bawat araw para maramdaman mo agad ang resulta.

PARA SA HIGH BLOOD PRESSURE


Mabisang mababawasana ang antas ng blood pressure sa katawan ng dahon ng mangga dahil sa mga hypotensive sa bahagi nito. Pinapatibay din nito ang mga blood vessels para maiwasan ang mga issue tulad ng varicose veins at mabawasan din ang tiyansa na magkaroon ng hypertension. Gamitin lamang ang mango leaf tea araw-araw para dito.

PARA SA IKAHIHILOM NG MGA SUGAT


Para sa mabilis na paghilom ang mga sugat sunog sa balat ay magagawa mo gamit ang dahon ng mangga. Durugin lamang ang ilang piraso ng dahon ng mangga at gamitin ito sa mga bahagi na nasunog o nasugatan. Ito ay mabilis na magpapaginhawa sa pakiramdam mo at makakatulong para isa ikabibilis ng paghilom ng mga sugat at sunog sa katawan mo.
SPONSORED LINKS

0 comments